CHAPTER 11

8 3 0
                                    

Sa wakas nakarating narin kami. Sumasakit na ang likod ko sa kakaupo. Nilibot ko ang tingin sa paligid.

Napakaganda, ang presko ng simoy ng hangin, ang ganda sa pakiramdam. Ang lamig.

"Let's go. Hahanapin natin ang nireserved mong cottage" napabaling ang tingin ko kay Tita na seryoso sa paglalakad.

Mayamaya pa ay hinawakan ni ang pulsuhan ko at hinila.

Napailing nalang ako at mahinang natawa. Hindi halatang excited.

Nahagilap ko ng tingin ang isang puting van sa may di kalayuan na may bulaklak sa harapan, mukhang may kasalanan palang ang magaganap dito. Tingnan ko pa sana kung sinong nasa loob nito ngunit hila na ako ng tiyahin kong biyuda.

Napailing nalang ako at nagpatangay sakanya.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa harapan ng isang magarang hotel. Hindi ko nalang pinagtulungan ang pansin ng pangalan nito at deritsong pumasok.

Ilang minuto ang lumipas ay naglakad palapit samin si Louise dala ang susi.

Malawak ang ngiti niya at lumapit samin.

"Guys, gotcha. Let's go. No. 015 daw" aniya. Tumango naman si Tita at hinila na naman ako palabas.

Ano bang pumasok nitong tiyahin ko at ang hiling manghila.

"Magpahinga muna tayo. Mamaya natin libutin ang buong beach" Saad ni Tita at pumasok sa kuwarto niya.

Maliit naman akong ngumiti at tumango. Pumunta ako sa balkonahe at pinanood ang labas.

Kita ko mula saking kinatatayuan ang masasayang mukha ng mga tao. Malaki ang ngiti nila sa labi habang kasama ang mahal nila sa buhay.

Malalim akong huminga at napagpasyahang lumabas. Naabutan ko sa maliit na Salas ang mag-asawa na seryosong naguusap.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila at magpaalam sana na lalabas lang.

"Where are you going Nethia?" Seryosong sambit ni Katie.

"Lalabas lang. Magpapahangin"

Nagtinginan ang dalawa at sabay na tumayo.

"Sasamahan ka namin" aniya.

Kahit na naguguluhan ako ay wala akong nagawa kundi tumango. Ayos rin may kasama akong maglakad-lakad.

Dinala ako ng paa ko sa isang venue ng kasal. Sakto namang tumugtug ang kantang 'Beautiful In White' by Westlife. Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan nang tinahak ang harapan ng event.

Napatakip ako ng bibig ng makita ang kabuuan ng boung venue. Ang bulaklak na ginamit ang paraan ng pagka-arangge ng design, ang team song, at ang carpet na ginamit. Nagsibalikan ang lahat ng alaala noong napagusapan namin ni Xius ang tungkol sa dream wedding naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Coincidence lang ba to. O may kakaibang nangyari. May hindi ako nalalaman.

Wala sa sarili habang naglakad papalapit, kusang nagsituluan ang aking mga luha ng marinig ang chorus ng kanta. Sumikip ang dibdib ko. Ang bigat sa pakiramdam.

Patuloy sa pagtugtug ang kanta habang patuloy ako sa paglalakad papalapit sa kinaroonan ng altar. 

Mabigat ang bawat paghakbang at nagsibagsakan ang mga luha sa di malamang dahilan. Hinayaan ko na lamang ang sarili na lamunin ng curiosity at sa pakiramdam na ngayon ko lang din ulit naranasan simula noong nawala ang lahat sakin.

Pero kung tutuusin mas masakit pa ito. Mas lalim ang tama ng matalim na kutsilyo.

Nang malapit ko ng mahawakan ang curtain na kulay pink na nakatabon nito ay biglang sumigaw si Katie.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now