CHAPTER 6

10 4 0
                                    

Ilang buwan narin ang nagdaan. Mas lalong naging mabigat ang atmospera sa aming mga estudyante na nandito sa loob ng classroom. Wala ni isang gustong magsalita.

Lahat ay mabibigat ang bawat paghinga. Nagnanais kumawala dahil sa tension ng paligid.

Ano nalang kaya ang mangyayari, kung hindi kami makapasa?

Hindi kami makapunta ng college. Kailangan naming bumalik.

Napabuntong hininga ako. At umiling.

We need to be positive...

"My Thea, sa tingin mo papasa ako" bulong ng katabi ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Sa tingin ko mukhang......lyon din ang hindi ko alam" irap ko.

Napabuntong hininga naman siya, at pansin ko ang nanlamig niyang kamay.

Kahapon ginanap ang research defense namin. Kaming lahat ay halos mahimatay kapag ang paa ay tumapak sa maliit na stage sa harap.

Sobrang nakakaba. 50/50 ang buhay pasado.

Ilang gabi rin kaming hindi nakatulog dahil sa pagaayos ng research paper. At paghahanda ng presentation.

"Mukhang hindi maganda ang results ng grades niyo, Section Stem—Panthers" komento ni ma'am habang isa isang tiningnan ang mga cards namin.

Napa-oh naman ang iba kung kaklase at ang mga top achiever namin ay halos mahimatay na sa kaputlaan.

"Ma'am baka po nagjo-joke lang kayo",

"Oo nga ma'am, talaga bang walang pasado samin.

"Ma'am maawa naman po kayo, halos mahimatay na po kami sa kaba"

"Sus! Si ma'am paexcite-excite pa. Ayos lang guys balik nalang tayo next year"

"Maganda Yun! Magkasama pa tayo!"

"Hindi na natin mamiss si Ma'am Valdez..hahahahah"

"Manahimik ka yong lahat, walang magsasalita. Kung ayaw niyong tuluyan ko nga kayong ibagsak"

Agad namang nagsitahimikan ang buong silid. At nasa sa guro lang namin na ka focus ang mga mata.

"Nethia, tingin mo. Babalik tayo ng grade 12?" Tanong Cassy.

"Alam niyo, be positive lang. Stem tayo, tapos hindi papasa. Kalukuhan" bulong ko.

Natigil ang bulungan sa may likuran ng magsalita si ma'am Encavez.

"Congratulations class. Everyone will graduate!"

Walang nagsalita ni isa. Tila pinoproseso ang sinabi ng guro sa harapan.

Mayamaya pa ay biglang nabubay ang paligid, ang kaninang mabigat na tension ay nawala at napalitan ng sigla.

"Really, makagraduate tayong lahat! Yey!"

"Oh my gosh, college na ako"

"Sulit ang ilang araw na parusa"

"Cheers everyone! See you in future"

Tumayo ang ibang magkakaibigan at nagyayakapan. Labis na tuwa ang nararamdaman dahil sa magandang balita.

Nakahinga naman ako ng maluwag, mukhang walang babalik samin next year.

Masaya ako sa nalaman at ngiting niyakap si Katie.

"Bessy, sa wakas makabalik na ako ay Kreisler my loves" sambit niya at sinisiguradong hindi maririnig ni Louise.

"Ewan ko sayo, akala ko tumino ka na"

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now