🍛🍛🍛
Nakahanap ng trabaho ang kuya nya matapos ang ilang araw na paghahanap kaya naman naiwan sa kanya si Alicia na nagsilbing kasa-kasama naman nya sa tuwing papasok ng trabaho si Vladimir. Mabuti na nga lang at hindi pa nya kailangang pumunta sa eskwelahan dahil wala pa namang inaanunsyo ang adviser nila sa susunod na dapat gawin kaya naman hindi nya problema kung saan iiwanan ang pamangkin.
"Tiya!" Rinig nyang sigaw ni Alicia mula sa baba, lumabas sya sa veranda at tiningnan iyon, nakita nya itong nakangiti habang itinuturo si Vladimir. "Nandito na si Tiyo!"
"Akala ko naman kung ano," naiiling na sambit nya dahil akala nya kung napano ang pamangkin. Bumaba sya sa hagdan at bago pa sya makalapit ay nilapitan na sya ni Vladimir.
"Hi," bati nito sa kanya kahit pa halata na naman ang pagod sa mukha nito.
"Nag-dinner ka na?"
Umiling ito saka naglalambing na humawak sa bewang nya. "Anong ulam natin?"
"Sinigang, okay lang?"
Pagod man ang ngiti ay lumapad pa rin iyon. "Of course basta ikaw nagluto, faye."
"Okay, magbihis ka na, maghahain ako." Sambit nya kaya bumitaw na ito at umakyat sa taas.
Naghain sya sa mesa, pagbaba ng binata ay kumain na sila ng magkakasabay, napapikit pa ito ng humigop ng sabaw. "Ngayon naniniwala na ko na nakakawala ng pagod ang pagkain." Sambit ni Vladimir matapos nilang kumain, bumaling ito sa kanya saka niyakap sya sa bewang. "Thank you faye, ang galing mo."
Napairap sya. "Araw-araw mo na lang sinasabi 'yan."
Ngumiti ang binata. "Kasi totoo naman?"
Pinisil nya ang pisngi ni Vladimir. "Masyado kang bolero, bitaw na maghuhugas pa ako."
"Tulungan na kita," prisinta nito pero pinigilan nya.
"Kaya ko na 'to, magpahinga ka na lang at pagod ka."
"Ayos lang ako, isa pa pagod ka din naman."
"Wala naman akong ginawa," sabi nya saka nagsimula ng maghugas.
Saglit na isinandal ni Vladimir ang ulo sa balikat nya. "Marami kang ginawa faye," tumayo ito ng maayos saka naghugas din. "Alagaan pa lang 'yong napakakulit at napakadaldal mong pamangkin nakaka-drain na ng lakas tapos gumagawa ka pa ng gawaing bahay."
"Normal naman 'yon."
Tumango ito. "Normal pero hindi ibig sabihin na hindi na nakakapagod."
Tiningnan nya si Vladimir. "Kamusta ang araw mo?" Napahinto sya ng yakapin nito ang bewang nya, nasanay na lang sya dahil para bang isa iyon sa gestures nito na hindi na nawala sa araw-araw na magkasama silang dalawa. "Anong drama 'yan?"
Ilang sandaling nakatingin lang sa kanya ang binata bago umiling at binitawan sya. "Hindi ayos, nakakapagod sobra...pakiramdam ko na-drain ang lakas ko buti na lang may baon ako kung hindi baka pati pagkain nakaligtaan ko na sa sobrang demanding ng trabaho, nakakainis na nga actually." Muli itong humarap sa kanya. "Alam mo ba faye," panimula nito at nagsimula ng magkwento ng may kasamang reklamo.
Hindi nya alam kung matatawa sya o maaawa sa binata dahil sa kinukwento nito, hindi man nya nararanasan kung anong ginagawa nito sa trabaho ay pakiramdam nya sa kwento pa lamang nito ay ramdam na nya kung gaano nakakapagod iyon, sa isang banda ay natutuwa naman sya dahil kinukwentuhan sya nito ng tungkol sa mga iyon kahit pa hindi naman nya maintindihan ang iba sa mga iyon ay ipinapaliwanag naman nito para maintindihan nya ang kinukwento nito.
YOU ARE READING
San Lazarus Series #6: Onerous ✔
RomancePaano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lamang pagpapanggap? Start: September 15, 2023 End: January 30, 2024