ITS BEEN weeks simula nang mangyari ang lahat nang iyon sa pagitan namin,and guess what?
Erra is still in the house.Hindi nagkatotoo ang sinasabi ni Kye na lilipat si Erra dahil alam kong napalapit na ang loob ni Khiana sa nanay n’ya,at ‘yong banta ko?
S'yempre hindi din nagkatotoo dahil hindi ko kayang iwan sila Kye,marupok na kung marupok.But I love Khiana and her father,hindi ko sila kayang ipaubaya kay Erra,hindi ako papayag na si Erra ang sisira ng matagal ko nang pamilyang binuo.
“Ang bobo mo talaga, Cierra!”napipikang sambit ni Liyah sa akin.Nandito ako sa condo n’ya dahil si Khiana naman ay nasa school n’ya,si Kye nasa kumpanya na ulit.Si Erra,nasa bahay,bahala s’ya doon.
“You can’t blame me.Napamahal na sa akin ‘yong dalawa,hindi ko sila kayang iwan”sambit ko kaya napairap nalang s’ya sa akin “if you are in my shoes also, maiintindihan mo ako”dagdag ko pa kaya napailing s’ya.
“Sorry,but I’m not in your shoes.Hindi ko mararanasan ‘yan dahil mas malala ang akin”sambit nito.
“Hay nako,akala ko pa naman matino si Cooper,mas malala pa pala s’ya kay Kye”sambit ko.
“Yeah,and like you.Marupok din ako,hindi ko kayang iwan si Cooper,mahal ko kaya ‘yong gago na iyon kahit gano’n s’ya”sambit nito at mapait na napangiti.
Liyah and I are on the same path,ang pinagkaiba lang namin mas malala ‘yong ginawa ni Cooper kay Liyah kaysa kay Kye.
We talk something pa bago ko napagdesisyunang umalis na dahil anong oras na din,si Khiana naman ay kanina pa ata nakauwi.Walang bodyguard or driver na magu-update sa akin kung nakauwi na ang anak ko dahil si Erra ang magsusundo sa kan’ya ngayon.
Dumaan muna ako sa coffee shop para makita ang lagay nito.My coffee shop was doing good.May ilang brances na din ako sa ibang lugar dahil nage-expand na ito.And I’m planning to have one in the other country.
Hindi naman mahirap makilala ang business ko dahil kilala na ako nang mga tao.Because aside from my name,not to mention my beauty,I belong to one of the most well-known family of engineers.
Kilala ang pamilya namin dahil sa galing nilang humawak nang negosyo,aside from that,kalat din sa ibang panig nang Pilipinas ang negosyo namin,maging sa ibang bansa.
My mom and dad are a well-known architects and engineer,my kuya Asher and kuya Ashton are also the best engineer in the world.
Aside from that ,I also have a relationship to Kye VillaLobos,the well-known CEO at nagmamay-ari nang napaka-raming bar dito sa Pinas maging sa ibang bansa.
The power I’m holding is top-tier.
But I don’t use it as advantage para makaangat,I’m still living as a normal human.Not a heir of my family and not a queen of my boyfriend.
Habang chinecheck ko ang mga gamit at stocks sa coffee shop ay narinig ko nang ri-ring ang cellphone ko kaya dinampot ko iyon agad and looked at the caller.
Unknown number calling…
Kunot-noong sinagot ko iyon kahit hindi ko alam kung sino ‘yong tumatawag sa akin.
“Hello?”tugon ko.
“Hi,can I speak to Ms.Antonio?”tugon nang kabilang linya.
“Yes,speaking.Who’s this?”kunot-noong tanong ko.Pero parang nabobosesan ko ‘yong boses pero hindi ko lang maalala kung saan ko s’ya nakausap.
“Hi,Ms.Antonio.I’m Claire,Khiana’s teacher…”she trailed kaya napatango ako.
“Ah yes,Ms.Claire,what do you need?”I asked.Napatingin naman ako sa orasan,pasado alas-dos na nang hapon at kanina pa nakauwi si Khiana kaya nagtataka ako kung bakit s’ya tumatawag sa akin.
