CHAPTER 11

78 3 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

EAST'S POV

Habang nagtetraining ako dito sa may hideout biglang pumasok si Earthea habang may hawak na envelope.

"What is it?" Tanong ni Selina sa kanya

"Galing kay Doña Zekiah, nakita dito si Hazel Paxton na may kasama pero hindi mamukhaan ang mukha ng kasama niya dahil nakamask ito." Natigilan ako dahil sa sinabi niya at tinignan ako ni Blue.

"Anong gagawin?" Tanong naman ni Kalvin

"Huhuliin natin sila mamaya kaya humanda kayo."

Agad akong tumayo at lumabas ng hideout. I need to tell her about their plan.

I pick up my phone and call her.

"East, it's 2:30 AM, what do you want?" She yawns.

"Hazel, kailangan mong iligtas ang sarili mo." I said

"What? Why? Is everything okay?"

"Magkita tayo sa tapat ng bahay niyo at magdala kana rin ng damit mo." I ended the call.

Agad akong pumunta sa kwarto ko dito sa hideout pero nakarinig ako ng sunod sunod na katok kaya agad kog kinuha ang baril ko at binuksan ang pinto.

"Oh, easy." Nakataas ang kamay ni Blue na pumasok ng kwarto ko.

"Sorry..." Sabi ko at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit.

"What's your plan?" She asked

"Pupuntahan ko si Hazel ngayon."

"Oh, so aalis ka?"

"Yeah."

"Para mo na rin pinagtataksilan ang lahat, East." I looked at her, confusedly. "Hindi naman sa pinagbabawalan kita sa gusto mong gawin pero nag iisip ka ba talaga? What if malaman nila itong ginagawa mo paano kana? I'm just worried about you, East."

"Don't worry about me, Blue. Kaya ko ang sarili ko." Ngumiti ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin at napabuntong hininga.

"Babalik ka, right?"

"Of course."

"Then let's go." Hinila na niya ako palabas habang tumitingin sa paligid hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Take care, East. Ako na bahalang magpaliwanag kina Selina." Sabi niya kaya tumango ako at ngumiti.

Mapagkakatiwalaan talaga si Blue.

~~

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Hazel at hinihintay nalang siyang bumaba. Ilang minuto pa ng makita ko na may dalang bag at sumakay sa kotse ko.

"What's going on?" Kinakabahang tanong niya. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo baka hindi siya sumama sa akin.

I shake my head and start driving.

"East, you need to tell me. I'm worried!" She protests.

But again, I shake my head.

Kailangan ko siyang ilayo rito para hindi siya mahuli. Kapag nahuli siya sigurado akong papatayin na siya, pero may posibilidad na sila Azherah na ang humanap sa kanya kapag hindi pa siya nahuli nila Selina.

At isang malaking gulo rin iyon!

"East, stop the fucking car and tell me what's going on!" She screamed at me.

Catch me, I'm the spy! Where stories live. Discover now