CHAPTER 4

730 14 6
                                    

“SI KYE,galing dito kagabi hinahanap ka.Ayaw mo pa rin bang harapin ‘yong tao?”agad kong binaling ang atens’yon ko kay Liyah nang magsalita s’ya.

Noong isang araw pa ang away namin ni Kye at ilang araw na ako dito sa condo ni Liyah,buti nga at pinayagan s’ya ni Cooper na dumito muna dahil wala akong kasama.

Pumunta ako dito para magpalamig nang ulo,ayaw kong kaharap si Kye dahil paniguradong mag-aaway at mag-aaway pa din kami,si Khiana naman ay lagi kong ka-video call para kahit papaano ay hindi ako mamiss no’ng bata knowing that she is a mama’s girl.

At sa lumipas din na araw ay walang palya si Kye sa pagpunta dito para suyuin ako,pero sadyang matigas talaga ang puso ko at ayaw s'yang harapin,he can’t blame me.Masyado akong nasaktan sa nakita ko na kailangan n’ya pang itago.

“Haharapin ko rin naman s’ya,but not now”sagot ko at narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Liyah.

“Sa bagay,hayaan mong maghabol si Kye sa’yo tutal s’ya naman ang may kasalanan”sambit nito.

Tinignan ko naman s’ya “hindi ko s’ya pinapahabol,Liyah.Ginusto n’ya ang ginagawa n’ya”mataray kong sambit kaya natawa s’ya.

“Eh ‘di hindi,pinaglalaban mo?”namimikon na sabi n’ya kaya inirapan ko nalang s’ya.Palibhasa ayos ang love life n’ya kaya patawa-tawa lang s’ya.

Imbes na pansinin s’ya ay binuksan ko nalang ang phone ko,agad na tumambad sa akin ang sangkatutak na message at tawag ni Kye,hindi ko kasi sinasagot s’ya.

Una kong tinignan ang message n’ya,gusto ko lang mabasa kung anong pinagsasabi n’ya,baka sakaling rumupok ako kapag nabasa ko.

From:Daddy❤️

Mommy please,come back home.

Our baby wants to see you,we already missed you.

Mommy,umuwi ka sa akin please.Hindi ko kayang matulog nang mahimbing kapag hindi kita katabi.

‘my,Khiana cried last night.Sinasabing miss ka na,uwi ka na please?

I love you,Cierra.What you see last time was nothing to me now,ikaw ang importante sa akin,mahal na mahal kita, always remember that.

That was the last message he sent me and that was minutes ago,binalewala ko nalang iyon at tinignan ang group chat namin nang mga kaibigan ko.

The Tiger’s club

Bree:@Cierra nag-away kayo ni Kye?

Michelle:Yup,si Kye kasi no’ng nakaraang araw pa nag-aaya mag-inom.Araw-gabi na sa bar kasama sila Brian

Madeline:Oo nga,anong pinag-awayan n’yo?wala tuloy kaming sexy time nang asawa ko dahil laging lasing.

Mara:So gross naman @Madeline Pati ba naman ‘yan kailangan mong i-share dito?🤮

Madeline:Ay bakit?pa-inosente ka ‘te?baka nakakalimutan mong wasak ka na bago ka pa iharap nang asawa mo sa altar,kaya ‘wag mo akong artehan🙄

Cierra:Awat na kayo.Kapag inaya ulit ni Kye na mag-inom ‘yong mga asawa n’ya sabihin n’yo tanggihan nila.Baka mabalitaan ko nalang sunog na ‘yong atay nang mga ‘yan

Kia:So ano nga?nag-away kayo?

Cierra:Yup,pero sa amin nalang muna kung anong dahilan.I don’t want to spoil all of you

Bree:We understand your silence,@Cierra.Just be brave,may Khiana ka pa☺️

Mara:Yup,Khiana was there for you,namimiss ka na nga daw nang bata

Cierra:I will make time to visit my child,don’t worry ladies☺️

Agad na akong nag-offline sa GC.Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila kaya hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit magka-away kami ni Kye.

