09

565 6 1
                                    

Nakabusangot na mukha ni Ziejan ang bumungad kay Bella ng
lumabas siya ng bahay nakasandal ang lalake sa tricycle habang yamot na yamot ang mukha nito. Hindi pa siya nakikita ng binata dahil sa ibang gawi ito nakatingin nakasandal ito sa tricycle habang na ninigarilyo. Naramdaman ata nitong may nakatangin dito dahilan ng paglingon nito sa kaniyang gawi kumabog ng mabilis ang dibdib ni Bella ng magtama ang mata nila ng lalake.

"Boss ba'ka naman matunaw niyan si ma'am sa titig mo." Natatawang saad ng driver ng tricycle namumulang nag iwas ng tingin si Bella sa binata ng marinig niya 'yon.

Ang kaninang yamot na mukha ni Ziejan ay napalitan ng pagka aliw ngumisi ito at saka tinapon ang hawak na sigarilyo bago tinapakan. Pupunta sila sa talipapa para bumili ng karne na utos ni nanang Minda mamaya kasing twelve midnight ay bagong taon na, napasinghap si Bella ng biglang hablutin ni Ziejan ang kaniyang kamay. Palapit sa katawan nito napahawak siya sa dibdib ng lalake lalayo sana ang dalaga sa binata ng ikulong naman nito ang kaniyang bewang gamit ang matigas nitong braso.

"Ma—nong.. alis na po ta—tayo." Lumaki ang pagkakangisi nito sa pagkakautal niya kaya mas lalo siyang namula.

"Ayaw ko na atang umalis.. gusto nalang kitang ikulong sa kwarto." Anito pero bulong lamang ang huli nitong sinabi, sinigurado nito na tanging siya lamang ang makaririnig. 

Pinalo niya ang dibdib ni Ziejan dahilan kong bakit napahalakhak ang binata habang siya ay mas lalong namula ng marinig din na tumawa ang driver ng tricycle.

Dikit na dikit ang katawan nila ng binata sa loob ng tricycle malaki ang katawan ni Ziejan kaya halos wala ng ispasyo sa pagitan nila. Para siyang tuod na hindi gumagalaw sa kinauupuan niya dahil sa presensya ni Ziejan. At kapag napapadaan sa lubak ang sinasakyan nila ay mas lalong napapalapit si Bella sa binata kong hindi lamang nakapalibot ang braso ni Ziejan sa kaniyang baywang ay ba'ka nasubsob na siya sa lapag ng tricycle. Muli siyang napalunok ng muli na naman niyang maramdamang sinasamyo ng binata ang amoy niya kanina pa 'yon ginagawa nito na labis na kinaiilang ni Bella, panaka-naka itong sumisinghot-singhot sa kaniyang leeg habang sila ay nasa byahe.

"I love your smell." Nagtayuan ang buhok ni Bella sa batok ng bumulong ito.

Pinatakan din ni Ziejan ng magagaan na halik ang kaniyang leeg, at ng subukan niyang sikohin ang tagiliran nito ay mas lalo lang lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang baywang.

"Manong.." Saway niya pero parang wala itong narinig patuloy lang ito sa paghalik sa kaniyang leeg habang ang mga kamay nito ay marahan ng humahaplos sa baywang niya. Napatigil lamang ito sa ginagawa ng mag salita ang driver ng tricycle.

"Boss, naandito na tayo." Binigyan muna ng madiin na halik ng binata ang kaniyang leeg bago naunang lumabas ng tricycle at saka inilahad sa kaniya ang palad nito, hindi na siya nagdalawa pang isip na tanggapin 'yon.

Magkahawak kamay silang naglakad papasok sa loob ng maingay na palengke halos lahat ng kababaihan ay napapatingin sa gawi nila dahil sa agaw pansin na kagwapuhan ni Ziejan. Nakaramdama ng inis si Bella ng makitang maraming matang nakatingin sa kasama niyang binata. Parang gusto niyang dukutin ang mga mata ng mga ito na kilig na kilig habang nakatingin kay Ziejan na walang pakielam sa paligid.

"Are you okay, baby hmm?" Malambing na bulong nito sa kaniya dahilan para manigas siya.

Tumunghay siya rito at nakasimangot na tumango narinig niya pang tumawa ito ng mahina bago hinalikan ang kaniyang sentido. Hindi niya alam kung bakit inis na inis siya sa mga babaeng nakatingin sa kanila ng binata at hindi niya din maintindihan ang sarili kung bakit pinapayagan niyang malayang halikan at yaposin siya ni Ziejan.

