Sorry for grammatical and typographical errors!!!
-----
EAST'S POV
Lumipas ang dalawang buwan simula ng bumalik ako ng pilipinas. Dalawang buwan ko na rin sinusuyo at nililigawan si Hazel.
Pero ngayon anong oras na at hindi pa siya nagtetext or tumatawag. Ala syete noong huling pagkikita namin dahil may pupuntahan daw siya, sabi ko naman na mag update siya pero hanggang ngayon wala pa siyang update.
Hindi kaya may ginagawang hindi maganda nanaman ang babaeng iyon kaya nakalimutan niya ako?
Lumipas pa ang ilang oras ng tumunog ang phone ko kaya agad kong tinignan pero napabusangot ako ng makitang si Blue ang tumatawag.
"What do you need?" Bungad na tanong ko
"Wow, ah. Gandang bungad naman niyan pero gusto ko lang ipaalala sayo na need ni Megan ng tulong natin para sa pagpopropose niya kay Heaven."
Tsk! Humihingi nga pala ng tulong sa amin si Megan para sa pagpropose niya kay Heaven. Tanginang Heaven niyan may pasabi sabi pang hindi niya babalikan pero ang gaga binalikan, eh.
Marupok spotted!
"Anong oras?" Tanong ko
"Ngayon na dahil nandito ako sa labas ng bahay niyo kaya bumaba kana."
Napabuntong hininga nalang ako at pinatay ang tawag tsaka kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay. Bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Blue.
"Tagal mo." Reklamo niya
"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi na ngayon gaganapin?" Pag tataray ko pero umirap lang siya.
Sumakay na kami sa kotse niya at habang nasa byahe sinabi niya ang plano ni Megan. Sa tagaytay daw ang venue kung saan sila pumunta noon nung time na kasama pa nila sa Astrid. Invited lahat ng pamilya ni Megan pero dahil patay na ang parents ni Heaven na si Tita Nevaeh at Tita Trixie ay kami nalang ang pupunta para kay Heaven.
Sinabi rin niya na wala naman daw kaming gagawin dahil nakaayos na. Tangina kung kanina pa niya sinabi na wala kaming gagawin sanang hindi nalang ako pumunta at hinintay nalang si Hazel sa bahay.
Ng makadating kami agad akong bumaba ng sasakyan.
"Oh, magdala ka ng panyo." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit ako magdadala ng panyo?
"Bilisan mo dahil naiinip na si labidabs mo kakahintay." Gago talaga itong babaeng ito. Magpopropose na nga yung tao inaasar pa niya ako doon.
Meron na rin akong Hazel 'no tsaka hindi ko naman nagustuhan si Megan, siya lang nagkagusto sa akin noon.
"Gago ka!" Inis na sabi ko pero tumawa lang siya kaya iniwan ko na siya at pumasok na sa isang bahay dahil nandito raw sila.
Pagpasok ko bumungad sa akin ang pintuan na nagliliwanag sa path way. May mga petals at candles na nasa lapag na nagbibigay ng direksyon.
"Megan?" Tawag ko pero walang sumasagot.
Wala rin mga tao at hindi ko alam kung nasaan na ang potanginang Blue na iyan. Nakasunod lang sa akin kanina tapos ngayon wala na.
Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Blue pero sinabi na nauna na siya at sundan ko lang daw ang mga petals.
Tangina niya talaga. Iniwan niya ako dito tapos nauna na? Argh! Malilintikan sa akin ang babaeng iyon.
Nagsimula na akong maglakad patungo kung nasaan ang direksyon ng mga petals pero agad din akong napahinto ng marinig ang pagtunog ng music. Isang piano iyon na sinasabayan ng violin at tinutugtog ang kantang A Thousand Years.
Tsk! Akala ata nung tumutugtog ako yung hinihintay. Sino ba naman kasing tanga ang paglalakarin ako dito? Malamang si Blue. Isang malaking tanga si Blue, eh.
Naglakad ako papunta sa may mga ballons na nakasabit at nanlaki ang mata ko ng makita na nakalagay dito ang mga stolen shots ko at ang iilan ay nasa Italy pa ako at nag aaral, ang iba naman ay nasa isang mission ako at nag i-spy.
What the hell is happening?
Tinignan ko isa isa ang mga picture at may mga message na nakalagay kaya biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Lumapit ako dito at binasa ito. Ito yung picture ko kung kailan unang beses kaming nagkita sa bahay niya noong time na sinimulan ko ang pag i-spy sa kanya kung saan nahuli niya ako.
I read the message.
This was the first time I saw you at my party. I used to not believe in love, but suddenly you came into my life unexpectedly.
Binasa ko lahat ng nakasulat at narealized ko na may pagkasweet din pala yung babaeng iyon sa katawan.
Pumasok na ako sa pinakamain venue at nakita kong meron doon na table at may mga petals din tsaka mga candles sa ilalim nito.
Ang ganda ng view mula rito dahil kitang kita ang paglubog ng araw.
Nag iba ang tono ng kanta ng mas palapit ako sa venue. May umalalay sa akin at ng tignan ko ito, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni South. Nilalayan niya ako papunta sa isang upuan.
"I hope na maging masaya na kayong dalawa." Nakangiting sabi niya kaya napangiti narin ako.
Umalis na siya at hindi ko alam kung saan pumunta. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ang taong hindi ko inaasahan na lumabas kung saan ako nanggaling kanina.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa gawi ko habang may hawak na isang boquet of roses habang naka champagne silk dress siya na lalong nagbibigay mg kasexy'han sa kanya dahil revealing ang suot niya.
Ang ganda talaga niya!
Tumayo ako ng nilahad niya ang kamay niya kaya agad kong hinawakan iyon. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa at kitang kita ko sa mata niya na kinakabahan siya kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.
"I, Hazel Paxton...." Sabi niya at mahahalata talaga ang kaba dahil sa tono ng boses niya.
"Want to marry you, East Carter."
Nagulat ako sa biglaang proposal niya. Hindi ko inaasahan na aayain niya ako ng kasal. Ang nasa isip ko lang kanina ay sasagutin na niya ako bilang girlfriend niya dahil nanliligaw ako sa kanya pero hindi pumasok sa isip ko na kamay ko na mismo ang hihingin niya.
Hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. Ito pala yung pakinabang ng panyo na binigay ni Blue.
"Will you marry me, love?" Muling tanong niya.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa kasiyahan na nararamdaman kaya napatango tango ako bilang sagot.
"I'm so happy, love!" Tili niya at mahigpit akong niyakap kaya napatawa ako. "I love you!" She added.
"And I love you too always." Masayang sabi ko
Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ko ang luhang tumulo narin sa mga mata niya bago siya siniil ng halik sa labi.
Humiwalay din kaming agad at dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko at sinuot ang singsing sa ring finger ko.
"Mabuhay ang mga bading!" Sigaw ni Blue kaya napatingin ako sa kanila na nandito at pumapalakpak.
Napunta ang tingin ko kay Yuzuki na nakatayo sa tabi ni Selina tsaka ngumiti kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"I promise to love you every single day." Napatingin ako kay Hazel at hinalikan niya ako sa noo.
"And I promise to be yours forever," I said while smiling.
"You're only mine, East." Oh, her possessive tone.
YOU ARE READING
Catch me, I'm the spy!
RomansaEast Carter is good at spying, she's one of the members of The Fallen Devil and she's known as Hand ranked number 2 in the underworld. Doña Zekiah Singh gave her a mission to kidnap the next leader of The Panther Organization because they are sell...