CHAPTER 9

13 4 0
                                    

"Congratulations!! Nethia Ally Dewen" malakas na sigaw ni Kreisler habang hawak ang isang bote ng tequila.

"Finally hija! Graduate ka na! Let's celebrate this! Bukas pupunta tayo sa Texas! My god! I can't wait!"

Napangiti ako habang nakatingin kay Tita na daig pang bata na binigyan ng bagong laruan.

Napabaling ang paningin ko sa ama kung kadarating, wala parin itong ekspresyon.

"Hi Hon. Congratulations Ally! Finally you made it. Probably your Mom is so happy for you" aniya.

Tumango naman ako at nilagok ang hawak na wine.

Apat taon narin ang lumipas simula noong magkaayos kami. Pero ganon parin lagi parin kaming nagaaway. Hindi naman maiwasan dahil mukhang nature na nga namin yun.

"Thanks Dad, by the way balak kung magtrabaho dito for 3 years and then babalik na ako sa Philippines" Saad ko.

Para naman may maipon ako bago bumalik sa Pilipinas. At isa pa may naghihintay sakin.

"If that's what you want. I'm here to support" aniya. Napairap naman ako.

He doesn't sound like one e. Kainis tong ama ko. Parang robot.

"Dad if you will talk to me. Please put an emotion of your sentence even just a little. Para akong kumausap ng recorder e"

Humingang malalim ang ama ko at mariing tumingin sakin.

"Sabi ko nga tatahimik na ako" mahinang bulong ko.

"So what time tayong aalis bukas?"

"Hmm, siguro 6 a.m. para mas maenjoy pa natin ang biyahe. No traffic" aniya. Tumango naman ako at nagpaalam na pupunta muna sa kuwarto.

Umupo ako sa kama at binuksan ang laptop.

"Hey, my bessy Net-Net. How are you" bungad sakin ni Katie. Malaki ang ngiti niya habang katabi niya naman si Louise.

"I'm fine. Kakagraduate lang. How about you?"

"Ito kahapon lang nagtapos ang interview, pero masaya ako dahil sa wakas graduate kana. Teka lang kailan ka babalik?" Aniya.

"3 years pa akong mananatili rito. Don't worry magiipon lang ako tapos babalik na ako diyan. By the way, kumusta na siya, nagkausap ba kayo" tila nahilaw naman ang mukha ni Katie ng tanungin ko siya tungkol sakanya.

"Uhm, ayos lang naman siya. Actually nakita namin siya kahapon and guess he finally graduated of his chosen course" sambit niya at tumingin kay Louise.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi niya. Masaya ako dahil katulad ko unti unti niya naring naabot ang pangarap niya. How I wish nandon ako sa graduation niya. Siguro mas magiging masaya ang pagsasama namin kapag nasa tabi kami ng isa't isa.

"Bessy, may gagawin pa pala kami. Masaya ko at nagkausap ulit kita. Kita kita nalang tayo 3 years from now" mahina akong tumango sakanya. Iba naman ang pakiramdaman ko dahil parang may tinatago sila sakin.

May hindi sila sinabi. Baka tungkol lang din sa buhay nila.

By the way ang gaan na ng dibdib ko, pagkatapos malaman na maayos lang siya. I can't wait to see him again. Sariwa pa sa isip ko ang pangako niya sakin.



Lumipas ang buwan, at taon nakikita ko ang aking sarili na nakatayo sa isang malaking gusali. Isang gusali na nakapangalan sakin.

       ~Ally Design~

Malaki ang ngiti sa labing pumasok sa main entrance. Agad namang nagsiyukuan ang nakakita saking empleyado at bumati.

Sa wakas tatlong taong paghihirap at naabot ko na ang aking pangarap. Walang katumbas na saya ang nadarama tila sinasayaw sa kalangitan.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now