I just want a peace of mind,isa pa ayaw ko na silang madamay sa gulo naming dalawa,tama na ‘yong alam nilang may hindi maayos sa amin ni Kye.

“Gusto mo punta tayong bar para mawala ‘yang iniisip mo?”anyaya ni Liyah.

Tumingin naman ako sa kan’ya “Liyah,don’t be a joker.Halos lahat nang bar dito sa manila ay pag-aari ni Kye,kaya paniguradong kapag nakita ako nang isang empleyado n’ya magre-report agad ‘yon sa kan’ya”sambit ko.

Yes,Kye is that rich.Halos kalahati nang bar na nandito sa Manila ay s’ya ang nagmamay-ari,hindi pa kasama doon ang pag-aari n’ya sa ibang bansa.Hindi ko talaga alam kung paano nahahandle ni Kye ang gano’n karami na negosyo.

“Haist,oo nga pala”napabuntong-hininga s’ya “eh ano naman ngayon?we will just unwind,wala naman sigurong problema kung makita ka n’ya”dugtong nito.

Sinamaan ko naman s’ya nang tingin,ewan ko ba dito sa kaibigan ko kung ano.Minsan pa-inosente na akala mo anghel,meron namang mga araw na daig n’ya pa ang sinapian nang demonyo,parang baliw ba “iniiwasan ko nga ‘yong tao,Liyah tapos magtatanong ka nang gan’yan”sambit ko.

Ngumiti naman s’ya sa akin “hehe,oo nga pala”sambit n’ya at mahinhin na tumawa.

Pero hindi ko naman maiwasan ang hindi mapaisip sa sinabi n’ya,gusto ko din lumabas dito sa condo dahil ilang araw na akong nakakulong dito at literal na hindi lumalabas dahil ayaw kong magtagpo kami ni Kye.

“Sa bagay,ano naman kung may makakilala sa akin.I just want to unwind and chill”biglang sambit ko kaya napatingin sa akin si Liyah.

“So payag ka?”tanong n’ya.

“Yup,gusto ko na din lumabas”tango ko.

“That’s good,yayayain ko ang mga girls para may kasama tayo”sambit ni Liyah at nagsimula nang magtipa sa phone n’ya.

PAGKAPASOK palang namin sa bar ay agad nang sumalubong sa amin ang usok nang mga sigarilyo at malilikot na ilaw,madami ding tao ngayon dahil weekend.

Agad kaming natungo ni Liyah sa taas kung saan ang VIP rooms dahil nandoon daw ang mga kaibigan namin,pero gano’n nalang ang gulat ko nang hindi lang mga babae ang nandoon,maging ang mga asawa nila.And even Kye was there!

‘Sabi na eh,dapat hindi ako umoo,b’wesit!’ napipikon na sambit ko sa utak ko,ayaw ko nga s’yang makita eh.But here he is,sitting at one of the couch and looking at me with so much longing in his eyes.

Agad akong umiwas nang tingin at umupo sa tabi ni Bree,malayo iyon sa p’westo ni Kye at kailangan ko pa talagang ipaling ang ulo ko kapag kailagan ko s’yang tignan.

“Akala ko ba tayo lang?”bulong ko kay Bree.

Ngumiti naman s’ya sa akin “tayo nga lang sana,eh kaya lang ayaw kaming papuntahin nang mga asawa namin dito kapag hindi sila kasama…”sagot nito “but hey,we didn’t invite Kye,we are also surprised that he was here”agad na dugtong n’ya kaya napabuntong-hininga nalang ako.

Wala na akong choice kundi ang makisama nalang,nandito na ako.Alangan namang umuwi pa ako,sayang lang ang oras.

Nagsimula na kaming uminom,but we,all girls are just drinking wine maliban sa mga buntis naming kasama na puro tubig o minsan ay juice lang ang iniinom.

“Banyo lang ako”paalam ko at agad nang tumayo,bumaba na ako dahil nasa baba pa ang restroom.

