CHAPTER 10

9 3 0
                                    

"Hello Philippine's I'm back" masigla kung sigaw.

Sa wakas nakauwi narin ako. Ang saya. Nandito na ulit ako sa bandang kinagisnan ko.

"Oh my gosh! Bessy ko, you are here" tumitiling sambit ni Katie sa di kalayuan. May dala itong kartolina na may 'welcome back bessy' na nakasulat.

Tumatakbo itong paglapit sakin habang nakasunod sa kanyang likuran si Louise.

"Hi Kat. Nice seeing you again" masigla kung saad. Agad niya naman akong niyakap.

"Bessy kainggit ka. Ang ganda-ganda mo at ang sexy pa. Hindi tulad ko na tumataba na" nakapuot niyang sambit. Natawa naman ako at niyakap siyang muli.

"Maganda ka parin naman. Hindi nga lang sexy" biro ko at napasimangot ito.

"Kahit kailan, napaka sama mo sakin. Hindi ka nagbago. Teka nga yung pasalubong ko, wag na wag mong kalimutan balita ko bigatin ka na ngayon. May sariling clothing line kana" Saad niya at sinundot ang tagiliran ko.

"Of course ikaw pa ba. Baka bugahan mo pa ako ng apoy kapag wala akong dala. Pero seryoso puntahan na natin si Tita ko. Surprise na natin siya" excited kung sambit. Ano kaya ang magiging ekspresyon ni Tita ngayong nakauwi na ang pagmangkin niyang napakakulit.

Paniguradong iiyak yun. Di biro lang katulad kaya yun sa ama kung bugnutin. Robot ang style.

Pumasok kami sa isang itim na van. Ilang oras ang lumipas ay nakarating kami sa bahay ni Tita. Sa tirahan ko kung saan ako lumaki.

Nakasarado ang main door at pati ang pinto sa likuran ay nakalock.

Asan kaya ang biyudang yun?

Bumuntong hininga ako at umupo sa terrace.

Mayamaya pa ay may isang taxi ang dumating. Lumabas dun si Tita na nakauniporme pa.

Bigla namang nagsibalikan ang mga alaala ko noong highschool students palang, kami.

Ang daming masasayang alala nun. Lalo na yung nasa laboratory kami at nahimatay si ma'am Valdez.

"Hija, Ikaw ba yan"

Hindi ko na namalayan ang paglapit ni Tita sakin. Hinawakan niya ang mukha ko at niyakap.

Sabi ko na nga ba namiss ako nito e.

"Tita i'm back, ang pagmangkin mong makulit" masayang sambit ko.

"Dito ka na ba mamamalagi?" Tanong niya. Tumango naman ako. Siguro kung matupad niya ang pangako niya sakin.

"Don't worry Tita kapag aalis man ako ay dadalhin na kita. Bibili ako ng bahay sa US kung sakali" Saad ko.

"Sige sasama na ako sayo. Para naman hindi ako mabored dito at isa pa makahanap ako ng foreigner doon" natatawa niyang sambit. Napailing nalang ako.

"Talaga Tita" dugtong ko.

"Teka ang pasalubong ko? Lagot ka sakin kapag wala. Kukurutin ko yang singit mo sige ka"

"Tita nakabalot na yang regalo mo wala pa akong Visa"

"Very good. Kailan mo ba balak magpakasal" aniya.

"Paguusapan pa po namin"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. May masama ba akong masabi parang wala naman.

"May bago kang boyfriend?"

"Wala po, si Xius yung dating lalaki na pumunta rito. Highschool sweetheart's" Saad ko. Mas lalo namang kumunot ang noo niya at natahimik.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now