“NO’NG NAKARAAN ko pa napapansin na para kang wala sa mood.Anong problema mo?”agad akong napalingon kay Liyah nang magsalita s’ya.Nasa coffee shop kami at naka-tambay.
Agad akong umiling “wala”sagot ko.
“Hmm,imposibleng wala…kanina ka pa kaya tulala while I’m talking to you,iniisip mo pa din ba ‘yong nangyari kay Cams at Asher?”tanong n’ya kaya napabuntong-hininga ako.
Ilang linggo na din ang nakakaraan mula nang mangyari ang hiwalayan nila,at ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang masagot ko ang tawag na iyon.
After the woman talk on the other line I immediately hang it up,hindi ko kayang marinig pa ang ibang sasabihin n’ya,at muli.Hindi ko kinompronta si Kye tungkol doon dahil ayaw kong malaman,marinig o makita ni Khiana na nag-aaway ang magulang n’ya.
“Ayos lang ako,Liyah…na-stress lang ako nang konti doon kila kuya”sagot ko.Ayaw kong malaman n’ya ang totoong dahilan kung bakit nagkaka-gan’to ako dahil baka ma-stress din s’ya.
“Wala tayong magagawa,the destiny just did its job”she said.
“Paano kaya kung sa inyo mangyari iyon ni kuya Cooper?kaya mo kaya?”tanong ko.
She smile at me “hmm,hindi ko makita ang sarili kong nakikipag-hiwalay kay Cooper nang gano’n ang dahilan,we are both reach our dreams…wala na kaming dahilan para maghiwalay,pero kung tadhana ang may gusto na maghiwalay kami,wala akong magagawa”sagot n’ya.
“Even it will hurt you big time?”muling tanong ko.
“Cie,ang sabi nila hindi mo matatawag na love ang isang relationship kung walang pain doon.Normal sa isang commitment ang magkasakitan, emotionally…pero ang tanging solusyon lang doon,kailangan matatag kayo pareho dahil kung hindi…”ikibit-balikat na lamang n’ya ang huli n’yang sasabihin.
“What if,meron s’yang first love tapos hindi pa s’ya nakaka-move on doon?”tanong ko.
Tinitigan naman n’ya ako “Cooper didn’t tell me that he has a first love or great love or whatever…pero kung gano’n then,he should move on first from that first love of him bago s’ya magmahal ulit dahil wala naman sigurong babae ang nanaisin na maging rebound lang”sagot nito.
‘Rebound?’I repeat to my mind and smile sadly.
“Teka nga,bakit gan’yan ‘yong mga tanong mo?hinahanda mo ba ‘yong sarili mo incase na maghiwalay kayo ni Kye dahil d’yan?”kunot-noong tanong n’ya nang marealize ang mga tanong ko sa kan’ya.
“Of course not,walang makakapag-hiwalay sa amin…tsaka napapanood at nababasa ko lang naman ‘yon”sambit ko kaya nagkibit-balikat lang s’ya at iniba na ang topic.
PAGKA-UWI ko sa bahay ay si Khiana at ang mga kasambahay lang ang naabutan ko,wala si Kye.Paniguradong mamaya pa iyon dahil nabanggit n’ya sa akin na may meeting s’ya at may kailangan pa s’yang pirmahan na mga papeles.
Daddy❤️ calling…
Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si Kye iyon “hey…”paunang bati ko “ba’t ka napatawag?”I asked.
“Hmm,I just want to inform you na baka hindi na ako makasabay sa inyo ni Khiana makapag-dinner...ang daming nakatambak na papeles dito,’my”he said kaya napatango ako kahit hindi n’ya ako nakikita.
“Oh okay…”I said “just go home already kapag natapos mo na ‘yan ha?at hangga’t maaari ‘wag kang magpapagutom”paalala ko sa kan’ya,minsan kasi kapag natatambakan s’ya nang trabaho nakakalimutan na n’yang kumain kahit gutom na gutom na s’ya,ugali na talaga ni Kye iyon.
“Yes,mommy…”he said “and please,’wag mo na akong hintayin maka-uwi,matulog ka na agad.I know how tired you are”he added making me chuckle,alam n’ya talaga na kapag late na s’yang nakaka-uwi lagi ko s’yang hinihintay.
Hindi kasi ako makatulog nang mahimbing kapag hindi pa s’ya nakaka-uwi kaya minsan kahit pagod ako ay talagang hinihintay ko s’ya.
“Okay,ingat ka ‘dy.I love you”I said.
“I love you too ‘my,just tell to our daughter that I said good night and I love you”he said.
“Okay,bye”I said before hanging up the call.
Matapos naming mag-usap ay sabay na kaming kumain ni Khiana at pinunasan ko lang s’ya bago ko s’ya patulugin sa sarili n’yang k’warto.
Nang makatulog s’ya ay agad na akong nagtungo sa k’warto namin ni Kye para makatulog na din,pero ano talagang gawin ko ay hindi ako makatulog.
