CHAPTER VIII: CONFESS

65 13 0
                                    

🍛🍛🍛

"Malaglag ka dyan," paalala nya ng makitang nasa veranda ang batang makulit habang nagpipinaw sya ng sinampay at inilalagay sa basket na nasa harapan nya, sila lang dalawa dahil nasa trabaho rin si Vladimir ng araw na iyon.

Matapos magpinaw ay tinupi nya ang mga damit saka akmang bubuhatin na ang basket na may laman na mga tinupi nya ng sumulpot si Vladimir at binuhat iyon para sa kanya.

"Ang aga mo naman?" Gulat na sabi nya.

Ngumiti ang binata saka inilapag ang basket at hinawakan sya sa bewang, nasanay na sya na ganoon ito sa mga araw na lumipas. "Maagang natapos ang trabaho sa site kaya umuwi agad ako," iniangat nito ang hawak. "Binilhan kita ng pasalubong."

"Pizza?" Sambit nya ng makita.

Tumango si Vladimir. "Sabi mo nagc-crave ka di ba?"

"Pero hindi ko sinabing bumili ka,"

Muling napatango ang binata. "Wala nga, ang sabi mo bibili ka pagluwas mo sa bayan but since dumaan ako sa bayan, bumili na ako."

Madiing pinisil nya ang pisngi ng binata. "Thank you but stop being a spoiler."

Sinimangutan sya ni Vladimir. "Faye naman, ayaw mong bumili ako ng gamit tapos pati pasalubong ayaw mo na rin?"

"Ayoko lang na gumagastos ka."

"Faye," Naglalambing na yumakap ito sa bewang nya. "Hayaan mo na lang ako, ito lang naman ang mabibigay ko e unlike you na inaasikaso mo ko tsaka ipinagluluto, kumpara sa luto mo walang wala nga ito e."

Hindi sya nakaimik habang nakatingin kay Vladimir, hindi nya alam pero may iba syang nakita sa mga mata nito hindi sya sigurado kung pangamba iyon o takot pero para saan?

Tinaasan nya ng kilay ang binata. "Baliw ka, anong ito lang? Ipapaalala ko lang sayo na kung hindi dahil sayo wala tayo dito."

"Nagsisisi ka na?"

"May ikinatatakot ka ba?" Tanong nya dahilan para mapabitaw ito, napatango sya ng makita ang reaksyon ng binata. "Vladimir, kung ano man 'yan. I don't think dapat mong ikabahala 'yan."

"Faye..."

Saglit nyang tiningnan ang binata saka inayos ang nagulong damit na nasa ibabaw ng tinupi nya. "There's nothing to worry about vladimir, ayos ang lahat." Bumaling sya kay Alicia. "Baby bumaba ka na dyan, may pasalubong ang tiyo mo!" Tawag nya.

Isang linggo makalipas ang araw na iyon at patuloy pa rin namang nag-uuwi ng pasalubong para sa kanya si Vladimir na hinayaan na lang nya dahil hindi na nawala sa isip nya ang nakita nyang iyon sa mga mata nito. Hindi rin nya alam kung bakit pero para bang sa isang iglap naglaho ang confident na Vladimir na nakilala nya, para bang inihip iyon ng hangin at nagbago ito.

"Ayos ka lang?" Tanong nya ng makitang tahimik itong nakaupo sa may hagdan, para bang napakalalim ng iniisip.

Ngumiti ito ng makita sya. "Oo naman,"

Naupo sya sa tabi nito. "Huwag ka ng magsinungaling, alam ko namang hindi." Tiningnan nya ang binata. "Sabihin mo sakin, anong problema?"

Umiling ito saka isinandal ang ulo sa balikat nya. "Ayos lang ako."

Napabuntonghininga si Faye. "Hindi ka mukhang ayos."

"Nag-aalala ka sakin?"

"Sino bang hindi? Ang tamlay mo pero wala ka namang sakit."

Muli itong napangiti. "Ayos lang naman ako faye, pagod lang sa trabaho."

"Mag-leave ka kaya muna?" Suhestyon nya. "Palagi ka na lang pagod."

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now