CHAPTER 1

39 4 0
                                    


Jusko! Ano na naman bang kagagahan tong ginagawa ko.

Sana talaga hindi nalang ako sumama kay Katie eh!

"Hoy, babaita halika ka dito. Oh my ang gwapo talaga ni Kreisler"

Napairap nalang ako sa kalukuhang pinaggagawa nitong kaibigan ko.

Paano ba naman kasi, pumunta lang naman kami sa katabing private school sa paaralan. Ang Seriea High, kung saan puro mga lalaki ang nagaaral.

Hindi naman maipagkaila na marami ngang mala adonis dito kaya halos araw araw dinaraanan ito ng mga kababaihan.

"Katie tara na, baka maabutan pa tayo dito, nagmumukha na tayong stalker" umiling lang si Katie at bumalik sa kaninang pwesto.

Iling ko namang tiningnan ang kanina niya pa pinagmamasdan.

Naroon nga ang mga lalaking hearthrob ng paaralan, sina Kreisler at ang iba pa nitong mga kasama. Napahilamos nalang ako ng mukha.

Hays...

Wala na bang ibang mangyayari sa araw na to, nakakasawa na eh! Lagi nalang.

Sumandal ako sa katawan ng puno na pinagtataguan namin at inilibot ang paningin sa paligid.

Napabuntong hininga nalang ako at napagpasyahan na umalis sa lugar.

Tiningnan ko muna ang kaibigan ko na busy ito sa pagkukuha ng litrato. Mukhang kaya niya namang umuwi mag isa.

Habang naglalakad ay may tumamang bola sa paa ko.

"Miss paki abot ng bola" napatingin ako sa bolang nasa aking paanan.

"Miss ayos ka lang tulala ka" nag angat ako ng tingin sa lalaking lumapit sakin.

Nakangiti ito habang nakalabas ang kanyang dimples at mapuputing ngipin, parang may kung anong puting glitters na nakikita ko sa tabi niya at nakakasilaw na liwanag galing sa kanyang likuran.

Mukha siyang anghel na inihulog sa lupa sa kaparusahan sa taglay nitong kaguwapuhan.

Mas guwapo pa to, sa kinababaliwan ni Katie.

Napailing ako sa naisip at kinuha ang bola sa paanan, pagkatapos ay Inabot ito sa kanya at walang lingong naglakad palayo.

Nakailang lakad ako at papalayo na sana, nang may parang kung anong tumulak sakin upang muli itong lingunin.

Nakita ko siyang bumalik ulit sa pakikipaglaro ng basketball, at sa bawat tira niya sa bola ay walang palya ang pagpasok.

Masasabi kung magaling siya, halatang trained sa paglalaro.

Hindi ko naman inasahan na tumingin siya pabalik sakin. Ang itim niyang mga mata ay tila hinahagod ako ng tingin na lagpas sa kaluluwa.

Pagkatapos ay ngumiti ito at kumaway. Agad naman akong nag iwas ng tingin at deritsong naglakad palayo.

Wala sa drama ko ang makaramdam ng ganito, yung sobrang lakas ng tibok ng puso side effect.

Aminin ko sobrang lakas ng appeal ng lalaking yun. Posible kayang sa Seriea High din yun nag aaral.

Kung doon lang din siya ay, back off. Ayoko sa mga taong nandoon ang yayabang.

Tumingin ako sa hawak na cellphone ng nag-vibrate ito.

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot.

Hindi ko alam kung anong kailangan niya at tumawag siya ng ganitong oras.

"Hello"

"Nethia, I want to remind you. May natitira ka nalang na ilang buwan para manatili diyan"

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now