Kaya ang ginawa ko nalang ay nagtungo ako sa closet namin para mag-ayos nang gamit,wala kasi sa isip ko na kailangan kong mag-ayos nang mga damit namin dahil ang sabi ni Kye ay nag-leave s’ya sa trabaho nang isang linggo para makapag-bakasyon kaming tatlo.
Nilatag ko sa kama lahat nang damit na dadalhin namin,at nang matapos ay ‘yong maleta naman ang kinuha ko,sa isang araw pa naman ang alis namin pero ayaw ko na kasing mag-ayos kung kailan malapit na ang araw nang alis namin dahil baka may makalimutan pa ako kaya mabuting ngayon na habang nasa katinuan pa ang pag-iisip ko.
Nang makuha ko na ang maleta ay agad na akong nagtungo sa kama,una kong inayos ay ‘yong kay Kye.Mas konti kasi ang damit n’ya kaysa sa akin na paniguradong magrereklamo s’ya dahil daig ko pa ang dinala ang buong walk-in closet sa maleta ko.
Kinapa ko muna ang mga bulsa nang maleta dahil baka may nakasuksok doon na kung ano-ano.Pero agad akong napakunot ang noo nang may makapa ako sa isang bulsa.
Agad ko iyong kinuha at tinignan,mas lumalim ang gatla sa noo ko nang makitang litrato iyon,parehas na nakatalikod ang dalawa sa camera,’yong lalaki ay nakaakbay sa babae habang ang huli ay nakayakap sa bewang nang lalaki.
At base sa likod nang lalaki alam kong si Kye iyon,masyado ko nang kilala ang katawan ni Kye na kahit nakatalikod s’ya ay alam kong s’ya iyon.
Bigla akong kinabahan at hindi ko maiwasan ang hindi masaktan sa nakita ko.Tinalikod ko ang litrato at may nakita akong sulat doon,and it was Kye’s penmanship.
Dear Love,
Thank you for coming to my life,you really bring joy to my life.You are like a moon in my dark skies that lighten up my dark sky,I’m always thankful to God for bring you to me.I promise to always fulfill my dreams for you,that’s how much I love you,Erra.
Your love,Kye
Agad na tumulo ang mga luha ko nang mabasa ang sulat,’bat gano’n ang sakit?ang sakit malaman na bago pa man ako dumating sa buhay ni Kye meron nang ibang babae sa buhay n’ya na minahal n’ya.
Oo,kinuwento ni Kye sa akin si Erra,pero bakit hanggang ngayon nasa kan’ya pa rin ‘yong larawan?gano’n ba n’ya kamahal ‘yong babae na iyon?na para hanggang ngayon na nasa tabi n’ya ako ay hindi n’ya pa rin makalimutan ang first love n’ya.
“Mommy…”agad kong pinahiran ang luha ko nang marinig ang boses nang lalaking mahal ko “I told you to sleep,why are you still…”nabitin ang sasabihin n’ya sa ere nang makita ang itsura ko nang tumayo.
Agad n’ya akong nilapitan at hinawakan ang magkabilang pisngi ko “hey,why are you crying?”nag-aalalang tanong n’ya.
“Do you love me,for real?”I asked.Gustong-gusto kong umiyak pero ayaw kong ipakita sa kan’ya na nasasaktan ako.
“Of course,Cie…what the fucking kind of question is that?”kunot-noong tanong n’ya.
“Then,what’s this?!”singhal ko at hinampas sa dibdib n’ya ang larawan bago ako humakbang palayo sa kan’ya.
Kita ko ang pagkunot nang noo n’ya nang tignan ang litrato,pero nang mabasa ang larawan at malinawan nakita ko ang pagkagitla n’ya.
“Cierra…”he took a step forward to me but I just shook my head.Bigla din ang pagtulo nang mga luha ko.
“’yong sinabi mo sa akin na wala ka nang nararamdaman sa kan’ya,totoo ba ‘yon?”matapang na tanong ko.
“Oo—”
“Then,ano ‘yan?!”sigaw ko.Panatag akong hindi magigising si Khiana kahit magsigawan pa kami nang ama n’ya dahil soundproof ang k’warto na ito.
“Cierra,please—”
“Alam mo ba ‘yong sakit na binigay sa akin nang litrato na iyan?Kye naman…”naluluha kong sambit “’nong s-sinabi mo sa akin ang t-tungkol sa inyo napanatag akong w-wala na…pero,fuck!”singhal ko “ano y-‘yan?akala ko b-ba wala na”agad akong napaupo sa kama sa panghihina.
Agad na lumuhod sa harap ko si Kye at hinawakan ang mga kamay ko “Cierra, believe me please.This is nothing to me now,ikaw na ang buhay ko,kayo ni Khiana”mahinahong sabi n’ya pero umiling ako habang patuloy pa rin ang pagluha ko.
“Do you really love me?”matapang na tanong ko.
“Of course—”
“But you still have that!”sigaw ko at mas lalong napaiyak.Ganito pala talaga kasakit kapag nalaman mong hindi pa nakaka-move on ang boyfriend mo sa dati n’yang kasintahan.
