SPECIAL CHAPTER II

157 5 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

EAST'S POV

We're here in Singh Residence dahil free time ng lahat kaya nandito kami ngayon, napagpasiyahan lang na magsama sama at magbonding naming lahat dahil matagal na namin itong hindi nagagawa.

Agad naman nagsilabasan ang mga anak ko sa kotse pagkaparada ni Hazel ng sasakyan sa tapat nitong mansion.

Magkahawak kamay naman kaming bumaba ni baby Etta na dalawang taon palang at nakahawak si Hazel sa bewang ko.

Masasabi ko na ang laki talaga ng pinagbago ni Hazel ngayon. Hindi tulad noong una ko siyang nakilala.

"Here comes the Paxton Family." Sabi ni Blue ng makita kami habang hawak niya ang anak niyang si Brynn Orange.

Ewan kay Blue anong naisip niyang ipangalan sa bunso niyang anak. Orange daw kasi kapag pinagsama yung Red at Yellow magiging orange ang color. At dahil namatay ang kapatid niyang si Red at Yellow iyon ang naisip niyang ipangalan sa anak niya.

"Devorah!" Sigaw ng anak kong si Hailey Elise habang tumatakbo papunta sa gawi ng anak ni Blue na si Devorah Brisa.

"Piper the butiki, comeback here!" Ito nanaman ang anak ni ate Saphia na si Heiko na mang aasar sa kapatid niya.

Wala atang alam gawin ito kung hindi mang asar, eh.

Masayang makita na halos lahat ay nandito at kumpleto kami pero may mga iilang tao na hindi nagpakita sa amin. Tulad ni Anna na patuloy pang nagpapagaling dahil na coma siya noon sa pakikipag death race niya.

Halos 15 years na ang nakalipas simula ng maging malaya kami at iyon ay dahil kay Astrid. Wala siyang ginawa simula noong maghiwalay sila ni Yuzuki noon kung hindi mag aral, magtrabaho, at hanapin ang mga organization na gustong pumatay sa kanila-sa amin.

May mga unexpected na mga nangyari tulad nalang din ng nalaman ko na yung ex pala ni Roxanne ay si Heaven. Hindi ko inaasahan iyon pero ang nakatuluyan ni Heaven ay si Megan.

Si Jane naman na matagal ng may gusto kay Blue ayon may asawa at anak narin siya. Pasensya siya dahil hindi siya natipuhan ni Blue pero kung natipuhan siya ni Blue malamang isa siya sa mga hinaharot noon ni Blue.

"You're here." Napatingin ako sa likod ko ng may magsalita at nanlaki ang mata ko ng makita si Astrid.

"Astrid!" Agad ko itong niyakap kaya natawa siya. "I miss you!" Dagdag ko na mas lalong ikinatawa niya.

Ang tagal ko na siyang hindi nakakasama dahil naging busy narin kami sa sari-sariling pamilya namin. Last ko siyang nakita noong kinasal sila ng asawa niya pero pagkatapos noon wala na dahil naging busy narin ako kina Hazel at sa mga anak namin.

"Oh, namiss din kita." Sabi niya kaya napangiti ako bago humiwalay sa pagkakayakap.

"Long time no see. Kamusta ka?" Tanong ko ng umupo siya sa tabi ko.

"Ito maganda parin." Tumatawang sagot niya

"Ang hangin naman!" Sabat ni Blue na papunta sa gawi namin.

"Kapal mong Asul ka!" Sagot naman sa kanya ni Astrid

"Nasan pala ang mga anak mo?" Tanong ko.

"Kasama ng asawa ko at sila mommies." Turo niya kung nasaan si Yuzuki na kausap si Doña Zekiah at ang parents niya habang hawak nila ang isang taon na quadraplets na anak nila ni Astrid. Si Yhaven naman kasama niya ang triplets niyang kapatid at naglalaro.

Ngayon ko masasabi na hindi lang pala kami pamilyang bading, kung hindi pamilyang marurupok din.

Kung madami ang nawala at namatay sa pamilyang ito, ngayon ay mas dumami naman ang nadagdag.

Masaya kaming nagkwentuhan at tawanan habang ang mga bata naman ay may sariling mundo rin.

"Mommy!" Rinig kong sigaw ng anak ko habang tumatakbo papunta sa gawi namin ng asawa ko.

"Mommy, karga!" Ang hilig talagang magpakarga nitong ni Hailey Elise.

Hindi naman akon nagdalawang isip na buhatin siya. Apat na taon palang ang anak kong kambal at mag lilimang taon palang sila next month.

"Dapat hindi kana nagpapakarga, Hail, we're big na kaya." Sabat naman ng kambal niyang si Haisley.

"Mommy East loves me and you're not." Sagot ni Hailey sa kanya.

"Enough, we love you both." Malambing na sabi ni Hazel sa kanila.

Hawak na kasi ngayon ni mommy Ayah si Etta West. Pinangalan ko sa kanya ang pangalan ng namatay kong kakambal na si West.

Simula ng ikasal din kaming dalawa ni Hazel mas lalo ko pa siyang nakilala. Wala na akong hahanapin pang iba dahil nasa kanya na ang lahat ng magandang katangian bilang asawa. Hindi rin siya nagsasawang iparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako.

Kumpleto na ang buhay ko kasama ang pamilya namin. May lungkot o problema man na dumating pero agad namin itong inaayos.

"I love you so much, East Carter-Paxton." Buong pusong sabi ni Hazel at hinalikan ako sa noo pati narin ang mga anak namin na sina Haisley Elsie at Hailey Elise na kambal, and ang bunso na si Etta West.

"I love you so much, Hazel Paxton. I'm yours and you're only mine."

Catch me, I'm the spy! Where stories live. Discover now