Bliss 12

300 16 0
                                    

Violet's PoV

“Sefia, wake up.”

Nararamdaman ko naman ang pagyugyog ng balikat ko kaya nagising naman ang kaluluwa ko dahil sa ginagawa nito.

“Sefia, I’m scared. Wake up please?”

Napadilat naman ako at kita ko naman ang pag-aalala nito sa kaniyang mukha.

“I'm not Sefia.”

Naguluhan naman ito.

Kinabig ko naman ang ulo niya dahil may tatama sanang bala rito.

Tumayo naman ako at hinila ang babae sa isang malaking puno para maprotektahan ito.

Kinapa ko naman ang suot ko at wala akong baril. What the fuck? Kinuha nila ang gamit ko!

“Don't make any noise, okay? Just stay here for a while.”

Pinigilan naman ako nito at inabot sa akin ang baril ko. Kinuha naman niya pala.

Sumilip naman ako sa likod ng puno at nakatalikod sa amin ang lalaki kaya binaril ko ito sa kaniyang ulo.

Nilapitan ko naman ito at sununog ang kaniyang katawan bago kunin ang baril nito.

“What's your power and name?”

Mukha namang na hurt ito sa tanong ko pero hindi naman talaga ako si Sefia.

“You don't remember me?”

Napakamot naman ako sa aking kilay. Hays! Kaya naman pala gusto niya sumali rito.

“Look, I’m Yvette, and Sefia is my twin sister. Please, I know you're confused, but I need to know some information about you.”

“I'm a healer and my name is Alesia.”

Tumango naman ako.

“Okay, that's a good start, but we need to find the maze in order to find my twin. Do you have any idea where we are?”

“May nakita akong box kanina sa malapit hanggang sa nakita kita rito.”

Magkasama naman kaming hinanap ang box na tinutukoy nito at nakita rin namin agad.

Binuksan ko naman ’yun at may mapa akong nakuha.

Medyo malayo kami sa maze at maaaring may nauna na sa portal para makarating agad sa next station ng larong ’to.

“Humawak ka rito.”

Inabot ko naman sa kaniya ang hem ng damit ko kaya naguluha  siya.

“Sige na, baka kasi bigla kang mawala o kaya may nanghila sa’yo pwede mo akong hatakin.”

Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya naglakad na kami.

Medyo may araw pa kaya kailangan talaga naming magmadali dahil hindi kami pwedeng abutan dito ng dilim.

Mapanganib para sa kaniya ang lugar na ’to.

Sinundan lang namin ang path hanggang sa makarating kami sa entrance ng maze.

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon