CHAPTER VI: REASON

75 17 0
                                    

🍛🍛🍛

Hindi lahat ng araw ay payapa at masaya, iyon ang palaging nakaukit sa isipan ni Faye ng sumunod na linggo. Paano naman kasi magiging payapa at masaya ang buhay nya kung halos araw-araw na naman nyang kailangang pumunta sa eskwelahan, kulang na lang ay doon na sya tumira dahil sa pag-conduct nila ng surveys na sadyang nakakapagod at nakaka-drain ng lakas nya.

"Faye?" Rinig nyang tawag ni Vladimir, napahinto sya sa ginagawa at tiningnan ang binata.

Pansin nya ang pagod sa mukha nito dahil maging si Vladimir ay abala rin sa trabaho katulad nya, ni hindi na nga sila nakakapagsabay kumain dahil halos buong araw ay nasa kanya-kanya silang pinagkakaabalahan, sya sa eskwelahan samantalang sa trabaho naman ang binata.

"Ayos ka lang?" Tanong nya ng makalapit ito, tumango si Vladimir bilang sagot at lumapit sa kanya. Hindi sya nakagalaw ng ipatong nito ang noo sa balikat nya. Ipinunas nya ang kamay na may sabon sa suot na apron para mahawakan ang binatang mukhang may dinaramdam.

"Anong nangyari?" Tanong nya ulit, umayos ito ng tayo saka umiling pero napakunot ang noo nya ng mapansin ang mga mata ni Vladimir, agad nyang idinampi ang palad sa noo ng binata at ganoon din sa leeg nito. "Inaapoy ka ng lagnat, ano bang ginawa mo?"

"Pagod lang sa trabaho." Sagot nito sa kanya.

"Kumain ka ba kanina?" Umiling lang ito bilang sagot kaya napabuntonghininga sya saka iginiya ito paupo malapit sa mesa. "Saglit lang, dyan ka lang."

Bumalik sya sa kusina at ginawan ito ng makakain, pagbalik nya ay nakaungko ang binata sa mesa. Inilapag nya ang bitbit saka naupo sa tabi nito.

"Vlad," tawag nya sa pansin nito.

Iniangat nito ang ulo at tiningnan sya. "Faye?"

"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Tumango si Vladimir saka tinanggap ang niluto nyang pagkain, kitang-kita nya ang panginginig nito habang kumakain dahilan para mapabuntonghininga sya saka kumuha ng maligamgam na tubig at inilapag sa tabi nito kasama ang gamot. "Inumin mo 'yan, pagkatapos mo." Bilin nya saka umakyat sa tree house at kumuha ng pamalit na damit ni Vladimir sa aparador.

Pagbaba nya ay nakita nyang nakaungko na ulit ito sa mesa, lumapit sya at naupo sa tabi nito. "Magpalit ka muna ng damit, buong araw mo ng pinagpawisan 'yan." Utos nya saka ibinigay ang kinuha nyang damit. Nag-iwas sya ng tingin ng magpalit ito sa harapan nya na ikinatawa ni Vladimir, tinaasan nya ito ng kilay. "Anong tinatawa-tawa mo?"

Umiling ang binata. "Parang gusto ko na lang na laging may sakit para nag-aalala ka rin sakin." Sambit nito.

"Tumigil ka nga, halos manginig ka na nga dyan." Idinampi nya ulit ang palad sa noo nito, mainit pa rin 'yon. "Umakyat ka na sa taas, doon ka sa kama matulog."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Iiwan kita dito?"

"Wag ka ng umangal, bilis na." Pinal na sabi nya kaya napasimangot na lang ito at nanghihinang tumayo. Inalalayan nya 'yon hanggang sa loob ng tree house saka inayos ang kumot ng mahiga ito.

Akmang aalis na sya ng hawakan nito ang kamay nya. "Dito ka na lang...please?" Rinig nyang sabi nito kaya napabuntonghininga sya saka naupo sa gilid ng kama saka lang ito pumikit at natulog habang hawak pa rin ang kamay nya, nakatulog na sya sa pagkakasandal ng maalimpungatan, maingat nyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Vladimir saka sya bumaba para magluto ng hapunan.

"Faye...?" Rinig nyang tawag ni Vladimir pagkaraan ng tatlong oras, ihininto nya ang ginagawa at tiningnan ito. Pababa na ng hagdan ang binata habang nakasimangot at nakatingin sa kanya, lumapit sya para alalayan ito.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now