Alam ko at tanggap ko naman na hindi ako ang unang minahal ni Kye,pero bakit kailangan n’ya pa rin itago ang bagay na iyon kung wala na?
“Akala mo hindi ko alam…”I trailed and I saw how he became uneasy “may babaeng nagte-text at tumatawag sa’yo,tell me the truth.S-si Erra ba ‘yon?”tanong ko.
“Cierra—”
“Just fucking answer me!”muling sigaw ko.Hindi na makapag-hintay sa sasabihin n’ya.
“Oo”mahinang sagot n’ya na kung hindi lang ako nakikinig sa kan’ya nang mabuti ay paniguradong hindi ko pa iyon maririnig.
Muli na naman akong napaluha at napahagulgol na nang tuluyan.So they still have a connection?bakit pa?bakit kailangan n’ya tumawag at mag-text?and much worst,why do she have my boyfriend’s number?
“W-why?”nauutal na tanong ko.Kung masakit malaman na may connection sila, paniguradong mas masakit kapag sinagot na n’ya ang tanong ko “mahal n’yo pa ang ang isa’t-isa para gawin ‘yon?ano hindi pa kayo nakakapag-move on?”sunod-sunod na tanong ko at napahilamos na sa mukha dahil sa frustration.
“No Cierra,please…believe me,para na lamang sa bata kaya kami may connection”nagpapa-intinding sambit n’ya.
“Exactly,bakit kailangan ka n’yang kontakin pa kung para lang naman pala sa bata ang ugnayan n’yo?kinuha mo na ‘yong custody ni Khiana,Kye.Wala na s’yang karapatan pa kay Khiana,even tbe child didn’t recognize her as her mother”mahabang lintaya ko “kaya ‘wag kang magsinungaling na para sa bata kaya kayo may ugnayan hanggang ngayon dahil ayaw na ni Khiana kay Erra!”singhal ko.
Yes,Khiana wasn’t my daughter.She is the daughter of Kye and his ex-lover,Erra.
“Mommy—“he tried to hold me but I push him and stand up.
“Ayaw kitang kausapin ngayon dahil magulo pa ang utak ko.Uuwi muna ako sa amin”matatag na sambit ko,alam kong kapag nanatili ako dito sa bahay ay mag-aaway lang kami kaya ayaw kong magpang-abot kami ni Kye.
It’s better for me to leave to calm my range,ayaw kong mag-away kami dito,ayaw kong maapektuhan si Khiana kapag nalaman n’yang nag-aaway kami nang papa n’ya.It will give Khiana a trauma.
“Cierra,please…”
“Kye,please…just this once,pagbigyan mo naman ako.N-nakakapagod kang intindihin ngayon,hindi ko alam k-kung nagsasabi ka nang t-totoo o pinagtatakpan m-mo lang si Erra,kaya please,just l-let me go for a while”nauutal na sambit ko at umalis na.
Kinuha ko lamang ang phone at wallet ko bago ako lumabas nang k’warto,hindi ko na muling nilingon si Kye dahil ayaw ko s’yang makita.
Sumakay ako sa kotse ko,at imbes na paandarin iyon ay doon ako mas napahagulgol.I didn’t expect him to follow me here dahil alam n’yang kapag ganito ako ay gusto ko talagang makapag-isa.
It's hurt me big time when I found out about his first love,and worst they have a child which is Khiana,noong una nangangamba ako na baka magkabalikan sila dahil sa bata.
But when I learn that Khiana hate her own mother and Kye already get the custody napanatag ako dahil alam kong wala nang hawak si Erra na kahit ano sa kanilang dalawa.
Pero nang makita ko ang larawan,ang sakit sa puso dahil parang sinabi din sa akin ni Kye na mahal n’ya pa din hanggang ngayon si Erra dahil nagawa n’ya pa ring itago ang larawan na iyon after what Erra did to him.
‘Bakit kailangan kong masaktan?nagmamahal lang naman ako ah’★★★★★
A/N:YEHEY,HAPPY NEW YEAR, FAIRIES!
I THINK THIS IS MY SECOND TIME CELEBRATING NEW YEAR WITH ALL OF YOU MY FAIRIES,KUNG TAMA ANG KALKOLASYON KO😅
SO AYON NGA,THIS UPDATE WAS RUSH.KASI GUSTO KO TALAGANG MAG-UPDATE NANG NEW YEAR AT BUTI NALANG NAKAHABOL AKO,KAYA KUNG LAME ANG UPDATE KO,AY SORRY😹
ANYWAY,I HOPE YOU ALL ENJOY YOUR NEW YEAR AND CHRISTMAS FAIRIES KO!
HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU,MGA FAIRIES KO!🥳
YOU ARE READING
Billionaire 7:Kye VillaLobos
RomanceWARNING:MATURE CONTENT | R-18 Love will always full of affection and sweetness.But their love story was different,their love story is full of lust and lies. Kye VillaLobos,a man who is true to his words.A man who is always keep his promises and make...