🍛🍛🍛
Ginawa nya ang iniisip at crochet ang pinagkaabalahan nya sa sumunod na mga araw bagay na ikinatutuwa naman ni Alicia dahil ito ang pinagsusukat nya sa tuwing ka-size nito ang order sa kanya, ginawan na rin nya ito ng sarili at talagang tuwang-tuwa ang bata na kung maaari lang ay palagi nitong susuotin iyon pero dahil ilang beses ng sinaway ng kuya nya ay itinabi na lang ng bata dahil panlakad nya raw iyon.
"Andyan ka na pala," naalimpungatan na sabi nya ng imulat nya ang mga mata at nakita nya si Jackson na nililigpit ang nakatulugan nyang ginagawa ni hindi pa nga ito nakapagpapalit ng suot.
Ngumiti ito saka naupo sa tabi nya. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Ayos naman ako, ikaw? Kumain ka na?"
"Hindi pa, sabayan mo ko?"
"Sure," sagot nya kaya inalalayan sya nitong bumangon, bumaba sya sa kama at lumabas sila ng kwarto. Imbis na sya ang maghain ay pinaupo na sya nito at ang binata na ang nag-asikasong maghain. "Di ka pa ba pagod?"
Muli itong ngumiti. "Pagod pero ayos naman ako."
Tinaasan nya ng kilay ang binata. "Anong meron at nakangiti ka?"
"Mamaya, kain muna tayo."
Nagdududa pa rin sya sa inaasal ni Jackson pero hinayaan na lang nya at pinagbigyan ang nais nito, syempre hindi sila tahimik na kumain dahil panay ang kwentuhan at asaran nilang dalawa, bagay na hindi naman nawawala sa tuwing magkasama sila.
"Ambilis naman?" Reklamo nya ng matapos itong maghugas ng pinagkainan nila habang nakapangalumbaba sya sa mesa at pinagmamasdan ang ginagawa nito.
"Kaunti lang naman 'yon e, tara na?" Aya nito kaya tumayo na sya at inalalayan naman sya agad ni Jackson na para bang ni hindi ito nakakaramdam ng pagod kahit pa halatang pagod na pagod ito, ni ayaw na nga nitong pakilusin sya kahit simpleng paghuhugas ay inaako nito bagay na kaya naman nyang gawin pero kapag magkasama sila ay mas gusto pa nitong akuin lahat ng gawain 'wag lang syang kumilos ng husto dahil baka mapa'no pa raw sya.
Pagpasok sa kwarto ay inalalayan sya nitong maupo sa kama saka nito kinuha ang bag, naupo ang binata sa tabi nya saka binuksan ang bag.
"Fatima," nakangiting sambit nito sa pangalan nya saka iniabot sa kanya ang puting sobre. "Nakuha ko na ang unang sahod ko."
Napangiti rin sya. "Congrats!" Kinunutan nya ng noo ang binata. "Bakit iniaabot mo sa akin?"
Kinuha nito ang kamay nya at ipinahawak na iyon sa kanya. "Ikaw ang magtabi nyan,"
"Itatabi ko?" Naguguluhang ulit nya.
"Fatima naman," alanganing ngumiti ito saka napahawak sa batok animo'y nahihiya sa kanya. "Syempre ipinatatabi ko sayo kasi ikaw ang magb-budget nyan, you know-" agad nyang tinakpan ang bibig ng binata, ramdam nyang nag-init ang mga pisngi nya sa gusto nitong sabihin sa kanya. Hindi na nito kailangang sabihin, gets na nya agad iyon at pakiramdam nya bigla syang nahiya sa binata.
Hinawakan ni Jackson ang kamay nya at inalis sa bibig nito saka tinawanan sya. "Ang cute mo fatima."
Sinimangutan nya ito. "Kailangan ba kasi talaga?"
"Of course, alangan namang umaalis ako tapos nasa akin ang pang-gastos nyong mag-ina."
Napairap sya. "Hindi ko alam kung mao-offend ako o ano."
"Sira, totoo naman kasi."
"May pera naman ako ah? Bakit-"
"-Fatima, lagi na lang tayong nauuwi sa paliwanagan." Bumuntonghininga si Jackson. "Huwag ka ng umangal, ikaw ng bahala dyan para pag-may gusto kang bilhin o may kailangan ka mabili mo agad."
YOU ARE READING
San Lazarus Series #6: Onerous ✔
RomancePaano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lamang pagpapanggap? Start: September 15, 2023 End: January 30, 2024