Nang makarating sa banyo ay agad ko nang ginawa ang gagawin ko dapat,pero gano’n nalang ang gulat ko nang makalabas ako nang banyo ay si Kye agad ang bumungad sa akin.

“Cie”agad n’ya akong hinawakan sa braso nang akmang lalagpasan ko s’ya.

“What?”mahina kong tanong.

Bumuntong-hininga naman s’ya at gano’n nalang ang gulat ko nang ipininid n’ya ako sa pader.He brought his one arm to my side,caging me.

Habang ang isa naman ay nasa gilid lang n’ya “Cie, please.We are already missing you,uwi ka na,please”nagmamakaawang sambit n’ya.

Gustong-gusto ko na umuwi sa kanila ni Khiana,but everytime I will remember what was the reason why I leave the house para akong sinasaksak nang paulit-ulit at ang sakit-sakit no’n.

Binaling ko sa kabila ang mukha ko dahil hindi ko s’ya kayang tignan,nasasaktan ako kapag nakikita ko s’ya.Hindi ko akalain na kaya n’yang maglihim sa akin nang gano’n.

“I can’t…”marahan akong umiling bago ko s’ya tignan at mapait na ngumiti sa kan’ya “hindi ko kaya,Kye.H-hindi ko pa kaya”mahinang dugtong ko.

Napabuntong-hininga naman s’ya at parang nanghihina na isinandal ang noo sa balikat ko,pinabayaan ko lang naman s’ya.Because I admit,I missed being close to him,kahit ganito man lang.

“Cie,mommy…umuwi ka na sa amin ni Khiana,nami-miss ka na namin,hindi ko kayang mawalay sa’yo nang matagal,mommy”he said weakly.

“Just give me time”I whispered “uuwi ako sa inyo,pero hindi ngayon,Kye.Please,just this one,hayaan mo naman ako”nagmamakaawang sambit ko.

There’s inside me that wants to go home,pero meron din sa akin na ayaw.Ewan ko ba,pero parang gusto ko pang makita kung hanggang saan ang kaya ni Kye para i-approach ako.

‘Sus,nagpapabebe ka lang naman eh’ bulong nang isang bahagi nang isip ko kaya lihim akong napairap.

Nag-angat s’ya sa akin nang tingin at mataman akong tinignan “promise,uuwi ka pa rin sa amin?”umaasang tanong n’ya.

“Yap,just give me time to…”I took a deep breath “think and heal”dugtong ko kaya nakaka-intindi s’yang tumango bago ako patakan nang halik sa noo.

“Okay,I will give you time…just please,don’t leave us”sambit n’ya kaya tumango ako.

Pero gano’n nalang gulat ko nang siilin n’ya ako nang halik,at kahit alam kong may makakakita sa amin dahil nasa may labas lang kami nang banyo ay tinugon ko pa rin ang nag-aalab na halik ni Kye.

Sa halik n’ya pa lang ramdam ko na ang pananabik n’ya,napakunyapit ako sa batok n’ya at mas lalong nag-alab ang pagpapalitan namin nang halik.

Naramdaman ko ang isang kamay n’ya na hinapit ang bewang ko papalapit sa kan’ya at mas lalong lumalim ang halikan namin.

Pero agad kaming napatigil nang may biglang tumikhim,sabay pa kaming napatingin ni Kye doon at gano’n nalang ang hiya ko nang makita si kuya Ashton iyon.

“Kaya pala ang tagal bumalik,naglalaplapan na pala”sarkastikong sambit nang kapatid ko,at kung bakit sa dami pa kasi nang makakakita sa amin kapatid ko pa talaga! “hoy VillaLobos,tigilan mo ang kalalaplap d’yan sa kapatid ko.Ayusin mo ang buhay mo”nagbabantang sambit ni kuya at basta nalang kami iniwan para siguro magtungo sa banyo.

Nahihiya akong napasubsob sa dibdib ni Kye kaya marahan s’yang natawa bago haplusin ang ulo ko “hey,stop being shy,mommy.It’s normal”natatawang sambit n’ya kaya napailing ako.

