Sorry for grammatical and typographical errors!!!
-----
EAST'S POV
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay tulog pa rin, nakayakap siya sa akin habang nakaunan sa braso ko.
Napangiti ako dahil siya agad ang bumungad pagkagising ko. Sa tagal na panahon na hindi ko siya nakasama pinangarap ko ulit ito na mangyari, na makatabi ulit siya.
Pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ang pagtulo ng luha niya sa mata kahit nakapikit siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan iyon.
Simula ng pumunta akong Italy para mag stay doon wala akong naging contact sa kanila. Nagpagaling ako dahil kwento ni Mommy Ayah sa akin na muntik na akong mamatay dahil sa buto na nabali sa may ribs ko dahil sa pagbaril. Hindi naman ako nagalit kay Hazel dahil alam kong hindi niya sinasadya ang pagbaril, siguro nadala lang siya sa galit kaya niya naisipan barilin ni Ashelah.
Nakwento rin sa akin ni Mommy Ayah na muntikan daw patayin ni Ashelah si South dahil sinubukan nitong galawin si Hazel. Sinubukan daw patayin ni South si Hazel that time pero si Ashelah ang nakalaban niya kaya sa huli umuwi si South na puno ng bugbog ang katawan dahil kay Ashelah.
Nalaman ko rin na si Ashelah ang nagsabi kay Blue na bantayan si Hazel habang hindi pa ako gumagaling at umuuwi. Ginawa naman iyon ni Blue at hindi ko rin inaasahan na magbabago si Hazel habang wala ako pero dumaan siya sa depression kaya laging nasa tabi niya si Blue. Laging din sinasabi sa akin ni Blue kapag nakakausap ko siya sa phone na wala raw ibang ginagawa si Hazel kung hindi magtrabaho para malibang ang sarili niya. Yung organization na hawak ni Hazel, siya na ang mismog nagsuko sa amin kaya ngayon ay wala na siyang organization na hawak dahil nasa kulungan na ang iba at ang iba naman ay patay na dahil nanlaban sila.
"Good morning." Rinig kong bati sa akin ni Hazel kaya napabalik ako sa ulirat.
"Good morning too." I greeted her back and kissed her forehead.
Sumiksik naman siya sa pagkakayakap sa akin kaya maa hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Kahit na bagong gising siya at uminom kagabi hindi pa rin mawawala yung natural na amoy niya.
"Kanina ka pa gising?" Tanong niya habang nakasiksik pa rin sa dibdib ko.
"Kakagising ko lang din." Sagot ko.
Humiwalay naman siya sa pagkakayakap at tinignan ako habang nakakunot ang noo niya.
"So, totoo yung nangyari kagabi? I thought it was just a dream." Parang ngayon lang nag sisink in sa kanya ang mga nangyayari.
Napatawa ako dahil ang cute niya sa lagay niya ngayon. Pinisil ko ang ilong niya pero pinalo niya ang kamay ko at ngumuso pa.
"It hurts!" Reklamo niya habang nakahawak sa ilong niya.
"Ang kyut mo kasi, nakakagigil ka pa."
Inirapan niya lang ako bago umupo kaya umupo rin ako at hinalikan siya sa pisngi na ikinatigil niya.
"Let's go sabay na tayong maghilamos at magtoothbrush." Aya ko
"Y-You go first." Utal na sabi niya kaya napangisi ako. Ngayon lang siya nautal sa ganitong sitwasyon, ah. Malakas na ba ang epekto ko sa kanya?
"Stop smirking like an idiot." Pag tataray niya
"Sabay na kasi tayo para tipid sa water." I stood up pero hindi siya gumalaw. "Kapag hindi ka tumayo diyan iiwan ulit kita, Hazel." Pananakot ko kaya agad siyang tumayo.

YOU ARE READING
Catch me, I'm the spy!
RomanceEast Carter is good at spying, she's one of the members of The Fallen Devil and she's known as Hand ranked number 2 in the underworld. Doña Zekiah Singh gave her a mission to kidnap the next leader of The Panther Organization because they are sell...