CHAPTER XIV: DECISION

55 4 0
                                    

🍛🍛🍛

Ang mga araw na dumaan ay para bang naging pinaka-madilim na yugto ng buhay ni Faye, hirap na hirap syang ihakbang ang mga paa paalis ng kama para bumangon sa umaga at hirap na hirap syang ipikit ang mga mata upang matulog sa gabi. Lahat ng bagay ay para bang naging mahirap para sa kanya umabot sya sa puntong maging ang pagtingin sa salamin ay ni ayaw nyang gawin dahil sa tuwing susubukan nya ay wala syang ibang nararamdaman kundi pandidiri sa sarili nya.

"Fatima...damihan mo naman ang kain mo." Sambit ng kuya nya ng maubos nya ang kakarampot na sinandok nya.

"Wala akong gana kuya,"

"Alam kong iniwanan-"

"-kuya nakita mo na ba ni minsan lahat ng kapatid ni itay noon?"

Napakunot ang noo ng kuya nya sa biglaang tanong nya. "Ang nakita ko lang ay ang tatay ni itay noong sumugod iyon dito noong bata pa ako pero ang mga kapatid ni itay maging ang ina nya ay hindi ko nakilala."

"Kuya, aminin mo sa akin. Bakit ba talaga naghiwalay noon si itay at inay?"

"Fatima, bakit ba bigla mong inuungkat-"

"-nais kong malaman, para alam ko kung anong gagawin ko."

Napabuntonghininga ang kapatid nya at ibinaba ang hawak na kutsara, naguguluhan man sa mga tanong nya ay sinagot pa rin nito ang tanong nya. "Naghiwalay si itay at inay dahil ayaw ng pamilya ni itay kay inay, natakot si itay ng magbanta ang pamilya nya na mapapahamak si inay kung sakaling hindi nya iiwanan at kung hindi sya babalik sa pamilya nya."

"M-may pamilya s-si itay?"

Malungkot na tumango ang kuya nya. "Mayroon syang isang anak sa legal nyang asawa."

"P-pero sabi ni inay, iniwan tayo ni itay dahil sumama sya sa babae nya."

"Fatima ganoon na rin iyon lalo pa't si inay naman talaga ang tunay na mahal ni itay."

"Pero s-si inay ang 'ibang babae' ni itay dahil kasal sya sa i-iba." Pagpupunto nya.

"Tama na fatima, ayokong tingnan ang ganoong anggulo." Pagtatapos nito sa usapan at hindi na sya nakaimik.

Muli syang natulala ng araw na iyon habang nasa bintana, paulit-ulit na umuukit sa isipan nya lahat ng nalaman nya hanggang sa mapabuntonghininga sya at tinawagan si Jackson na puntahan sya dahil may importante silang pag-uusapan, hapon ng dumating ang binata na nagmula pa sa maynila. Nakasuot pa ito ng uniporme nito sa eskwelahan ng makita nya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito ng makalapit sa kanya, tumango sya at tinap ang bakante sa tabi nya. Naupo naman agad ang binata na hindi pa rin mapanatag.

"Jackson,"

"May iniinda ka? May masakit sayo?" Rinig nyang tanong kaya napatingin sya sa katabi, nag-aalala pa rin ang ekspresyon nito.

"Ayos lang ako, pinapunta kita kasi gusto kong pag-usapan ang mga bagay-bagay."

Napakunot ang noo ni Jackson. "Anong ibig mong sabihin?"

"Sigurado ka ba talagang aakuin mo?" Tanong nya pabalik na walang kurap at pagdadalawang isip na tinanguan ng binata. "Paano ang pag-aaral mo?"

Lumambot ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya. "Hindi mo ako kailangang intindihin, kaya kong pagsabayin ang lahat."

"Pati nga babae napagsasabay mo e." Ismid nya saka umirap.

"Hindi ko kasalanang masyado akong gwapo pero ibang usapan na 'yong ngayon. Hindi na mangyayari 'yon."

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now