CHAPTER XXXI: SAD SONGS

41 7 0
                                    

🍛🍛🍛

Ilang beses pang naulit na s'ya ang palaging sumusundo kay Amanda para ihatid sa eskwelahan dahil nagsimula na namang maging abala sa trabaho si Jackson at ang tanging oras nito para sa mga bata ay sa tuwing matatapos ang trabaho kaya naman s'ya na lamang ang pumupuno sa dapat na obligasyon nito kay Amanda bagay na ayos lang naman para sa kan'ya dahil alam naman n'yang sadyang demanding lang talaga sa ngayon ang trabaho ng asawa n'ya at hindi rin naman tatagal iyon.

"Wife," rinig n'yang tawag ni Jackson, nag-angat s'ya ng tingin mula sa ginagawa.

"Nand'yan ka na pala." Tumango ito saka isinara ang pinto kaya tumayo s'ya at lumapit para salubungin ang asawang mukhang pagod na pagod. "Ayos ka lang?" Tanong n'ya ng yakapin s'ya nito ng mahigpit.

"Pagod lang," sagot ni Jackson saka bahagyang humiwalay para tingnan s'ya. "Thank you."

"Wala 'yon," ngumiti s'ya, alam naman n'ya kung para saan iyon.

"You are the best, babawi ako promise."

Pabirong umirap s'ya. "Binola pa ko," niyakap n'ya ng mahigpit si Jackson. "Kapag hindi ka na busy, lumabas kayo ng mga bata para naman makasama mo sila."

"I will, sinusundo pa ba ni Vladimir ang anak ko?"

Napakunot ang noo n'ya at napahiwalay. "Si Amanda?"

"Fatima, si Acks."

"Ah, hindi na."

Kumunot din ang noo ni Jackson. "Hindi na?"

Tumango s'ya. "Hindi na rin s'ya nagpakita."

"May problema ba?"

Umiling s'ya. "Wala naman, magbihis ka na at ipaghahain kita." Sabi n'ya, nagdududa man ang tingin ni Jackson ay sinunod nito ang sinabi n'ya. Patapos na s'ya maghain ng maramdamang niyakap s'ya nito mula sa likod kaya agad s'yang humarap. "Problem?"

"Magsabi ka ng totoo, may nangyari ba habang busy ako?"

Napabuntonghininga s'ya. "Nagkasagutan kami, pagkatapos no'n hindi na s'ya nagpakita."

"Iyon lang? Nagkasagutan kayo at huminto na?"

Tumango s'ya, ayaw na n'yang ikwento ng buo. Ayaw n'yang malaman pa nito ang mga sinabi ni Vladimir sa kan'ya ng araw na iyon dahil pakiramdam n'ya masasaktan lang ang asawa n'ya. "Tungkol sa nakaraan namin, alam mo na, tapos ayaw n'yang magpaliwanag kaya ayon hinayaan ko na." Nagkibit-balikat s'ya. "Sabi ko naman 'di ba? Hindi na mahalaga 'yon."

"Hinayaan mo lang?"

"Jackson naman, bakit parang hindi ka naniniwala?"

"I just can't believe na hinayaan mo lang, after all nasaktan ka ng sobra dahil sa kan'ya."

"I guess dahil pagod na pagod na kong masaktan ng dahil sa kan'ya?"

"Sabagay," bumitaw na ito at pinaupo s'ya. "Kain na nga tayo." Sabi ni Jackson saka nagsandok, magkasabay silang kumain habang nagkukwentuhan tungkol sa ilan pang mga bagay na hindi rin naman nagtagal dahil kinailangan na nilang matulog ng maaga dahil may kan'ya-kan'ya pa silang pagkakaabalahan sa susunod na araw.

"Goodnight, wife." Nakangiting sabi ni Jackson saka hinalikan s'ya sa labi ng magkatabi na sila sa kama para matulog.

Napangiti s'ya saka yumakap ng mahigpit. "Goodnight!"

Niyakap din s'ya ni Jackson. "Fatima..." tawag nito makaraan ang ilang sandali.

"Hmmm?"

"Na-mimiss kita." Nag-angat s'ya ng tingin ng marinig iyon. "Date tayo?"

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now