🍛🍛🍛
Pakiramdam nya para syang nasa alapaap, walang pagsidlan ang saya nya dahil sa nangyari, para syang lumulutang sa sobrang saya. Sino ba namang hindi kung nasa ganoong level na sila? Lalo pa't sinabi ng binata na sya ang gusto nitong makasama hanggang sa pagtanda, napaka-sarap pakinggan no'n na halos umulit-ulit sa isipan nya pero tapos na ang pagsasaya dahil kailangan na nyang imulat muli ang mga mata sa katotohanang umuusad nga ang buhay pag-ibig nya pero kailangan nya ring pausadin din ang sarili niya, kailangan niyang makahanap ng trabaho upang makatulong sa kapatid at hindi na maging pabigat kay Vladimir.
"Kaya pa ba faye?" Nag-aalalang biro ni Vladimir sa kanya ng mapasandal sya sa kinauupuan habang pauwi na sila, galing sila sa isang company para mag-apply ngunit sa huli, ang nakuha niya lamang ay ang pangakong tatawagan siya ng mga ito.
Pang-ilang company na iyon na pinag-applyan nya pero lahat wala pang-resulta at habang tumatagal mas lalo syang nakakaramdam ng pangamba, ayaw naman nyang tanggapin ang offer ng inay nyang sa ibang bansa na lang magtrabaho. Ayaw nyang tanggapin dahil inaalala nya ang kuya at pamangkin nya, isa pa di naman nya itatanggi na ayaw nya rin namang malayo kay Vladimir.
Napamulat sya ng mga mata ng huminto ang sasakyan, bumaba si Vladimir at ilang sandali ang lumipas bago ito bumalik na may bitbit ng puto. Napangiti sya ng makita iyon lalo na ng iabot sa kanya ng binata.
"Para mabawasan ang pagod na nararamdaman mo," nakangiting sabi ni Vladimir.
"Thank you."
Inilabas nya iyon sa supot samantalang bumalik naman sa pagmamaneho si Vladimir, inalis nya ang papel saka kumain. Pumupunit din sya ng di kalakihang piraso saka isusubo sa binatang nagmamaneho sa tabi nya, pagdating sa tree house ito na ang nagluto ng hapunan nila dahil pagod sya. Ganoon lumipas ang mga araw nilang dalawa, sinasamahan sya nitong mag-apply kapag wala itong pasok at kapag mayroon naman ay naroon lang sya sa tree house minsan naman sa kubo sya tumatambay para tulungan ang kapatid sa gawaing bahay at uuwi lang sa tree house kapag sinundo na sya ni Vladimir.
"Fatima? Tao po!" Rinig nyang sigaw mula sa labas ng kubo, agad na sinilip iyon ng kapatid nya sa bintana saka sya binalingan.
"Manliligaw mo." Masungit na sabi nito sa kanya kaya agad syang napatayo.
Sinilip nya din sa bintana at nakita nya si Jackson, ngumiti sya bilang pagbati hindi dahil manliligaw nya ito kundi dahil magkaibigan pa rin naman sila.
"Hi," bati nya.
"Tuloy ka." Umakyat ito sa hagdan at agad nyang pinaupo sa silya ng makapasok sa kubo nila.
"Magandang araw ho sir." Magalang na bati nito sa kapatid nya na tumango lang.
"So, anong sadya mo jackstone?" Pang-aasar nya ng makaupo sila.
Sumimangot ang binata. "Inaasar mo na rin ako," puna nito.
"Medyo, di ko naisip 'yon noon." Itinaas nya ang mga paa sa upuan saka hinarap ang binata. "So, ano ngang sadya mo?"
"Binibisita ka?" Naningkit ang mga mata nya.
"Wala akong sakit." Pinisil ng binata ang pisngi nya.
"Wala akong sinabing may sakit ka, dinalhan kita ng paborito mong siopao." Sambit nito saka ipinakita ang hawak na paper bag.
"Ang sossy mo masyado di kita ma-reach." Nakangiwing biro nya saka tiningnan ang laman no'n.
YOU ARE READING
San Lazarus Series #6: Onerous ✔
RomantikPaano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lamang pagpapanggap? Start: September 15, 2023 End: January 30, 2024