CHAPTER IV: FOR YOU

97 20 0
                                    

🍛🍛🍛

"Hi!" Nakangiting bati ni Vladimir sa kanya ng pagbuksan nya ito ng pinto, dahilan para magsalubong ang mga kilay nya.

Umagang-umaga pero hindi na agad maganda ang araw nya, ni wala pa nga syang almusal pero heto at naiirita na sya agad tapos bubungad pa sa kanya si Vladimir na kung makangiti ay akala mo walang problema talagang mas lalong naiinis sya.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Inis na tanong nya.

"Ang aga, ang taray mo agad." Sagot nito saka bahagyang tumawa. "Nag-almusal ka na ba?"

"Ano ngang ginagawa mo rito?" Ngumiti ito kaya mas lalo syang nainis. "Tumigil ka nga sa kangingiti, walang nakakatuwa!" Irita ng sabi nya saka tinalikuran ito.

"Faye," tawag nito pero hindi na nya pinansin, pinulot nya ang mga nagkalat nyang mga papel saka sinalansan ng maayos sa mesa. "May bagyo ba?" Tanong nito ng makita ang itsura ng bahay.

"Oo, gusto mo bang tumilapon sa labas?"

"Faye naman," sambit nito. "Ang aga ng topak mo, ano bang nangyari?" Tanong nito saka inilapag ang bitbit at nagligpit.

Napabuntonghininga sya, pilit nyang kinakalma ang sarili. Kanina pa sya naiiyak dala ng frustrations dahil pakiramdam nya hindi nya matatapos lahat ng kailangan nyang tapusin idagdag pa na nas-stress sya sa mga ka-grupo nyang wala man lang ni ha ni ho kung buhay pa ba sya o kung may nagawa na sya. Emotional sya, alam nya iyon. Sino ba namang hindi kung pagtingin mo sa kalendaryo, makikita mo ang mismong petsa kung kailan nagsimulang mawala ang saya sa buhay mo, iyon ang isa pang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Faye, paulit-ulit na bumabalik sa isip nya lahat ng alaala at pakiramdam nya mababaliw na sya sa sakit na nararamdaman, muli na namang umaangat ang mga tanong sa isipan nya maging ang sakit na dulot no'n.

Lumapit sya sa bintana saka ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim para pilit na kalmahin ang sarili ng tingin nya ay sapat na ang lakas para muling sumabak sa mga kailangan nyang tapusin ay tumalikod na sya sa bintana saka nya lang nakitang nakatingin sa kanya si Vladimir.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito na tinanguan nya lang.

Pumuwesto sya at naupo sa harap ng mga papel, pinilit nyang mag-focus hanggang sa nalimutan na nya ang oras.

"Kumain ka muna," rinig nyang sabi ni Vladimir, kaya napaangat sya ng tingin. Naglapag ito ng plato na may lamang kanin at ulam na ikinakunot ng noo nya.

"Nagluto ka?" Di makapaniwalang tanong nya.

Tumango ito sa kanya. "Nasasanay na ko sa kusina."

Napabuntonghininga sya. "Salamat pero hindi mo naman kailangang gawin ito, ayos lang naman ako."

Sumimangot ito saka naupo sa kaharap nyang silya. "Ako, hindi ayos."

"Bakit?"

Ang simangot ay nauwi sa busangot dahil sa tanong nya. "Wala na bang ihahaba 'yan? Grabi ka na sakin, parang napipilitan ka na lang kausapin ako."

Napairap sya. "Ang drama mo talaga, ano ngang nangyari?"

Bahagyang tumawa ang binata. "Wala naman, hindi lang ako ayos kasi parang hangin lang ako dito, ni hindi mo ko kinakausap man lang."

Muling napabuntonghininga si Faye. "Wala talaga akong ganang kumausap ng kahit na sino, kung maaari nga sana ay gusto kong mapag-isa-"

Agad na umiling si Vladimir. "Hindi ako aalis, kahit ipagtabuyan mo ko. Dito lang ako." Matigas ang ulo na sabi ng binata na ikinasaltak nya.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now