“Nakakahiya,ikaw kasi eh…nakita tuloy tayo ni kuya”paninisi ko pa at umalis sa pagkakasubsob sa dibdib n’ya para hampasin ang braso n’ya.

Muli naman s’yang natawa “my love,it’s not my fault that I’m being tempted to kiss you”marahang sambit n’ya kaya napailing nalang ako bago s’ya layasan dahil sa hiyang nararamdaman ko.

“OH”agad akong napatingin kay Liyah nang iabot n’ya sa akin ang isang bungkos nang pulang rosas “alam mo,sabihin mo na kay Kye na itigil na ang pagdadala nang bulaklak dito.Malapit ko nang isipin na balak n’yong magpatayo nang flowers shop”sambit ni Liyah at tinuro ang isang spot sa condo na literal na puno nang bulaklak.

Simula kasi nang mag-usap kami ni Kye ay lagi na s’yang nagdadala nang bulaklak dito,at napipikon na si Liyah dahil malapit nang mapuno nang bulaklak ang condo n’ya,walang palya sa pagdadala nang bulaklak si Kye sa loob nang isang linggo.

“Sorry na”ngiti ko dito.

“Hay naku,ang pabebe mo naman kasi.Naglaplapan na kayong lahat,hindi ka pa rin nauwi”sambit nito kaya natawa ako,nalaman n’ya kasi ang tungkol doon sa nakita ni kuya Ashton dahil sinabi nang girlfriend ni kuya iyon sa kanila.

“Ewan ko sa’yo”namumula ang pisngi ko s’yang inirapan at tumayo na para magtungo sa k’warto ko.

Balak ko nang ligpitin lahat nang gamit ko dahil uuwi na ako kila Kye,I already missed him and Khiana.Tama na siguro ang pagpapabebe ko kay Kye.

“MAMA!”agad akong napangiti nang pumasok ako sa mans’yon ay si Khiana agad ang sumalubong sa akin.She gave me a tight hug.

“Baby,I miss you”I said and kissesd her forehead.

“I miss you too,mama”madamdaming sambit ni Khiana at gano’n nalang ang gulat ko nang bigla itong pumalahaw nang iyak.

“Hey,why are you crying?”nag-aalalang tanong ko,at kahit medyo mabigat s’ya ay binuhat ko s’ya at pilit na inaalalo.

Naglakad ako patungo sa sofa at naupo doon,inupo ko naman si Khiana sa hita ko.

“Mama,don’t leave again,okay?”umiiyak na sambit ni Khiana kaya ngumiti ako sa kan’ya bago s’ya patahanin at punasan ang luha n’ya.

“Mama will not leave again,baby.Don’t cry na,okay?”malumanay na sambit ko at saglit pa s’yang inalo bago ko naramdaman ang bigat n’ya dahil nakatulog na s’ya.

Inakyat ko nalang si Khiana sa k’warto n’ya at nang makitang mahimbing na ang tulog n’ya ay pumunta ako sa k’warto namin ni Kye para ayusin ang mga gamit ko.

Anong oras na din at kailangan ko nang magluto dahil paniguradong dadating na maya-maya si Kye.Habang nag-aayos ako nang gamit sa walk-in closet ay nagulat ako nang bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod.

Nang maamoy ko ang pabango ni Kye ay kumalma na rin ako “I miss you,Cie”bulong n’ya sa tenga ko at napapikit nalang ako nang halikan n’ya ako sa batok.

“I m-missed you,too”nanginginig kong bulong dahil patuloy pa rin s’ya sa paghalik sa batok ko patungo sa leeg ko.At mukhang alam ko na kung saan 'to tutungo.What a way to welcome me.

★★★★★

A/N:HINDI KO TALAGA ALAM KUNG ANONG PUMASOK SA ISIP KO AT NAGAWA KONG MAG-UPDATE😂ANYWAY,MARUPOK BA MASYADO SI CIE?DAPAT BA TINAGALAN KO 'YONG PAGPAPABEBE N'YA?😂

Billionaire 7:Kye VillaLobos Where stories live. Discover now