CHAPTER 16

79 4 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

HAZEL'S POV

"Mukha kang tanga, Hazel." Rinig kong sabi ni Blue bago tumabi sa akin. A Pag aalalang tanong niya.

Nakaupo kasi ako dito sa may buhangin habang nakatingin sa dagat.

"Hindi parin siya bumabalik." Pagdadrama ko. "Ilang buwan pa ba ang hihintayin ko? Sabi ni South siya pero wala naman sinabi kung kailan talaga." Parang batang pagsusumbong ko.

"Sabi naman pala ni South na babalik siya, eh. Kung yung dalawang taon nga nahintay mo ngayon pa kayang isang taon nalang? Pero kung maisipan niyang sumabay kay Astrid, baka dalawang taon ka pang maghintay." Sabi niya

"Paano kung magkaroon na pala siya ng ibang kasintahan doon?"

"Sabagay, tinuruan ko si East paano maghanap ng babae." Agad ko siyang binatukan kaya tumawa siya. "Why? Totoo naman, ah. Babaero iyon noong hindi ka pa niya kilala." Dagdag niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka talagang maayos na sasabihin sa akin 'no?" Pagtataray ko pero tumawa lang ulit siya.

"Blue, Hazel, kumain na raw tayo!" Sabay kaming napatingin kay Solange ng tinawag niya kami.

"Tara na." Tumango ako kay Blue kaya sabay kaming naglakad papunta kung nasaan ang mga kasama namin. Si Heaven at Anna mukhang lantang gulay, naparami siguro ang inom nila kagabi.

Ang hihina naman ng mga ito pagdating sa inuman. Buti pa ako kahit sakit ng ulo hindi tinamaan.

"Good morning, Hazel!" Masayang bati sa akin ni Angel.

Close ko iyan. Nag usap kami kagabi niyan, eh.

"Nasaan ang parents mo?" Tanong ko kay South dahil napansin ko na wala na kaming nakakatanda na kasama.

"Maaga sila umalis, may aasikasuhin pa raw sila, eh. Tsaka kailangan din nila tulungan si Astrid dahil may gagawin na mission iyon kaya need nilang mag back up kahit na kayang tapusin ni Astrid iyon mag isa." Paliwanag niya.

Lagi kong naririnig ang pangalan na Astrid pero hindi ko pa iyon nakikita. Or baka nakita ko na kaso hindi ko lang matandaan?

Napatango nalang ako at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may sumigaw.

"Hello mga hampas lupang taga sunod ni Astrid, good morning!" Sigaw nito habang nakataas pa ang dalawang kamay.

Lumapit ito sa amin at hinalikan kami sa pisngi isa isa kaya napairap nalang ako. Feeling close kasi siya.

"Iwww kadiri!" Diring diring sabi ni Solange at pinunasan pa ang pisngi.

"Kapal mo, Solange! Makadiri ka diyan ako nga first kiss mo, eh. Pasalamat ka hindi kita hinalikan sa labi." Pang aasar niya kay Solange.

Wala siguro ibang gawin itong pamilyang ito kung hindi mag asaran lagi.

"Yuck! Wag mo na ngang ipaalala ang nangyari na iyon. It's just an accident. Kung hindi ka ba naman kasi tanga hindi mangyayari iyon." Sagot ni Solange sa kanya

"Anong accident, huh? Ang tagal kaya bago ka lumayo sa halikan."

"Sinabi na kasing nasa right mo ang kalaban tapos tumingin ka sa left? Tanga mo naman, left and right nalang hindi mo pa alam."

"Wag kang mag alala, Solange. Hindi tayo talo, ah. Family tayo at ayaw ko ng family stroke." Sagot ni Earthea kaya napairap si Solange.

"As if naman na papatulan kita. Mandiri ka sa sarili mo."

"Enough!" Bawal ni South sa kanila kaya natahimik sila pero nakangising nakatingin lang si Zoelle kay Solange.

Ng matapos kaming kumain ay naisipan nilang maglibot dito sa buong resort. Madami kaming activities na sinubukan kay nag enjoy din ako kasama sila.

Si Blue, Zoelle, at Heaven ang madalas na maingay sa amin. Halos lahat naman maingay pero mas nangunguna lang yung tatlo. Parang nakamicro phone ang mga bunganga nila, eh. Sabi pa nga nila na hindi pa raw sila kumpleto kaya tahimik pa raw iyon. Paanong naging tahimik eh, para silang nakikipag away sa lakas ng mga bunganga.

Kinagabihan nag aya sila na kumain sa isang restau dito. Napakaganda ng ambiance at napakaganda rin ng view ng kinatatayuan nitong restau.

Nalaman ko lang din kanina na nasa Batangas kami sa sariling resort daw nung tinatawang nilang Zenna Selene Singh.

"Ate Heaven!" Sigaw ng kung sino kaya halos napaharap doon maliban sa akin.

"Flynn, wait!" Sabi ng familiar na boses.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko ng marinig ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, kahit dalawang taon na ang nakalipas kilala ko parin ang boses niya.

Parang nagkaroon din ng tambol ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

Catch me, I'm the spy! Where stories live. Discover now