CHAPTER 15

661 7 4
                                    

WARNING:SKIP THIS PART IF YOU ARE NOT INTO SOMETHING LAME CHAPTERS!

MERON AKONG isang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin kay Cierra ang totoo,that she lost her memories after we have an accident that night.

Alam kong oras na malaman n’ya ang nangyari sa kan’ya ay iisipin n’yang madumi na s’yang babae dahil nahawakan at nagalaw s’ya nang ibang lalake,and worst.She will leave me.

And I don’t want that to happened,hindi ko kaya kung iiwan ako ni Cierra.Mula pagkabata namin ay s’ya na ang babaeng ninanais ko,at hindi ko hahayaan na muling may ilang taon na masasayang dahil lang sa iniisip n’yang hindi ko s’ya deserve,that I deserve some girl who are pure and clean.

Handa akong tanggapin si Cierra kahit na may ibang lalaki nang humawak sa kan’ya,hindi ko s’ya minahal dahil lang sa malinis s’yang babae.Minahal ko s’ya dahil karapat-dapat s’ya.At dahil s’ya lang ang babaeng pinangarap ko.

I look at her,she is still unconscious after the talking we had with Erra.Ilang oras na rin s’yang hindi nagigising,at sabi naman ng doktor n’ya ay normal lang daw iyon dahil baka napagod ang utak n’ya at maging ang katawan n’ya.

“Papa,hindi pa po ba gigising si mama?”agad akong napatingin sa batang katabi ko.She is sitting next to me,looking at her mother with worried in her eyes.

I took a deep breath and gave her a small smile “gigising na s’ya,anak.Mag-wait nalang tayo,masyadong napagod si mama eh”tugon ko dahilan para tumango s’ya at tumingin sa akin.

Napasimangot naman s’ya at tumayo upang paharap na kumandong sa akin at hinawakan n’ya ang magkabilang pisngi ko “papa,’wag ka na pong sad.Sabi ni lola-mama dapat po lagi lang tayong happy”paliwanag nito kaya napangiti naman ako at hinalikan ang tuktok nang ulo n’ya.She is referring to Cierra’s mom who is sometimes taking care of her.

“I’m not sad,baby.Nag-aalala lang si papa kay mama,but don’t worry about me”pagpapalubag-loob ko sa kan’ya at niyakap s'ya.Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala si Khiana sa tabi ko.

This child is my light aside Cierra,silang dalawa ang naging liwanag sa madilim kong mundo.Nang malaman kong buntis si Cierra ilang linggo matapos ang nangyari sa amin ay halos gusto kong magwala.

Hindi ko alam kung gaano kahirap kay Cierra ang mga pinagdaanan n’ya.She was kidnapped,tapos buntis pa s’ya sa anak namin kaya sobra-sobra akong nasaktan nang malamang buntis s’ya.

Noong una ay iisipin ko sanang hindi ako ang ama ng dinadala ni Cierra dahil ang sabi n’ya ay may ginawang hindi maganda ang lalaking dumakip sa kan’ya.But when the doctor told me how many weeks she is pregnant with our child and she was not raped,napanatag ako.

But still,anak ko man o hindi si Khiana ay handa akong tanggapin si Cierra.Hindi ang nangyari sa kan’ya ang magiging dahilan para mawala ang pagmamahal na meron ako sa kan’ya.

Nabalik ako sa wisyo nang marinig kong umungot si Cierra,agad kong nilapag si Khiana at tinungo ang kinahihigaan ni Cierra.When I stand in her side she immediately open her eyes.

“Mama!”masayang tawag ni Khiana sa ina,masaya na nakitang gising na ang ina.

“Baby,bantayan mo muna si mama.I’m just going to call the doctor”I said to my daughter,agad naman akong kumilos at tumawag nang doktor.Masaya akong makitang gising na si Cierra.

MATAPOS MAI-CHECK nang mga doktor si Cierra at sabihin sa aking ayos na ito ay para akong nakahinga nang maluwag.

“How is she?”agad akong napalingon sa taong nagsalita.Si Asher,nakakatandang kapatid ni Cierra,hindi ko pa nakikita si Ashton na isa pa nilang kapatid,marahil ay wala pa dito sa Pinas.

“Tito-papa!”kaway ni Khiana sa tito n’ya.Nilingon naman s’ya ni Asher at nginitian.

“Sabi nang mga doktor ay ayos na s’ya.Kailangan na lang n’ya ng pahinga”sagot ko.

Seryoso n’ya akong tinignan “I want to talk to you, VillaLobos”sambit nito kaya tumango ako.Minsan lang maging gan’to si Asher kaya sigurado ako na importante at seryoso nga ang pag-uusapan namin.

“Baby,take care of mama muna,okay?”baling ko sa anak ko na masunuring tumango naman.

Sabay kaming lumabas ni Asher sa k’wartong kinaroroonan ni Cierra at nagtungo sa likod nang ospital.

“Anong plano mo?nakakasiguro akong anumang oras ngayon ay malalaman na ni Cierra ang totoo.Makakaalala na s’ya.”sambit nito kaya napabuntong-hininga ako “kung hindi ka ba naman kasi isa’t-kalahating gago bakit mo pa kasi pinatira doon si Erra?”nangigigil na tanong sa akin ni Asher.

I looked at him “I have an agenda kaya ko s’ya pinatira doon.At isa pa,gusto kong malaman kung saan nagtatago ang putangina na Oliveros na iyon”sagot ko.

“At nalaman mo ba?”maangas na tanong nito,kitang-kita ko ang pagtalim ng tingin nito sa akin “akala mo ba hindi makakarating sa akin ‘yong naging pagtira ni Erra sa bahay n’yo at pinaako mo pa talaga sa kan’ya ‘yong anak n’yo ng kapatid ko,putangina ka!”singhal nito kaya napabuntong-hininga ako.

