11

475 4 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas unti-unti na rin nasasanay si Bella sa buhay probinsya, labis din ang inis niya sa binata dahil hindi siya nito hinahayaan na gumawa ng gawain bahay na kahit 'yon naman ang dahilan kong bakit siya isinama nito. Minsan sa sobrang bagot niya ay inaabala na lamang niya ang kaniyang sarili sa panunuod ng TV o kaya'y naman magdilig ng halaman at maglibot sa malawak nitong garden.

"Oh ihja tinanghali ka ata ng gising." Kapapasok niya lamang sa kusina at naabutan niya si nanang Minda na nag aayos ng pagkain sa basket.

Mag aalauna na siyang nakatulog kagabi dahil sa nalibang siya sa kaniyang pinanood.

"Ang ganda po kasi ng pinanunuod ko kagabi nanang hindi ko po namalayan ang oras."

"Mabuti't tapos na akong magluto, kumain ka na lang at ihahatid ko lamang ito sa pinyahan." Tukoy nito sa basket na may lamang pagkain.

Sa tuwing nasa pinyahan si Ziejan ay palaging nagbibilin ito sa ginang na magluto ng pagkain para sa mga trabahador, hindi rin ito nauwi sa tanghali dahil sumasabay na itong kumain sa mga magsasaka.

"Pwede po ba akong sumama nanang?" Labis-labis ang dasal ni Bella na sana'y payagan siya ng ginang na sumama dahil bagot na bagot na siya.

"Oh sige, bilisan mo ang kilos dahil malapit ng mag tanghalian." Napangiti si Bella sa tugon nito kaya mabilis siyang kumaripas ng takbo patungo sa kaniyang silid upang mag ayos ng sarili.

Sobra ang kaniyang tuwa lalo pa't hindi pa siya nakakapunta sa pinyahan kong nasa'n palagi si Ziejan. Hindi niya alam kong anong relasyon ang meron sila ni Ziejan basta masaya siya sa tuwing malapit ito sa kaniya. Matapos ang pinagsaluhan nilang halik ng binata ay naging komportable sila sa isa't isa.

Nasa malayo palang sila ay tanaw na tanaw niya na ang binatang nakikipag tawanan sa mga tauhan nito na nag papahinga tulad nito. Ang sayang kaninang nararamdaman ni Bella ay napalitan ng inis ng maaninag niya si Megan na katabi ng binata. Parang gusto nalang niyang bumalik sa bahay ng binata dahil sa inis na nadarama.

Mabilis na napatayo si Ziejan sa pagkakaupo ng makitang palapit na sila sa mga ito, kinuha nito ang dala-dalang basket ng ginang at ito na ang nag bitbit no'n.

"Magandang tanghali po ma'am Bella." Bati sa kaniya ng mga kasamahan nitong tauhan ng makalapit na sila sa mga ito.

"Magandang tanghali rin po." Binigyan niya ang mga ito ng maliit na ngiti kahit na ramdam niya ang nanlilisik na tingin ni Megan mula sa kaniyang gilid.

Napasinghap si Bella ng biglang hapitin ni Ziejan ang kaniyang baywang palapit sa katawan nito, napasubsob tuloy siya sa dibdib nitong nakalitaw sa harap niya. Dahil bukas ang tatlong butones ng suot nitong polo na puti nakatupi ang manggas no'n na hanggang siko ng binata.

"I miss you, baby." Paos na anito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mata, ang kaninang inis para rito ay nawalang parang bula ng marinig ang isinaad nito.

Kumabog ng pagkabilis ang kaniyang dibdib para siyang hinihingal sa bilis no'n, naramdaman niya rin uminit ang magkabila niyang pisngi dahil sa pagkakalapit ng kanilang katawan.

"Tumabi kayo!" Sigaw ng kong sino sa kanila.

