CHAPTER I: PUTO

308 24 1
                                    

🍛🍛🍛

"Nay! Saglit lang po ako promise!" Sigaw ni Fatima habang papalayo sa kubo na kanilang tinitirhan, bitbit nya ang isang basket kung saan nya ilalagay ang isdang mahuhuli nya sa sapa. Ganoon ang palaging routine nya sa lumipas na mga araw dahil ang kanyang amang mangingisda ay mayroong trangkaso at walang ibang aasahan para magkaroon sila ng ulam para sa araw na iyon kundi sya lamang.

Ang kuya nya kasi ay nasa bayan nagta-trabaho samantalang ang bunso ang naiiwan namang katuwang ng kanyang ina sa pag-aasikaso sa tahanan nila, maaari naman syang huwag magtungo sa sapa sa loob ng kagubatan ngunit ayaw na nyang mag-ulam ng asin dahil pakiramdam nya magkakasakit na sya sa sunod-sunod na araw na iyon ang kanyang inuulam.

Maingat syang naglakad sa daan na tinatahak, marami kasing nakausling kahoy na kung hindi sya mag-iingat ay paniguradong masasaktan na naman sya ng mga iyon. Diretso ang isip nya sa kung ano ang dapat gawin kaya ng makarating sa sapa ay agad syang nanghuli ng isda para sa ulam nila ng araw na iyon.

Masaya sya, sobra dahil ng matapos sa panghuhuli ay lagpas sa mga daliri nya ang kanyang nakuha. Buong lakas nyang binitbit iyon pauwi sa kanila kahit pa pagkaliit-liit nya, hindi nya batid kung bakit pero bigla na lamang bumagal ang lakad nya hanggang sa tuluyan na syang napahinto. Inilinga nya ang ulo at tiningnan ang paligid, pilit nyang pinakikiramdaman ang nakapalibot sa kanya hanggang sa rumihistro ang isang ingay na para bang mayroong nasasaktan.

"Tulong! Tulong!"

Napakurap-kurap sya ng marinig iyon, pinilit nyang hinanap ng tingin ang sumisigaw pero hindi nya makita at akmang magpapatuloy na sya sa paglalakad ng may matinis na pagdaing ang sunod nyang narinig, kumabog ang dibdib nya sa kaba at para bang may kusang nagpagalaw sa paa nya, tinungo nya ang pinanggagalingan ng ingay at nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ang isang lalake na sa tingin nya ay higit na mas matanda sa kanya, nakaakyat ito sa isang malaking bato habang mayroong ahas sa ibaba no'n at binabantayan ang kawawang lalake.

Akmang tutuklaw na ang ahas ng mabilis nyang hawakan ang ulo nito, hindi nakapalag ang ahas dahil na rin sa pagbwelo nya. Inalis nya ang tali sa buhok at itinali iyon sa ahas saka nya binitbit iyon at inihagis sa malayo, bumaling agad sya sa basket nya at binitbit iyon.

"Bilisan mo na, baka bumalik iyon." Nagmamadaling sabi nya saka naglakad, takot man ang lalake ay agad sya nitong hinabol.

"Salamat," rinig nyang sambit nito ng makahabol sa paglalakad nya.

"Sa susunod ay huwag kang papasok sa masukal kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo." Masungit na sabi nya dahil naiinis sya sa kaduwagan nito, hindi na nya iyon pinansin at iniwanan na doon.

Nalimutan na nya ang tungkol sa lalakeng iyon sa paglipas ng mga araw, wala na rin sa isip nya ang naganap dahil kusang nakakalimot ang isip nya sa mga bagay na hindi naman nya gaanong pinahahalagahan.

Nakasuot sya ng bestida ng marinig nya ang galit na boses ng kuya nya ng makitang walang ulam na naroon, ihininto nya ang ginagawa at iniligpit saka hinanap sa sabitan ang basket nya. Dali-dali syang lumabas ng bahay na ang tanging bitbit ay basket, nalimutan na nga nyang palitan ang suot na bestida at basta na lamang tumungo sa loob ng kagubatan para pumunta sa sapa.

Tuloy-tuloy lang ang lakad nya ng maramdamang para bang may sumusunod sa kanya, saglit syang huminto at para bang ganoon din ang ginawa ng sumusunod sa kanya kaya naman sinubukan nyang linlangin ito, sapagkat kabisado na nya sa loob ng isang taon ang kagubatan ay nagawa nyang malaman kung sino iyon, kunot ang noo nya ng makitang isang lalake iyon.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now