“Eh kasi,Ms.Antonio,kanina pa si Khiana nandito sa school wala pa ring nagsusundo sa kan’ya,sinabi ko namang ihahatid ko s’ya pero ayaw n’ya dahil baka daw dumating ang mama n’ya.”rinig ko ang pagbuntong-hininga n’ya at nangunot ang noo ko sa sinabi n’ya.
The hell?ang usapan namin ay si Erra ang susundo kaya nga kahit papaano ay napanatag ako.Tapos tatawag sa akin ‘yong teacher at sasabihing hindi pa kakauwi si Khiana!it’s been two hours!
“It’s been two and a half hours,Ms.Antonio. Hindi pa s’ya nagta-tanghalian,I even asked her kung gusto n’yang kumain pero ayaw n’ya,baka nahihiya.Susunduin n’yo po ba s’ya?tinatawagan ko kasi ang papa n’ya pero cannot be reach”muling sambit n’ya.
Pilit ko namang tinatanggal ang inis at galit sa sistema ko bago ako tumagon “sige,Ms.Claire susunduin ko si Khiana,thank you”sagot ko at binaba na ang tawag.
Dali-dali naman akong kumilos at nag-drive patungo sa school ni Khina.It’s been two hours,ang tagal nang hinintay nang bata para sunduin s’ya tapos ‘yong magaling n’yang nanay na gusto daw bumawi sa bata,ni simpleng sundo hindi magawa.
Nang makarating ako sa school ay agad kong natanaw si Khiana sa playground nang school,naka-upo sa duyan katabi ang teacher n’ya.
“Khiana”pagtawag ko.Agad naman s’yang nag-angat ng tingin at tumakbo sa dereks’yon ko.
“Mama!”pagtawag n’ya sa akin at agad nagpabuhat,binuhat ko naman s’ya at naglakad patungo sa teacher n’ya.”Mama ‘kala ko po hindi n’yo na ako s-susunduin”agad na gumaralgal ang boses n’ya sa dulo at rinig ko na ang paghikbi n’ya.
Naawa naman ako kay Khiana kaya agad kong hinaplos ang likod n’ya at pinatahan s’ya “shh,don’t cry baby.Mama is here na”malumanay na sambit ko.
Binalingan ko naman ang teacher n’ya “pasens’ya na talaga,Ms.Claire may magsusundo kasi talaga kay Khiana but looks like that one is so incompetent at hindi magawang sunduin ang bata”hingi ko ng paumanhin sa teacher.
“It’s okay,Ms.Antonio wala din naman akong ginagawa”ngiti n’ya “mabuti pa at iuwi mo na si Khiana, panigurado akong gutom na ang isang ‘yan at inaantok na din”dagdag nito at inabot sa akin ang bag ni Khiana.
Nagpaalam na ako at agad nang sinakay si Khiana sa backseat.I drove the car to the house while controling myself.Hindi ko maiwasan ang hindi magalit kay Erra,how irresponsible she is para hindi sunduin ang bata.
Tapos plano n’ya pang bumawa sa anak n’ya,samantalang simpleng sundo lang kay Khiana ay hindi n’ya pa magawa.
“Mama,bakit po hindi ako sinundo ni mama Erra?”rinig kong mahinang tanong ni Khiana sa akin.
“I don’t know,baby.But I will talk to your mom later”sambit ko.
Nanahimik na s’ya sa backseat kaya nang tignan ko ay nakita kong tulog na s’ya.Nasisiguro kong napagod s’ya dahil sa ginawa nila sa school,idagdag pa na ang tagal s’yang sunduin nang nanay n’ya.
Nang makarating kami sa bahay ay nagpatulong na ako sa bodyguard ni Khiana na buhatin ang gamit n’ya.Nakita ko pa ang gulat sa kan’ya nang makitang buhat ko ang bata.
Mukhang maging sila ay walang alam sa pagiging iresponsable ni Erra “pakiakyat nalang ‘yong gamit ni Khiana sa k’warto n’ya”utos ko na agad naman n’yang tinalima.
