CHAPTER 15

73 4 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

HAZEL'S POV

"Hazel, mag ayos ka ng gamit mo aalis tayo bilis!" Sigaw ni Blue kaya napatingin ako sa kanya.

"Where are we going?" I asked as I raised my left eyebrow.

"Sa beach tapos ikaw bitch." Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag peace sign siya.

"Sa beach nga! Magbihis kana dahil nandoon na yung iba natin kasama." Sabi niya kaya tumango nalang ako bago umakyat ng kwarto at nag ayos ng gamit.

Ilang oras pa ng bumaba na ako at nakita ko naman agad si Blue na nakasimangot na nakatingin sa akin.

"Tagal tagal kumilos kala mo reyna mukha naman tuko." Reklamo niya bago lumapit sa akin at kinuha ang dala kong bag.

Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa kanya baka pinatay ko na iyan, eh.

"Tagal talaga! Bilisan mo na diyan!" Sigaw pa niya kaya napairap nalang ako bago lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Inis na tanong ko ng nasa byahe na kami.

"Beach nga, eh! Kulit naman!" Sigaw niya

"Bakit kailangan sumigaw!" Sigaw ko rin. Hindi lang siya yung pwedeng sumigaw 'no.

"Kanina kapa tanong ng tanong, eh. Ulit ulit ka. Sirang plaka ka ba, huh? Sakalin kita diyan, eh!" I just rolled my eyes on her at hindi na nagsalita.

Ilang oras pa kaming nasa byahe ng makadating kami sa isang beach kaya inalalayan akong bumaba ni Blue.

"Blue!" Isang sigaw na nagpatigil sa akin kaya humarap ako dito. "Buti nakapunta ka?"

"Ako pa." Sagot ni Blue sa babae bago ako binalingan. "Ah, Solange si Hazel pala. Hazel si Solange." Pakilala ni Blue sa babae kaya tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.

She's beautiful, huh.

"Hi, I'm Solange Singh." She offered her hand.

A Singh, huh.

"Hazel Paxton." Tinanggap ko ang kamay niya kaya ngumiti siya.

"Let's go na. Nandoon na lahat." Aya niya kaya sumunod kami sa kanya.

"I'm glad na nakapunta kayo para sabihin namin na malapit ng ikasal ang anak namin." Napatigil ako ng marinig ang nagsalita kaya agad akong humarap dito at nakita ang mommy ni East na nakikipag usap sa ibang tao.

Sa hindi malamang dahilan nagkaroon ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mangyayaring hindi ko inaasahan.

Hinawakan ni Blue ang kamay ko ng mapansin siguro ang reaksyon ko. Ngumiti ito sa akin kaya marahan din akong ngumiti sa kanya.

Chill, Hazel, wag kang overthink.

"Good evening, everyone! I'm South Carter the second eldest son of my Mommy Ayah and Mommy Aza." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita si South na may katabing babae sa harapan habang nakangiting nagpapakilala.

Nakangiti itong humarap sa babae na may pagtataka sa mukha. Sa tingin ko walang ideya ang babae sa mga nangyayari ngayon.

"We're here now in front of many people who are already part of our lives." Simula ni South at huminga ng malalim na halatang kinakabahan. "I am here in front of you telling you I love you so much, Angel."

Hinawakan nung babaeng nangangalang Angel ang balikat ni South at nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata ni Angel. Siguro unti unti ng nag sisink in sa utak niya ang mga nangyayari. Humalik pa ito sa noo ni South bago bumulong ng I love you too.

"Ang cute talaga ng mga lalaki kapag kinikilig." Komento ng isang babae na nasa tabi namin habang tutok na tutok sa harapan.

Lalong napaluha si Angel ng lumuhod sa harapan noya si South at may kinuhang maliit na red box sa bulsa niya.

"Will you marry me, Angel?" He asked using his soft voice.

"Of course I will marry you. So it's a yes, babe." Walang pagdadalawang isip na sagot ng babae.

Nagpalakpakan naman ang mga nandito at bakas sa mukha ng dalawa ang kasayahan.

Lumipas ang ilang oras pa ang nakalipas at lahat ng nandito ay kinocongratulates sila. Ang ilan naman sa mga member ng pamilyang Singh ay bumalik na sa kanilang mga kwarto para magpahinga raw dahil galing pa sila sa iba't ibang bansa.

Kami nalang ang naiwan dito, hindi rin umalis sa tabi ko si Blue. Nagsimula ng maglabas ng alak at nangunguna si Blue.

"Magtatampo niyan sa inyo si Astrid hindi niyo ininvite." Sabi ng isang babae tsaka sila nagtawanan.

"Hoy, ininvite ko siya kaso masyado raw siyang busy." Sagot ni South dito.

"Sabihin niyo hindi pa iyon nakakamove on kay Yuzuki kaya ginagawang busy ang sarili." Sabat ng isang babae

"Gago ka talaga Heaven. Kapag narinig ka nun baka patayin ka niya tanga." Sagot ni Blue sa kanya

"Ikaw naman, Blue, may gusto ka ba sa professor mo?" Natigilan si Blue sa tanong ng isang babae at napakamot ng batok.

Does she like her professor?

"Gago ka! Professor pa nga!" Nagtawanan sila kaya napailing iling nalang ako.

"W-Wala kaya." Utal na sagot niya at nag iwas ng tingin habang namumula ang mukha.

"Tsk! Pinsan mo ako pero hindi ka nagsasabi sa akin." Kunwaring nagtatampo na sabi ni Heaven.

So magpinsan sila? Kaya pala medyo hawig sila.

"W-Wala nga. Ang iissue niyo talaga. Gawa gawang kwento lang iyang si Anna." Depensa niya pero hindi makatingin ng maayos sa amin.

Nagsimula ng mag inuman ang lahat, nag aasaran din sila at yung iba naman ay nags'swimming na.

Ang kukulit pala nila.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala siya dumating, dahil sa proposal kanina kaya nawala sa isip ko. Hindi siya nagpakita sa proposal ng kapatid niya. Hanggang ngayon ba ay hindi parin talaga siya magpapakita sa akin? Ilang araw, linggo, buwan o taon pa ba ang hihintayin ko para makita siya ulit sa personal?

"Lalim ng iniisip mo, ah." Napatingin ako kay South ng magsalita siya.

Umupo ito sa harapan ko at kinuha ang alak.

"Pansin kong mas lalo kang gumanda ngayon kaysa sa huling pagkikita natin. Ganyan ba talaga kapag hindi na gumagamit ng drugs?" Tumatawang sabi niya

Napailing iling nalang ako at ininom ang ang alak sa baso.

"She will be back." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakatayo na siya. "I hope kayo parin ang end game." Tinapik nitp ang balikat ko bago naglakad paalis.

Babalik siya? Kailan? Bakit pabitin ang lalaking iyon?

Arghh!!!!!

East, umuwi kanaaaa!!!!!

Catch me, I'm the spy! Where stories live. Discover now