🍛🍛🍛
"Congratulations!" Iyon ang una nyang narinig pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata, napangiti agad sya ng makita ang mga magulang nya na nakangiti sa kanya. Bumangong sya at lumapad ang ngiti nya ng makitang mayroong nakahain sa hapag.
"Bangon na Fatima, nilutuan ka ni nanay ng paborito mong spaghetti." Sambit ng kuya nya kaya napatayo na talaga sya. Agad nyang niyakap ang mga magulang nya upang magpasalamat at nagsalo-salo na sila sa munting handa nya.
Ganoon lamang at nag-uumapaw na ang saya nya sa puso nya, hindi na kailangang magarbo basta kumpleto sila at mayroong kahit papaanong handa ay sobrang saya na nya, para sa isang gaya nyang madalang makaranas ng ganoong pagkain ay sapat na sa kanya iyon pakiramdam nga nya'y sobra-sobra na iyon. Ang sayang nararamdaman nya ay nanatili ng ilang araw sa puso nya sapat upang buong bakasyon ay nalimutan na nya ang tungkol kay Vladimir at sa pasalubong nito para sa kanya.
Sumapit ang sumunod na pasukan at nasa kolehiyo na sya, panibagong buhay na naman iyon para sa kanya ngunit masasabi nyang mas mabuti na iyon kaysa sa dati na parati syang pinagkakaisahan at kinakawawa, nagulat rin sya ng lapitan sya ng ilan sa mga kaklase nya upang makipagkaibigan. Ganoon lumipas ang mga araw nya sa eskwelahan, aral at bahay lang naman sya madalas ngunit ang nag-iba nga lang ay mayroon na syang matatawag na mga kaibigan na noong una ay aminado naman syang nagdududa pa sya ngunit paglaon ay nagawa na rin nyang tanggapin.
"Hoyyy! Excited na ba kayo sa bakasyon?!" Tili ni Miriam, ang kaibigan nya.
"Hindi, mas excited ako na second year college na tayo sa susunod na pasukan!" Sagot ni Yammie saka tinabig ang pangangalumbaba nya.
"Ano?" Inis na tanong nya.
"Nako girl, wag mong sabihing iniisip mo yung prince charming mong nagpapakita lang sayo tuwing bakasyon?" Pang-aasar nito sa kanya, agad syang napasimangot ng marinig iyon.
"Kadiri ka, pinaalala mo pa nalimutan ko na nga ang tungkol sa bagay na yun." Ismid nya, iyon naman kasi ang totoo. Huli nyang naalala iyon ng ikwento nya sa kanila ang tungkol kay Vladimir ng minsang usisain ng mga ito ang buhay nya at simula noon ay hindi na nya iyon naalala o nabanggit pa. Hindi na rin naman kasi bumalik pa ang lalakeng iyon kaya ipinagkibit-balikat na lamang nya at kinalimutan.
"Malay mo naman dumating iyon ngayong bakasyon?" Puno ng pag-asang sambit ni Miriam na ikinairap nya.
"Wag kayong masyadong hopia, baka nga nalimutan na ako nun atsaka isa pa hindi iyon ang iniisip ko."
"E ano?"
"Iniisip ko kung makaka-survive pa ba ako next academic year e."
"Nako girl, syempre makaka-survive tayo!"
"Oo nga, kaya natin ‘to!" Sang-ayon ni Yammie kay Miriam at napatango-tango na lamang sya.
Araw ng biyernes ng sumunod na bakasyon ng isama sya ng kanyang kuya sa bayan, kasasahod lamang kasi nito at nais daw syang isama upang bilhan ng bagong damit sapagkat third year na siya sa nalalapit na pasukan, sobrang saya nya hindi lamang dahil magkakaroon sya ng bagong damit kundi dahil makaluluwas sya sa bayan kahit pa bakasyon ng hindi nya kailangang maglakad patungo roon simula sa bahay nila, hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nya hanggang sa makauwi. Excited syang iprisinta o ipakita sa kanyang ina ang binili ng kanyang kuya para sa kanya ng pagpasok nya sa munting kubo nila ay naabutan nya ang kanyang ina, umiiyak habang nakaupo sa lapag.
Animo'y bigla na lamang inihip ng hangin ang sayang nararamdaman nya at sa isang iglap ay para bang sinasaksak ang puso nya sa nakikita.
"Ma, ano pong nangyari?" Agap na tanong nya ng lapitan ito, agad syang naupo sa harapan ng ina at nag-aalalang hinawakan ito.
YOU ARE READING
San Lazarus Series #6: Onerous ✔
Storie d'amorePaano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lamang pagpapanggap? Start: September 15, 2023 End: January 30, 2024