Sorry for grammatical and typographical errors!!!
-----
HAZEL'S POV
Nagpupulot ako ng kahoy para sa gagamitin sa bonfire. Napag isipan kasi nilang mag bonfire, eh.
"Ahm...do you need help?" Mabilis akong napalingon sa taong nagsalita sa likuran ko.
Isang magandang babae ang nasa harapan ko ngayon. Para ba siyang hulog ng langit dahil bawal siya doon.
Nakasuot lang siya ng red two piece at basang basa siya na parang kakaahon niya lang sa dagat. Kitang kita ang hubog ng katawan niya dahil sa suot niya at maputi rin siya.
"Hey lady, eyes up here." Sabi niya kaya agad akong napatingin sa mukha niya.
Gosh, I'm checking her out?!
"You know, I think it's better to help you." Lumapit siya sa gawi ko at nagpulot narin ng kahoy pero sinundan ko lang siya ng tingin.
"Are you going to help me? Or just stare at me like you are going to eat me?" May pang aasar na tono sa boses niya kaya napasinghap ako.
Tangina.
Tinulungan ko nalang din siya na kumuha ng kahoy dahil dalawang beses na niya akong nahuling nakatingin sa kanya.
What's happening to me? Bakit nagkakaganito ako sa harap ng babaeng ito? Maganda siya at sexy ang katawan niya pero bakit sa kanya lang ako nagkakaganito?
"Thank you for helping me." Sabi ko at nginitian siya habang naglalakad kami kung nasaan sila Blue.
"It's dangerous for a gorgeous woman like you to be alone in the dark." Nakangiting sabi niya
Natawa naman ako sa sinabi niya. Alam ko naman na maganda ako 'no.
"Hazel!" Rinig kong tawag sa akin ni Blue na naglalakad palapit sa amin.
"So, Hazel pala ang pangalan mo." Sabi ng katabi ko
"Ah, yes. I'm Hazel Paxton." Nilahad ko pa ang kamay ko. Tinignan niya at ngumiti bago inabot.
"Lysette Cernado, but you can call me baby if you want." May landi sa tonong sabi niya at kumindat pa sa akin.
May tinatagong landi rin pala itong babaeng ito. Kanina nung unang kita namin mukha siyang inosente, eh.
"Hazel, kanina kapa namin hinahanap. Ang tagal mo naman kumuha ng kahoy." Sabi ni Blue kaya pinakita ko sa kanya ang mga kahoy na hawak ko.
"Doon ako kumuha ng kahoy dahil malapit sa kagubatan." Turo ko kung saan kami galing ni Lysette.
Nakita kong natigilan si Blue at nakatulalang nakatingin kay Lysette. Nakita ko tuloy ang sarili ko kay Blue kung paano matulala dito kay Lysette.
"Blue, she's Lysette. Lysette, she is Blue, my friend." Sabi ko kaya nagkamayan ang dalawa at tinulungan narin kami ni Lysette na buhatin ang mga kahoy papunta sa pwesto namin.
Pagdating namin nakita ko si South at Angel na may hawak na gitara habang tumutugtog. Si East naman ay nag iisang nakaupo sa isang fordable chair, mukhang wala pa yung girlfriend niya.
"Buti nakabalik pa-sandali ka lang nawala may babae ka ng dala? Ang tinik mo rin, ah." Pang aasar ni Solange sa akin.
I rolled my eyes on her. "Bitch, this is Lysette. Tinulungan niya lang akong maghanap ng kahoy."
"Hi, beautiful lady." Ngiting asong sabi ni Zoelle dito kaya binatukan siya ni Heaven
"Mukha kang tanga, gago!" Sabi ni Heaven at kinuha ang kahoy na hawak ni Lysette.
Sinindi na nila yung bonfire at sakto naman ang pagdating ng girlfriend ni East. Ang ilan sa amin ay nagk'kwentuhan at ang ilan ay kumakain at umiinom ng alak.
Katabi ko si Lysette dahil hindi siya hinayaang umalis ni Blue kanina.
"Haz, I have to go." Paalam sa akin ni Lysette. Base sa itsura niya mukhang tipsy na siya at inaantok.
"Bitches, alis na raw si Lysette. Hatid ko lang siya." Inalalayan ko siyang tumayo baka kasi matumba pa siya.
"Go, Hazel. Gumamit ka ng protection, ah." Sabi ni Solange kaya binato ko sa kanya yung hawak kong can beer.
Nagtawanan naman silang lahat maliban kay East na mukhang wala sa mood. Ang laki rin ng pinagbago niya.
"You don't need to go with me, I can handle myself," Lysette said while smiling.
"Are you sure? It's dangerous for a gorgeous woman like you to be alone in the dark." Pang gagaya ko sa sinabi niya kanina kaya nagtawanan kami.
"Sige na mag iingat ka nalang." Sabi ko kaya tumango siya pero lumapit siya sa akin at bumulong.
"You will be mine, babe." After she said that, she kissed me.
Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa labi at mabilis na umalis. Natulala ako dahil sa ginawa niya at napahawak sa labi ko.
"Iba talaga ang charm ng isang Hazel Paxton, oh. Isang magandang diwata pa ang humalik." Pang aasar ni Heaven.
"Sayo kasi mukhang engkanto ang humahalik, eh." Tumatawang sabat naman ni Blue.
"Kapal mo!" Pinaghahampas ni Heaven si Blue na todo tawa.
"Kaya ka iniwan ni Megan, eh!" Dagdag pa ni Blue tsaka tumakbo palayo kay Heaven.
"Hoy! For your information ako ang nang iwan sa kanya!" Depensa ni Heaven kaya napailing iling nalang ako bago ulit umupo at ininom ang alak.
Ilang oras pa kaming umiinom at ang iba naming kasama ay natutulog na dahil sa kalasingan. Nakita kong inalalayan ni East ang girlfriend niya papasok sa suite nila. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng makita kung paano niya ito hawakan sa bewang habang nakaakbay ang girlfriend niya sa kanya.
Tsk! Mahina ang girlfriend niya dahil siya pa ang inaalagan. Kung ako gf niyan, ako pa mag aalaga sa kanya.
Napapikit narin ako dahil sa kalasingan pero ramdam ko parin ang paligid ko.
"Hazel, let's go." Rinig kong sabi ng kung sino kaya napamulat ako ng mata at tinignan siya pero bago niya pa ako mahawakan may nagsalita.
"Don't touch her. Magpahinga kana, ako na bahala sa kanya."
YOU ARE READING
Catch me, I'm the spy!
Любовные романыEast Carter is good at spying, she's one of the members of The Fallen Devil and she's known as Hand ranked number 2 in the underworld. Doña Zekiah Singh gave her a mission to kidnap the next leader of The Panther Organization because they are sell...