CHAPTER 2

17 4 0
                                    

God. Bakit mo ako pinahirapan ng ganito. Naging mabait naman ako sa kapwa ko. Hindi ako nagtanim ng galit sa mga magulang ko, slight lang.

Halos takbuhin ko na ang pagitan ng corridor at ang building namin.

Napatingin ako sa relo kung tumunog. Halos lumuwa naman ang mata ko ng makitang pasado alas otso na.

Lagot ako kay Ma'am Encavez nito, first subject teacher namin na napaka sungit at strikta.

Paniguradong mabubulyawan na naman ako nito.

Bakit ba ang malas ko ngayon. Simula paggising ko ay nakasunod na ang kamalasan sakin.

Una matagal akong nagising, habang naghuhugas nahulog ko ang paboritong baso ni Tita, naiwan ko ang ID sa bahay, muntik na rin akong maiwan ng bus.

Almighty father how could you do this to me!

"Aray ko" daing ko ng mabangga sa isang matigas na bagay.

Hindi naman to pader dahil malambot naman kung pisilin.

Wala sa sarili akong napaangat ng tingin sa nakabungguan at bumungad sakin ang nakakasilaw na ngiti ng isang anghel—teka tao pala.

"Miss are you okay?"

Umawang ang labi ko at pakurap-kurap na tumitig sa kanya. Yumuko ako bahagya at kinagat ang ibabang labi. Teka lang base sa alaala ko, ito yung lalaki kahapon.

So ibig sabihin ay hindi siya nag aral sa Boys School.

Nag angat ako ng tingin at sumalubong ang nakangiti niya paring titig sakin.

Jusko! Nakakatunaw ang ngiti niya. Ang daya niyo biniyayaan niyo siya ng napakaperpektong mukha samantalang ang iba ay kinulang niyo.

Wala naman sigurong favoritism si Lord hindi ba?

Napabalik ako sa huwisyo ng maalala ang sitwasyon ko.

Nethia inuuna mo pa ang kalandian.

"Okay lang ako, sige bye" agad akong tumakbo na tila hinahabol ng sampong liyon, walang lingong nagpatuloy kahit na mabangga pa.

Wala na akong pakialam kung anong sasabihin niya.

Nakakahiya talaga! Para akong tanga habang humarap sa kanya. I'm out of my mind. Itong panira ko ring puso, nagkakarera sa loob.

Bwesit talaga!

Nang makarating ako sa pintuan ng classroom ay nanlalamig kung hinawakan ang doorknob at dahan dahang binuksan.

"I'm sorry I'm late, I promise na hindi na ulit mauulit" nakayukong saad ko.

Ang kaninang maingay na silid ay biglang tumahimik.

Ito na ba ang katapusan ko, makikick out na ba ako. Paano na lang ang lahat.

Tila nabunutan naman ako ng tinik ng bumalik ang ingay sa klase at ang pagtawag ni Katie sakin.

Nag angat ako ng tingin at halos malaglag ang panga ko ng makitang magulo ang classroom.

May ibang nagmamake-up, may naglalaro ng online games, may nagbabatuhan, may nagliligawan sa gilid.

Teka, wala ba siya. Tumingin ako sa table ng teacher namin at napansin na bakante ito.

Hindi naman siguro siya absent diba? Nauna pa yun sakin e.

"Net-Net wag kang tumunganga lang diyan, wala ang tiyahin mong biyuda" ni Katie at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.

Almighty father, thank you very much. Akala ko pinabayaan mo na ako. Walang sermon na magaganap ngayon na aabot pa sa bahay.

Huminga ako ng malalim, at umupo sa upuan, humarap muli ako kay Katie na busy sa pangongopya.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now