Pagpasok ko ay gano’n na lamang ang gulat ko nang makita si Erra na naka-upo sa sofa at nanonood nang TV “manang”pagtawag ko sa mayordoma nang bahay.
Nandito ngayon ang ibang katulong dahil pinapunta sila dito ni Kye “bakit,hija?”agad na sambit nito nang makarating sa direks’yon ko.Nakita ko ding tumingin sa akin si Erra at agad na napatayo na para bang may ginawang hindi maganda.
“Pakiakyat po si Khiana sa k’warto n’ya.Kakausapin ko lang ‘tong iresponsableng nanay n’ya”sambit ko at maingat na binigay sa kan’ya si Khiana.
Agad namang umakyat ang mayordoma kasama si Khiana,nang hindi ko na sila makita ay agad kong binalingan si Erra gamit ang matatalim kong mga mata.
“Alam mo bang halos dalawang oras naghihintay sa’yo ‘yong bata para sunduin mo s’ya,tapos ni anino mo wala!”sigaw ko dito.Hindi ko na kayang kontrolin ang galit ko kung si Khiana na ang involved.
Oo nga at hindi ko tunay na anak si Khiana,pero anak na ang turing ko sa batang iyon kaya nga kahit nandito na ang totoong nanay n’ya ay hindi ko s’ya kayang ipaubaya,kahit si Kye.
Pero sa ginawa ni Erra,mas lalong hindi ko sila kayang ipaubaya,dahil kung sa simpleng gawain lang ay hindi na n’ya kaya baka malaman ko nalang na hindi na kumakain nang tama si Khiana at Kye,baka si Erra pa ang maging dahilan kung bakit mawawala nang maaga ang mag-ama sa mundo.
“Alam mo ba kung gaano nasaktan ‘yong bata dahil umaasa s’yang susunduin mo s’ya?!”singhal ko.Hindi ko talaga kayang hindi ilabas ‘yong sama nang ugali ko kung si Erra ang kaharap ko “pinatira kita dito dahil ang sabi ni Kye gusto mong bumawi sa bata,eh halos isang linggo ka nang nakatira dito ni simpleng pagluluto hindi mo magawa,ngayong binigyan ka ng pagkakataon,hindi mo naman ginawa!”muling singhal ko.
Kita ko naman ang pandidilim nang mukha n’ya na para bang naiinis s’ya sa akin,pero hindi ko makapa ‘yong takot sa akin.Wala s’yang karapatang magalit dahil una palang kasalanan na n’ya kung bakit ako nagkakaganito.
“Hoy,Cierra.Magdahan-dahan ka sa pananalita mo,parang kung makapag-salita ka ang laki nang kasalanan ko samantalang hindi ko lang naman nasundo ‘yong bata—”
“Exactly!”sigaw ko,pinuputol ang kung ano mang sasabihin n’ya “hindi mo nasundo ‘yong bata dahil simula palang iresponsableng ina ka na.Ano ba talagang ginagawa mo dito?kung plano mong bumawi sa bata,gawin mo nang maayos.Pero kung plano mo namang ahasin at gapangin si Kye,bukas ang pinto,Erra ako pa ang maghahatid sa’yo,umalis ka na dito!”dugtong ko pa.
“Ano naman sa’yo kung ginagapang ko si Kye?”nakangisi n’yang tanong sa akin na parang inuuyam pa ako.”Mas may karapatan ako sa’yo,Cierra.I am Khiana’s mom”dugtong pa nito.
Tinapatan ko naman ang ngisi n’ya at matalim s’yang tinignan “nauna ka lang,ina ka lang nang anak n’ya.Pero kahit kailan hindi ka nagkaroon nang puwang sa puso n’ya”matalim kong sambit dahilan para matigilan s’ya.
Nang makabawi sa pagkabigla ay tinaliman naman n’ya ako nang tingin pero hindi ako nagpatinag “how dare—”
“Yeah,how dare me.Wala kang karapatan sa kahit na sino dito,Erra.Tandaan mo nakikitira ka dito para sa bata at hindi para kay Kye”putol ko sa sasabihin n’ya.”Ayusin mo ang buhay mo,Erra.Kaya kitang paalisin dito nang hindi naghahanap si Kye ng rason”banta ko dito at nilampasan na s’ya para umakyat.