"Bili na kayo Sir, sariwang-sariwa pa 'yan bagong deliver lamang n'yan kanina." Saad ng tindera na ang tinutukoy ay ang mga tinitinda nitong karne.

"Magkano ho ang kilo Nay?" Tanong ng binata habang dumadampot ng karne at inilalagay ang mga nadampot nito sa isang may kaliitang palanggana. Parang sanay na sanay na itong mamili base sa kilos nito.

"One-eighty ihjo."

"Sige ho, anim na kilo po Nay "

"Kay ganda naman ng dalagang kasama mo." Namula siya ng marinig ang papuri ng Ale.

"Bagay ho ba kami Nay?" Nakangisi ang binata ng itanong 'yon sa ginang.

"Aba'y Oo ihjo bagay na bagay." Mas lalo siyang namula ng marinig ang sagot ng ginang at dahil sa hiyang nadarama ay naisubsob ni Bella ang kaniyang mukha sa dibdib ni Ziejan natawa ito sa kaniyang ginawa.

"Pag pasensyahan niyo na po itong asawa ko Nay sadyang mahiyain ito, ito po ang bayad." Narinig niya pang nagpasalamat ang ginang sa kanila bago sila makalayo.

Magkasalikop pa rin ang kanilang kamay ni Ziejan habang palabas ng palengke, karne lamang ang kanilang binili na inutos ni nanang Minda ang ginang rin ang nagpasama sa kaniya para naman daw makalabas siya at makakita ng bagong tanawin dahi wala naman siyang ginawa kundi ang manatili sa bahay ni Ziejan. Luminga-linga ang binata hinahanap kong nasaan nakaparada ang kaninang sinakyan nilang tricycle. Napatingin si Bella sa mga nagtitinda ng mga damit may nakita siyang nakahanger na dress na kulay violet na bulaklakin may tali iyon sa likod tumagal ang titig niya do'n dahil napakalamig sa mata ng kulay nito at nagandahan din siya sa bulaklak na design no'n.

"Gusto mo yon?" Napalingon siya sa binata nakatingin din ito sa dress na tiningnan niya, umiling siya at saka ngumiti.

"Nagandahan lang ako." Nanlaki ang mata niya ng hilahin siya nito papunta sa tindahan kong saan nakahanger ang dress na kaniyang tinitingnan.

"Magkano po ang dress na 'yon?" Turo ni Ziejan sa nakahanger na dress na tiningnan niya sa tindera.

"Two-fifty lang yan Sir." Hinawakan niya ang braso nito ng dukutin nito ang wallet nito sa suot na pantalon.

"Manong hindi ko naman gusto tiningnan ko lang." Saglit siyang nilingon ni Ziejan bago inabot sa tindera ang hawak nitong pera.

"Bilbilhin ko na po mukhang nagustuhan ng asawa ko." Nahihiyang napayuko si Bella ng ngitian siya ng tindera.

Mas lalo pa siyang nahiya ng tawigin muli siyang asawa ni Ziejan parang normal na normal ito na tawagin siyang gano'n.

"Sigurado po na bagay na bagay ito kay misis." Tukoy ng tindera sa binabalot na dress inabot nito kay Ziejan 'yon at nagpasalamat, pagkatapos 'yon kuhanin ng binata ay hinatak na siya nito palayo sa tindahan.

Nakayuko pa rin siya hanggang sa makauwi sila ng binata, masaya silang sinalubong ni nanang Minda kinuha nito ang dalang karne ni Ziejan.

"Uuwe na ako ihjo aasikasohin ko lang ito." tukoy nito sa mga karne.

"Sige po nanang."

"Isama mo mamaya sa bahay itong si Bella." Tumango ang binata dito, pagkaalis ng ginang ay inabot naman sa kaniya ng binata ang hawak nitong plastik na ang laman ay ang dress na binili nito.

"Suotin mo 'yan mamaya." Nahihiyang inabot  'yon ni Bella at saka tumango.


VOTES | COMMENTS | FOLLOW

Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE  (150 php) mode of payment GCASH message lang po sa email account ko ✉️ missgalacia@gmail.com or comment here. Mas mainam
Kung mag private message po
Kayo sakin. 🥰

AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon