CHAPTER 4

14 4 0
                                    

"Saan pala tayo pupunta?" Baling ko sakanya na seryosong nagmamaneho.

Tumingin siya sakin at maliit na ngumiti.

"Don't worry hindi kita itatakbo sainyo"

Napabuntong hininga nalang ako dahil ayaw niyang sabihin kung nasaan kami.

Hindi naman ako pamilyar sa daan dahil hindi ako lumabas sa municipal namin.

Biglang tumigil ang kotse sa isang malaking arena. Gulat akong napatingin sa malaking gusali dahil ngayon lang ako nakakita nito. Hindi naman kasi ako lakwatsera.

Naguguluhan akong tumingin sakanya na ngumiti lang. Lumabas siya sa kotse at binuksan ang passenger seat saka inalalayan akong bumaba.

Teka bakit niya ako dinala rito.

"Teka akala ko ba pupunta tayo sa arcade?" Tanong ko sakanya.

"Wag tayo dun. Actually gusto kung manood ka sa laro namin" Saad niya. Napasimangot naman ako at tumingin saking kasuotan.

Naka floral dress ako ngayon at hindi ko alam kung bagay ba to para manood ng basketball.

"Bakit hindi mo sinabi, tingnan mo ang suot ko" Saad ko sa kanya.

Mahina naman siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko.

"Bagay naman sayo ang suot mo, wala kang dapat ikabahala. Don't worry ipapahiram ko tong jacket sayo mamaya para hindi ka ginawin" iginiya niya ako sa loob at bumungad sakin ang nagsisigawang tao.

May mga may dalang banners ang kababaihan at kartolina na nakalagay sa mga biased nila.

Nakita ko pang may "I love you Xius" na nakalagay sa isang pink na banners sa may harapan.

So famous pala ang isang tao. Pero sino namang hindi mamangha sa laro niya right? Nakita ko na yun sa plaza.

"I prepared a seat for you na malapit lang sa bench namin para makita agad kita" aniya at hawak kamay akong dinala sa upuan na belong sa Dark Lions team.

"Ito ba ang uniform niyo?"

Turo ko sa jersey na nakalagay sa upuan na nireserved niya para sakin. Kulay itim ito at may highlights na white sa gilid. May picture ng lion na kulay asul ang mata sa harapan at ang printed name sa kanilang team ay nakapalibot nito.

"Yes, nagustuhan mo ba? Marami akong extra sa bahay na hindi ko nagamit. If you want I can give it to you"

Maliit akong ngumiti at tumango sa sinabi niya.

"Okay, dadalhin ko sa lunes. Umupo ka muna diyan, magbibihis lang ako" matamis siyang ngumiti sakin at ginulo ang buhok ko.

Inilagay niya naman saking tabi ang dala niyang bottled water at biscuits.

"Just behave here okay, promise madali lang ako" aniya.

Hinubad niya ang suot niyang jacket at ang white t-shirt nalang ang natira, saka kinuha niya ang kamay ko at inilagay dito ang kulay itim niyang jacket.

"Isuot mo yan o kaya itakip mo sa hita mo kapag umupo ka" bilin niya.

Napabuntong hininga nalang ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng arena.

Napatakip ako ng mukha ng makitang halos lahat ng nandito ay nakatingin samin ni Xius.

Hays! pati ba naman dito. Parang feeling ko magkakatrauma ako sa crowded place.

"Hey look, don't mind them" lumuhod sa paanan ko si Xius at hinawakan ang dalawa kung kamay.

Lalo lang akong namula ng may nagsitilian sa likuran namin at naghahampasan dahil sa kilig.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now