But I stopped mid-way when she talked “hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit ako nandito,Cierra.Kaya ayusin mo din ang buhay mo,at ‘wag kang masyadong pakampante na mahal ka ni Kye.Malay mo,una palang niloloko ka na n’ya”mariing sambit nito dahilan para mapatingin ako sa kan’ya.
She is smirking at me “w-what do you m-mean?”nauutal na tanong ko.Hindi ko naiintindihan ang sinasabi n’ya.
“Why don’t you find it yourself,Cierra?matalino ka ‘di ba?”ngisi nito at umalis upang magtungo nang kusina.
Nabigla man ay hindi ko na iyon inintindi,umakyat ako nang k’warto namin ni Kye at nagtungo sa closet namin,plano kong maligo baka sakalinh mahimasmasan ako.
Nakaka-drain ang nangyari ngayon,mula sa sagutan namin ni Erra kanina hanggang sa sanabi n’ya na aminin ko man pero gumugulo iyon ngayon sa utak ko.But I know that I should not trust Erra,alam kong sinisira lamang n’ya kami ni Kye.
Agad akong kumuha nang damit ko at akmang lalabas na ngunit nakuha nang atens’yon ko ang isang cabinet na bahagyang nakabukas.It’s Kye’s cabinet dahil nakalagay iyon sa parte n’ya nang walk-in closet.
Naglakad ako patungo doon upang isarado iyon dahil baka nakaligtaan kanina ni Kye isarado iyon kanina.Ngunit ang plano kong pagsasara doon ay hindi natuloy dahil sa nakita ko.
Marahan kong binuksan iyon at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan,nanlamig ako sa nakita ko sa loob nang drawer.
It was my photo when I was on my early 20’s.Pero hindi iyon ang gumulat sa akin.I was lying on the floor and a random guy is on my side,looking at me intently.And there’s another guy na panigurado akong s’ya ang kumuha nang litrato.
Agad ko iyong nabitawan at napapikit nang biglang sumakit ang ulo ko,napakapit agad ako sa isang cabinet dahil parang mas tumitindi ang sakit nang ulo ko nang biglang may alaalang rumagasa sa isip ko.
“You are mine,Cierra Antonio.No one can steal you away from me”sambit nang lalaking hindi ko kilala.
“T-tama na”pagmamakaawa ko.Hindi ko na kaya nang katawan ko ang nangyayari sa akin.
“I love you,Cierra.Just choose me at sisiguruhin ko s’yang parehas tayong magiging masaya”sambit nito at malademonyong tumawa.
Napasigaw na ako dahil parang mas tumindi ang sakit nang ulo ko.Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling at bakit may gano’ng senaryong namumuo sa isip ko.Is it part of my life before or it’s just my mind tricking me and making some scenarios?
Pero bago pa ako makabawi ay tuluyan nang nanghina ang katawan ko at ang huli ko nalang naalala ay ang pagbagsak ko sa sahig bago ako tuluyang nawalan nang malay.★★★★★
A/N:YIEE,PAPUNTA NA TAYO SA EXCITING PART🥳KAYA LANG INIISIP KO PA KUNG PAANO KO PAGAGANDAHIN ANG FLOW NANG STORY😅
AND ANYWAY,SA TINGIN N'YO ANONG NANGYARI KAY CIERRA AT MAY NAALALA S'YANG GANO'NG BAGAY?DO YOU ALL FAIRIES THINK THAT IT'S REAL OR ITS JUST HER MIND PLAYING TRICKS ON HER?😉
AYON LANG,THANK YOU AND SEE YOU ON MY NEXT UPDATE,FAIRIES!😘
YOU ARE READING
Billionaire 7:Kye VillaLobos
RomanceWARNING:MATURE CONTENT | R-18 Love will always full of affection and sweetness.But their love story was different,their love story is full of lust and lies. Kye VillaLobos,a man who is true to his words.A man who is always keep his promises and make...