CHAPTER 7

8 4 0
                                    

Dumating na nga ang pinakahihintay na araw ng lahat.

Masayang mukha ang nakikita sa bawat estudyante na grumaduate. May mga parents sa tabi na umiiyak. Tears of joy dahil sa wakas makakapag college na ang anak nila.

May magkakaibigan na nagyayakapan at masayang nagtatawanan.

Habang suot ang itim na toga. Masayang cinelebrate ng lahat ang araw na to.

Samantalang ako. Nasa gilid. Walang magulang na pumunta. Walang nagsasabit ng medalya kundi ang guro lamang.

Life is unfair... My life is unfair.

"Congrats hija! Graduate kana"

Napatigil ako sa pagiisip nang lumapit sakin si Tita at niyakap ako. Kahit wala Sila ay ayos lang. My Tita is here. Okay na ako.

Nangyari na yung pinakamahalagang araw sa buhay ko pero hindi ako masaya kahit parangarap ko to ay marami paring kulang, pagkatapos rin nito ay ang mahihiwalay ako sa taong mahal ko.

"Magiging maayos lang ang lahat hija. Kung totoo kang mahal ni Xius ay maiintindihan niya" maliit akong ngumiti at humiwalay sa yakap.

Yeah. Sana nga maiintindihan niya ako. Siya nalang ang pag asa ko na makaintindi sakin.

"Sige, pumunta ka muna sa kaibigan mo. Magpaalam ka" aniya.

Pang-ilang buntong hininga ko na to. Pero hindi parin nabawasan ang bigat sa dibdib.

"Argh! How dare you Louise Dell Vale. Buwiset ka kahit kailan. Ano ba! Bitawan mo ako. Tapos na tayo"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng matinis na tili ng kaibigan ko at nakita itong pilit kumakawala sa pagkakayakap sakanya ni Louise.

"Please, wag namang ganito Kat. Aayusin natin to" nagsusumamong saad ng lalaki.

Normal life.. I want that too. Kahit simple lang.

Napailing nalang ako at pinabayaan ang dalawa sa problema nila. Mamaya ko nalang sila kakausapin kapag malamig na ang kanilang ulo.

Napagpasyahan kung puntahan si Xius na nakikipagusap sa teammates niyang umattend sa aming graduation. Nakita ko ring naunang umalis ang magulang niya.

"Xius, can we talk?"

Napatingin sakin ang lahat ng kasamahan niya dahil sa biglaang pagsulpot ko.

"Yown! Sinundo na ng GF itong si Captain namin" kantyaw ni Carlos at nakangiting lumapit sakin.

Maliit ko silang ningitian, at bumaling kay Xius na naguguluhang nakatingin sakin.

"My Thea. Parang kakaiba ang aura mo ngayon, teka magalit ka ba dahil hindi kita napakilala kina Mom. Don't worry alam nila na may girlfriend ako, pero baka next time nalang kayo magkausap dahil may biglaang nangyari sa company" paliwanag niya. Napangiti ako at hinawakan ang kanyang mukha.

Ang gwapo niya sa suot na toga. Bagay na bagay sa kanya ang kulay itim.

Sana magiging okay lang siya, pagkatapos nito.

"It's okay. Hindi ako galit may gusto lang akong sabihin sayo. Na importante at sana maintindihan mo ako" panimula ko.

Malawak siyang ngumiti at hinalikan ako sa labi.

"Of course, I will listen. Ano ba yan at talagang nagmamadali ka. Don't tell me magiging Daddy na ako" namula ang mukha ko sa sinabi niya agad na tinakpan ang matabil niyang bibig.

Jusko, anong magiging Daddy! Pambihira.

Ang mga pang aasar Niya sakin ay nagsilbing inspirasyon na magpatuloy ako siya ang dahilan kung bakit gusto kung abutin lahat Ng pangarap ko. Wala na akong magulang. Buhay pa naman sila pero pakiramdaman ko abandonado ako.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now