Napatili si Bella ng may motor na patungo sa kinatatayuan nila ni Ziejan mabilis siya nitong kinabig pagilid para maiwasan nila ang motor. Mabuti na lang mahigpit siyang yakap ng binata kaya hindi siya tumilapon, bumagsak ang motor pahiga na umuusok gano'n din ang rider nito.

"Who the f*ck are you?!" Nanlilisik ang mata ng binata na nakatingin sa rider na unti-unting tumatayo.

Tinanggal nito ang helmet na suot at tumingin sa gawi nila, matangkad itong lalake pero kung ikukumpara kay Ziejan ay mas mataas ito sa rider. Kulay abo ang mata nito, sakto ang tangos ng ilong at natural na pula ang labi, may natural na kapal din ang kilay nito at nabiyayaan din ito ng angking kagwapuhan, nakangiwi ang mukha ng lalake nababakas na nasaktan ito sa pagsimplang. Hindi maintindihan ni Bella ang sarili kung bakit kumabog ng pagkabilis-bilis ang kaniyang dibdib habang pinag mamasdan ang lalake pakiramdam niya ay nakita na niya ito pero hindi niya matukoy kong saan.

"Oh... long time no see, Serrano." Ang ngiwi nito ay napalitan ng ngisi.

"Sino nag bigay ng permiso sa'yong tumapak sa lupaim ko." Nakaigting ang pangang tanong ni Ziejan dito.

"Wala, sadyang nawalan lang ng preno itong motor ko kaya nasadsad ako dito." Lalong lumawak ang ngisi ng lalake ng mapatingin sa kaniyang gawi.

Mas hinapit siya ni Ziejan palapit sa katawan nito at hindi pa rin nagbabago ang dilim ng mukha nito, mas lalong nag igting ang bagang ng binata ng mapatingin sa gawi niya ang lalake. Ang kaninang nagtatawanang tauhan nito ay mga tumahimik na tila ramdam din ang tensyon sa dalawang binata.

"Umalis ka na dito, at dalhin mo ang bulok mong motor."

"Hindi mo man lang ba muna ako ipapakilala sa magandang dilag na kayakap mo?"

Napalingon siya kay Ziejan ng nagtaas baba ang balikat nito, nanlilisik din ang mata nitong nakatingin sa lalake habang mas lalong umigting ang panga nito na tila ba'y pinipigilan ang emosyong gusto ng kumawala sa katawan nito.

"Aalis ka sa lupain ko o gusto mong pasabugin ko ang bungo mo?" Madiing anito at saka may kinuha sa gilid ng suot nitong pantalon.

Gulat na napatingin si Bella kay Ziejan ng makita ang dinukot nitong baril at itinutok sa lalake.

"Easy, wala ka pa rin pinagbago Serrano maikli pa rin ang pasensya mo." Saad ng lalake itinaas nito ang dalawang palad animo'y sumusuko at pinaparating na hindi ito lalaban. Dimampot nito ang nakahigang motor nito, at bago ito tuluyan umalis ay tumingin muna ito sa kaniya. "Kinagagalak kitang makita." Nakangising anito at saka tuluyan umalis habang akay-akay ang motor nito. May kakaibang kislap sa mata nito ng sabihin nito 'yon sa kaniya.

"F*ck!" Napatalon siya ng sumigaw si Ziejan, lumanbot ang mukha nito ng makita ang takot sa kaniyang mukha.

"Manong.." Nanginginig na aniya at saka tinulak ito ng mahina sa dibdib, masuyo siya nitong niyakap, pagkatapos ay ibinalik nitong muli sa gilid ng pantalon nito ang kaninang hinugot nitong baril.

"I'm sorry baby, don't be scared. I won't hurt you." Malambing na anito at saka hinalikan nito ang kaniyang sentido at doon lamang kumalma si Bella.

VOTES | COMMENTS | FOLLOW

Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE (150 php) mode of payment GCASH message lang po sa email account ko ✉️ missgalacia@gmail.com or comment here. Mas mainam
Kung mag private message po
Kayo sakin. 🥰

AF SERIES 2: ZIEJAN'S AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon