CHAPTER 3

15 4 0
                                    


Lumipas ang ilang linggo ay ganon parin ang siklo ng buhay. May nakasunod nga lang saking anghel na walang pak-pak.

Kailan ba ako titigilan nito. Bakit ako ang napagtripan niya. Wala ba siyang ibang gagawin kundi sundan ako.

"Hey, what are you thinking Thea" napaka feeling close niya rin.

"Ano ba, tigilan mo na ang kakasunod sakin" inis akong humarap sa kanya.

"Hmm, I just want to be friend with you" aniya at matamis na ngumiti.

Che! Hindi ako madala diyan sa killer smile mo. Walang hiya!

"Fine, wag ka lang masyadong lumapit" saad ko at tumango naman siya.

"So bukas free kaba?"

Kumunot ang noo ko at inilagay ang ballpen sa gilid kasama ng notebook.

"Are you asking me for date? Hmm"

Namumula naman siyang umiwas ng tingin at napakamot sa batok.

Nagsalita ako ng tumahimik siya.

"Mga lalaki nga talaga, una makikipagkaibigan, tapos-sunod magyayang lumabas, then manliligaw, sasagutin naman ng girl, at pagkatapos ano sasaktan, iiwan, at magche-cheat" Saad ko sakanya na di makapaniwalang nakatingin sakin.

"Oh ano, gulat ka. Inunahan lang naman kita" bumalik ako sa pagsusulat.

Ilang minuto pa ang nakalipas at narinig ko ang mahina niyang tawa. Napatingin naman ako sa kanya na namumula ang tenga at leeg.

Problema nito?

"Seriously, you sounds like pinagpalit ka" komento niya.

"Alam ko kung bubwesitin mo lang ako ay umalis kana, wag mo akong isturbuhin" tumahimik naman siya sa gilid at sumandal sa inuupuang arm chair.

Mayamaya pa ay itinukod nito ang kanyang braso sa table ng upuan at humarap sakin.

Tumama ang sinag ng araw sa naka side view niyang mukha at klarong-klaro ang maganda niyang ngiti at ang mata niyang itim na itim.

"Hmm, I have a deal sasamahan mo ako bukas then kapag hindi mo nagustuhan titigilan na kita" aniya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata at nagdadalawang isip sa kung ano ang gagawin.

Siguro, bukas lang naman. Pagkatapos ng bukas ay wala ng manggugulo sakin.

"Sige, pero kapag hindi ko nagustuhan ay titigilan mo na ako"

Maliit siyang tumango at hindi parin mawala ang nakakatunaw niyang ngiti.

Hays, I'm afraid na baka bukas magugustuhan ko ang companion niya.

Lumipas ang isang oras ay tumunog ng bell, hudyat ng recess time.

Napailing naman ako ng makitang naguunahan ang mga kaklase ko palabas ng pintuan.

Para silang mga bata na nagpapaunahan makabili ng ice cream, ang laswa rin nila tingnan dahil ang lalaki na. Pero parang bata parin umasta.

"Thea, samahan mo akong kumain sa cafeteria, libre ko" bumangad sakin ang mukha ni Xius ng mag angat ako ng tingin.

"Net-Net sige na, samahan mo na yang si Xius hindi rin kasi ako pwede ngayon. Look marami pa akong gagawing assignment"

Ininguso ni Katie ang limang notebook na nasa kanyang harapan. Tumango nalang ako bilang sang-ayon. Mukhang Wala naman akong choice ngayong.

Sabay kaming lumabas sa classroom ni Xius at tahimik na naglalakad.

Minsan ayokong kasama ang mga lalaki, feeling ko kasi ang bigat ng atmosphere, parang uulan o kaya babagyo.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now