CHAPTER 17

77 4 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

HAZEL'S POV

"Ate Blue!" Tawag niyang muli

Hanggang ngayon hindi parin ako gumagalaw sa kinauupuan ko pero tinignan ko ang mga kasama ko at bakas ang gulat sa mukha nila habang nakatingin sa may likod ko.

Ramdam ko ang paglapit ng kung sino pero mas ramdam ko ang presensya ng isa. Tinignan ko ito, isang magandang babae ang bumungad sa akin. Yumakap ito kay Heaven at humalik sa pisngi, ganun din ang ginawa niya kay Blue.

"Namiss ko kayong dalawa." Malambing na sabi nito kina Blue at Heaven

"Namiss ka rin namin." Nakangiting sabi ni Blue.

"East!" Sigaw ni Anna at mabilis na tumakbo papunta sa may likod ko.

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ng marinig palang ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dapat ko ba siyang salubungin ng yakap or mananatili dito sa upuan?

Lumapit nadin ang mga nandito para salubungin siya ng yakap. Tumingin naman sa akin si South tsaka ngumiti.

"Akala ko doon kana talaga titira sa Italy, eh." Nagtatampong sabi ni Blue

She softly chuckled. "Hindi naman na talaga ako babalik, eh. Maayos na ang trabaho kong pag i-spy sa Italy tsaka ayaw ko na makita pagmumukha mo." Sagot niya kay Blue

Pero nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya, parang totoo kasi yung pagkasabi niya na hindi talaga siya babalik.

"Bitch!" Sagot naman ni Blue.

Hindi ko sila nakikita pero alam kong nag irapan iyang dalawang iyan. Wala parin akong lakas ng loob para lumingon sa kanila. Bakit parang ako ang nahihiya ngayon? Samantalang siya ang nang iwan sa akin noon.

"Darling!" Sabi ng babaeng kasama ni East kaya sinundan ko ito ng tingin ng maglakad siya papunta sa pwesto nila Blue.

Napakunot ang noo ko ng makitang nakalingkis siya sa braso ni East. Umiwas ako ng tingin sa kanila pero nahagip ng mata ko ang tingin na pinupukol sa akin ni East.

Nakatitig lang siya sa akin, pinilit kong ngumiti kahit na walang emosyon ang makikita sa mukha niya.

"Darling?!" Gulat na sabi nila Anna habang nakatingin doon sa babae.

Kinuha ko ang tubig na nasa harapan ko at ininom. Feeling ko nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Gulat na gulat?" Tumatawang sabi nito bago balingan si East. "I'm East's girlfriend." Dagdag niya at humalik sa pisngi nito.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito. Parang unti unting pinagsasaksak ang puso ko ko dahil sa narinig.

May girlfriend na siya?

Tumalikod na ako sa kanila ng mapansin ang tinginan nilang lahat sa akin. Alam kong nakakaramdam sila ng awa sa akin dahil alam nila kung paano ako nagbago at naghintay para sa kanya. Pero wala na pala akong dapat hintayin dahil meron na siyang bago.

"Umupo na kayo para makakain na." Aya sa kanila ni Angel.

Pinakiramdaman ko lang ang kilos ng lahat ng nasa likod ko. Bumalik naman sila sa mga pwesto nila, halos tahimik ang lahat dahil parang bumigat ang atmosphere sa paligid namin. Mukhang hindi naman ito ramdam ng girlfriend ni East, dahil siya lang ang nagsasalita sa amin.

Nagsimula narin kaming kumain at tanging tunogang ng utensils ang maririnig pero napansin ko kay Blue na parang nagpipigil siya ng tawa simula kanina.

"Bago ko pala makalimutan...." Sabi nung Flynn. "Congratulations sa inyong dalawa." Sabi niya kay South at Angel.

Ngumiti lang naman si Angel dito pero hindi na ito pinansin pa ni South dahil nagpatuloy lang siya sa pagkain.

Napansin ko rin na pinipigilan talaga ng mga nandito ang pagtawa lalo na si Blue dahil hindi siya pinansin ni South.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni South pero nakatutok parin ang tingin sa pagkain.

"Kuya South, kasi si-"

"Nadelay flight namin." Putol ni East sa sasabihin ni Flynn ng hindi nag aangat ang tingin sa amin.

"May private jet si Astrid bakit hindi niyo hiniram?" Sabat naman ni Anna

"She's in the Finland." Nasa tapat ko lang siya pero hindi man lang niya magawang tumingin sa akin.

Nakakaramdam na ako ng inis dahil sa inaasal niya. Siya yung may kasalanan sa akin pero parang balewala lang ito sa kanya.

Napabuga nalang ako ng hangin at nagpatuloy sa pagkain. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at tinignan ko si Blue na siyang may hawak ng kamay ko. Nginitian niya ako kaya ngumiti nalang din ako sa kanya, alam kong pinapagaan niya ang loob ko.

Napakaswerte ko rin pala dahil simula ng umalis si East hindi na ako iniwan ni Blue at siya ang nag alaga sa akin.

Catch me, I'm the spy! Where stories live. Discover now