Epilogue:

9 5 0
                                    

Ilang buwan ang lumipas ay unti unti ko ng natanggap ang lahat. Na hindi talaga kami para sa isa't isa.

Tinuloy ko ang planong gumawa ng isa pang branch ng Ally Design rito sa Pilipinas.

Kahit papano ay mabawasan naman ang lungkot ko at may pagtutuunan ng pansin.

Tumingin ako sa relo at pumasok sa coffee shop na sinabi sakin Kreisler. Ilang linggo narin ang lumipas simula nong bumalik ito sa Pinas at walang ibang ginawa kundi inisin ako.

Namataan ko siyang nakaupo sa dulong bahagi ng lugar. May kausap ito sa telepono at seryosong-seryoso ang mukha.

"What do you want?" Tanong ko ng makalapit rito.

"My dear step sis. How are you. Maayos na ba yang puso mong durog"

Maliit akong ngumiti at huminga ng malalim. Kung pwede lang ay ibalik ito sa US ay matagal ko ng ginawa.

"Wag mo akong inisin pakiusap Krei, pagod ako ngayon" mariin akong tumingin rito at pinanliitan siya ng mata.

"Okay ito na nga. By the way nandito si Andrius gusto niyang makita ka" Saad niya sakin. Kumunot naman ang noo ko. Ano namang ginawa ng buwesit na yon dito.

Naalala ko pa nung huli naming kita. Dinala niya ako sa bar at binigyan ako ng sampong bote ng tequila. Sabi niya ubusin ko raw iyon dahil broken hearted ako. Nasabunutan ko tuloy siya. 

"Anong kailangan niya sakin?"

"Ewan ko hindi ko tinanong e" baliwala niyang sagot sakin habang patuloy sa pagpipindot sa kanyang cellphone.

"Sabihin mo sakanya na wala ako sa mood makipag usap o kaya makipagkita sa kanya" inis kung sambit at tumayo na.

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at madalas akong naiinis kapag narinig ko ang pangalan ni Andrius.

Tumungo ako sa parking lot at pinaandar ang kotse. Hindi pa naman ako tuluyang nakalayo ay may narinig akong tumawag sakin.

Tiningnan ko ang side mirror at nakitang may kakaibang ngisi ito sa labi habang kumakaway sakin.

Napahilot nalang ako sa sintido at itinigil ang sasakyan.

Bumaba ako at nilapitan ito.

"What the hell are you doing here?"

"I missed you so, pinuntahan kita" aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at matamis na ngumiti.

"Nakita mo na ako. You can go back to your country now" sumimangot ito at napakamot.

Mayamaya pa ay lumapit ito sakin at niyakap ako.

Natuod ako sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Nararamdaman ko na naman ang hindi ko dapat naramdaman. Ang bilis ng tibok ng puso at ang pagiging blangko ng isip.

Hindi ko alam kung tama ba? Na maramdaman ko ulit ito. Alam ko sa sarili na pagod na akong masaktan. Tama na, tama na ang naigulot ng kahapon.

"Hey, your so over acting. Let me breathe for pete's sake. Kung nandito ka lang para patayin ako sa yakap mo, umuwi ka na" bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ko.

"Hey, honestly I'm so worried about you when I heard that you got busted, are you okay now?"

Maliit akong ngumiti at tumango. Siguro ayos na nga ako. Masakit parin pero wala na akong magagawa, masaya na siya sa iba wala akong karapatan na sirain pa yun.

Tumingkayad ako sa kanya at naabutan siyang ngumiti. Pagkatapos ay hinila ako patungo sa kotse.

"There's is a place that I really want to go but sadly I don't have a company. They said kasi na need daw ng partner para bawas gastos" panimula niya at pumunta sa driver seat.

Enchanted To Meet You Where stories live. Discover now