CHAPTER 5

10 4 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw, simula nung pinayagan kung manligaw si Xius.

Nung makauwi ako ay agad kung ikinuwento ni Tita ang nangyari pati ang tungkol samin ni Xius. Pumayag naman siya at kailangan ko lang daw na magingat.

Narito kami sa laboratory ngayon. May activities kaming kailangan naming magexperiment tungkol sa isang sleeping potion.

Busy ako sa paghahanap ng formula sa libro habang ang partner ko naman ay nakatitig lang sakin.

Minsan parang gusto ko nalang manapak ng tao. Halos lahat ng kaklase ko ay may nasimulan na pero kami ay wala pa.

"Alam mo Xius kapag hindi mo ako tinulungan at nakatitig ka lang sa mukha ko, mapipilitan kitang bustedin" singhal ko sa kanya at dinuro ng hawak na kutsara.

Gulat naman siyang tumingin sakin at umayos ng tayo.

Nagsimula na rin siyang maghanap ng sangkap.

"Teka ako na ang maghahalo, baka maputukan ka pa. Masisira ang nakasimangot mong mukha" Wala sa sarili niyang saad at kinuha ang maliit na kutsara.

Inis ko naman siyang kinurot kaya muntik ng mabasag ang hawak niyang bote.

Pambihira, bakit ba kasi ako pumayag na partner kami.

Napapikit ako sa frustration at napahilamos ng mukha.

Mayamaya pa ay biglang sumeryoso sa ginagawa si Xius at siya na ang gumawa ng lahat. Siya ang mahalo at nagmeasure sa ilalagay na ingredients.

Kunot noo itong tumingin sa bumubulang kulay dark violet na tubig at sinulyapan ang hawak na libro kung nailagay ba ng tama ang kakailanganin.

Taas kilay ko lang siyang tiningnan habang nakasandal sa lamesa at pinabayaan sa kanyang ginawa.

Napatingin ako sa kanya na mabigat ang paghinga na nakatitig sa ine-eksperimentuhan. Bigla nalang siyang lumapit sakin na may malaking ngising nakaplastada sa labi at niyakap ako kasabay ng pagsabog sa ginawa niyang potion.

Napasigaw naman ang iba sa nangyaring pagsabog.

Nagkagulo ang buong silid.

"Hey are you okay?" Nag alalang tanong ni Xius at hinawakan ang buong mukha ko.

"I'm okay, ikaw ayos ka lang?" Balik kung tanong sa kanya.

Tumango lamang siya at maliit na ngumiti.

Napatingin ako sa sinisidlan ng potion at nakahinga ako ng maluwag ng wala itong galos.

Lumapit si ma'am at nag alalang tumingin samin, na estudyante niya.

"Wala bang nasaktan sa inyo?" Tanong niya.

Umiling naman ang iba kung kaklase.

Napabuntong hininga ako dahil paniguradong zero ang makuha ko sa activity ngayon. Tumingin ako sa kamay ni Xius na nakahawak sakin.

Kita ko ang pag alala at guilt sa kanyang mukha. Umiling lang ako at maliit na ngumiti.

Kahit na makakuha ako ng zero ngayon basta hindi lang kami nasaktan ay ayos na. Babawi nalang ako next time.

At saka kung alalahanin ko pa ang nangyari ngayon ay gugulo lang ang isip ko. Kailangan ko pang mag-isip ng i-dedesign sa classroom bukas para sa valentine's day.

Nakita kung umiling si ma'am habang nakatingin sa potion naming palpak.

Nilapit niya ang ilong rito at sinimulan niyang sininghot.

Mayamaya pa ay nabigla nalang kami ng bumagsak si ma'am sa sahig.

Nagsitahimikan ang aking mga kaklase at hindi kumurap habang nakatitig sa guro naming lumumpasay sa sahig.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now