Violet's PoV
“Mommy, pumayag ka na kasi na sumali ako sa larong ’yun! Malay mo manalo ako, edi may pera na tayo.” pagdadahilan ko rito.
“You will never risk your life again, Violet Yvette! They almost took your life, and I will never let that happen again. We also have a lot of money.” may diing saad nito kaya napatingin na lang ako kay Momma.
Kagabi ko pa siya kinukumbinsi, pero wala talagang epekto.
Ang larong ’yun ay magsisimula na bukas, kaya hindi ko na ma-contact sila Red dahil busy na ang mga ’yun sa pagkuha ng mga players.
I can't even reach Salvador, for Pete's sake! I even contacted one of her friends, and she informed me that Salvador is on vacation.
Vacation? Sa gitna ng school year? Mukha bang employee si Salvador para magkaroon ng vacation?
“Momma? Can you talk to Mommy? Please?”
“I'll try my best to convince her, but if she really doesn't want you to join, please don't be mad at her. She's just worried about you. I hope you understand that.”
Payag naman si Momma sa gagawin ko kaya lang ayaw talaga ni Mommy.
Tumango naman ako rito. “Thank you, Momma.”
Nagpaalam siya at sinundan si Mommy sa backyard.
Isa sa mga dahilan kung bakit tinatanggihan ko ang laro na ’yun ay dahil kay Mommy.
She's really worried about us, and I do understand her. At a young age, we're invited to join the game, and we don't know what will really happen.
It was so painful to remember the past, but I don't want fear to eat me alive.
I’m strong now, and I want to prove to them that I can do it.
Kumuha na lang ako ng ice cream sa ref at kumain para kumalma.
I know nasa island na ang ibang players at iilan na lang ang natitira rito.
Wala ako sa list nila Red dahil may immunity ako mula sa Head ng laro na ’yun at may karapatan akong mamili.
Even my siblings.
“Yve, where's Mommy and Momma?” Sefia asked.
I never thought na uuwi siya ngayon dito.
“Backyard, why?”
Nagmadali naman itong umalis sa harapan ko kaya sinundan ko na lang siya bitbit ang ice cream na kinuha ko.
Naabutan ko naman itong nakaluhod.
She's crying pretty hard and begging Mommy to let her be part of the game.
“Mommy, I will do everything. J-Just please let me join the game. I can't afford to lose someone.”
That someone may be special to her.
Well, Sefia is a control freak. She controls her emotions even though deep inside she's hurt or genuinely happy.
Mana siya kay Momma noong teenager pa lang ito.
Ang kwento kasi sa amin ni Mommy ay palagi raw naka-poker face si Momma tuwing nakikita niya ito at gan’on din si Sefia.
But now it's different. She's begging and showing her emotions in front of us—her family.
Mommy can be ruthless to us, but she loves us, and we know that.
Inilapag ko naman sa table ang ice cream na hawak ko at nilapitan si Sefia para itayo ito at buhatin.
As her twin sister, I can also feel her pain just watching her crying.
Inilagay ko naman siya sa upuan at pinakalma kasi walang tigil pa rin ito sa pag-iyak.
Mugtong-mugto ang mga mata nito at may mga galos pa siya sa kaniyang braso.
Lumapit naman sa amin sila Momma at tinignan kaming dalawa.
Pinunasan ko naman ng tissue ang luha nito at pinaupo ng maayos.
“Stop crying na, Sef.”
Mukhang natauhan naman ito sa sinabi ko kaya siya na mismo ang nagpunas ng mga luha niya.
“Sure na ba talaga kayo sa desisyon niyong dalawa?”
“I’m sure.”
“Yup.”
May pinakuha si Momma kay Manang Beth.
“Then prepare yourself and don’t die.”
—
“Bakit hindi na toned ang body mo, Sefia?”
“Sometimes I forget to work out, but it will be back soon. Maybe after the game.”
May pagbabago sa kaniya na hindi ko rin inaasahan.
She also doesn't like to eat vegetables, but now? She really loves it. Nag-request pa nga siya ng ginataang kalabasa with sitaw.
That's kinda weird but anyways.
Sumakay na kami sa kotse dahil nandito na rin sila Mommy.
Kinuha ko naman ang phone ko at tumingin sa mga messages. Sila Claire lang naman ito at tinatanong kung nasaan ako.
May trabaho pa pala ako pero tsaka na muna ’yun.
“Is that Isabella Salvador?”
Agad ko namang tinago ang phone ko dahil sa tanong nito. Alam ko naman na napatingin ang mga magulang namin sa amin.
“Ha? Hindi! Baka namalikmata ka lang.”
“You're so defensive and creepy. Why are you taking a picture of her while sleeping?”
“Hindi nga, e!”
Lumayo naman ako rito at sumandal sa bintana.
Pinicturan ko lang naman ang babaeng ’yun kasi she looks cute. Masama ba ’yun? Oo! Pero kasi ang cute niya matulog.
“Isabella Salvador? Are you referring to the daughter of Ibrahim Salvador, who is also our business partner?” Mommy asked.
Eh? Bakit kilala nila si Salvador? Hindi ko naman kasi kilala ang mga parents nito.
“Yes, Mommy, and I think Violet likes that girl.”
Sinamaan ko naman ng tingin si Sefia. Ayan! Diyan siya magaling, ang asarin ako kapag magkasama kami.
“Issue! Doon ka nga at huwag ka lumapit sa akin.”
Ngumiti naman ito pero ngiting nang-aasar.
“Hindi ba malapit na siyang ma-engage kay Mike? ’Yung isa rin sa business partner ng family nila? I heard it will be an arranged marriage dahil may malaking utang na loob ang family ng mga Salvador sa Zambrano.” saad ni Momma habang nagmamaneho.
Kaya pala nasa bar siya noong gabi na ’yun at pinipilit ng lalaki na pasakayin siya sa kotse nito.
Pangit naman ng magiging karugtong ng pangalan niya kung Zambrano.
Hindi bagay.
“I can help you.” bulong ni Sefia.
Pinitik ko naman ito sa kaniyang noo.
“Pinagsasabi mo? Ikaw yata need ng tulong.”
Umirap naman ito sa akin kaya natawa ako.
Kinuha ko na lang ang headphone rito at nakinig ng music para maibsan ang buryong na nararamdaman ko.
Malayo pa ang magiging byahe namin dahil kailangan din namin sumakay sa chopper para makarating sa island na ’yun.
Hindi ko alam kung may pagbabago ba sa laro o baka gan’on pa rin.
I’m just hoping that we won't die in this game.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...