“I have plans—”

“Pero sinaktan mo ang damdamin ng kapatid ko!”muli nitong singhal,pinuputol ang anumang sasabihin ko.

“Antonio,hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama para kay Cierra”napipikon kong sambit.

Pagak naman s’yang natawa “iyon ang tingin mong tama, VillaLobos.Pero kahit kailan hindi tama ‘yong ginawa mo,hindi tamang pinatira mo ‘yong babaeng iyon na naging dahilan para mapahamak ang kapatid ko,and you know what’s worst?you let her claim Cierra’s daughter,her own flesh and blood”sambit nito kaya napaiwas ako ng tingin.

“Dahil ayaw kong iwan ako ng Cierra,Antonio.”mariin kong sambit.

“Nag-iisip ka ba?mahal ka ng kapatid ko.Sa tingin mo ba kakayanin no’ng iwan ka?may anak na kayo.Ano bang tingin mo sa pagmamahal ng kapatid ko sa’yo?mababaw?alam mong kaya no’n talikuran ang lahat ‘wag ka lang mawala sa kan’ya”sambit nito at bumuga ng hangin.

“Ayaw kong maalala n’ya ang nakaraan,Antonio.Ayaw kong maalala n’ya ang masalimuot na gabing iyon dahil paniguradong iisipin n’yang madumi s’ya at hindi s’ya nababagay sa akin”mahina kong sambit.

Tinignan naman n’ya ako at kahit anong tago n’ya,kita ko ang awa sa mga mata n’ya “umamin ka sa kan’ya, VillaLobos.Because what you two have right now is a toxic relationship.’Wag mong hayaan na habang lumalaki ang anak n’yong dalawa ay kalalakihan n’ya ang buhay na puro toxic ang nasa paligid n’ya”nagpapa-intinding wika nito.

Alam ko naman ‘yong mali ko,pero hindi nila ako masisisi.Ayaw ko lang mawala sa akin si Cierra,dahil kung hindi nawala ang alaala n’ya.Paniguradong oras na makausap n’ya ay at maalala ang ginawa sa kan’ya ay iiwan n’ya ako.

At ayaw kong mangyari iyon,mahal ko si Cierra at ayaw kong iwan n’ya ako.I know what I’m doing and it’s not right,it’s toxic already.

“Oras na makausap ka ni Cierra at kapag hindi n’ya pa naalala ang nakaraan.Umamin ka na sa kan’ya, VillaLobos ‘wag mo ng pahirapan ang kapatid ko.’Wag mo ng hayaan muli s’yang mabuhay sa kasinungalingan,tama na ang dalawang taong pagpapahirap mo sa kapatid ko”sambit nito at walang-lingon likod na umalis sa harap ko.

Napaupo naman ako sa isang upuan doon at tumingin sa kawalan,inaalala ang mga panahong masaya pa kami ni Cierra.

“Kye,look”agad akong napatingin kay Cierra ng ipakita n’ya sa akin ang isang sunflower na hawak n’ya.Nasa bahay kami at ang bulaklak na hawak n’ya ay tanim ni mommy.”Ang ganda ‘di ba?”sambit n’ya at humagikhik.

Napatingin naman ako sa mukha n’ya at bahagyang napangiti.Ewan ko ba,pero lagi ko naman s’yang nakikitang masaya,but she always make my heart stop beating because of her sweet smiles and laugh.

Kahit ang mga maliliit na bagay na ginagawa n’ya ay naaagaw n’ya ang atens’yon ko.I really like this woman,kahit noong mga bata pa kami ay crush ko na s’ya.

But she doesn’t know it,ayaw kong saihin gusto ko s’ya.Yes,I have everything.But I don’t know if I can give her the life she wants,ayaw ko s’yang makulong sa buhay ko.

Pero hindi ko natupad iyon.Dahil kahit anong gawin kong pigil sa nararamdaman mo ay paulit-ulit lang akong nahuhulog kay Cierra.And in the end,naging kami.

Our relationship have ups and downs,but we always make sure na maayos namin iyon.Pero ‘yong nangyari sa kan’ya sa nakaraan ang tuluyang naging dahilan para mawala ang kulay sa relasyon namin.

I still love her,pero tama ang kuya n’ya,tama si Asher.Hindi ko na ulit p’wedeng ikulong si Cierra sa kasinungalingan,tama s’ya.Siguro sapat na ang dalawang taon na nabubuhay si Cierra sa kasinungalingan.

Agad akong tumayo at tinungo ang k’wartong kinaroroonan ni Cierra.Pagpasok ko doon ay gising s’ya at wala si Khiana, paniguradong kinuha ni Asher ang anak namin.

Agad na sinalubong ni Cierra ang tingin ko,wala akong mabanag na kahit anong emosyon doon.Tila yelo ang mga mata ni Cierra na kay lamig kung tumingin sa akin.

“Let’s talk”sambit nito.Tumango naman ako.

Tama si Asher,kailangan kong makausap si Cierra.Kailangan kong alisin ang toxic sa relasyon namin,at handa akong tanggapin ang kung ano man ang magiging desisyon ni Cierra.

Dahil simula nang makilala ko si Cierra at maging karelasyon,isang bagay ang natutunan ko sa kan’ya.At iyon ay,hindi maaaring kapag nasa relasyon ka ay isa lamang sa iyon ang nagdedesisyon, kailangan ay parehas kayo.

At handa akong tanggapin ang kahit na anong desisyon n’ya ‘wag lang s’yang masaktan,para sa ikasasaya ni Cierra.Even though I need to suffer because of her decision,kahit na masaktan ako ay ayos lang,basta para sa babaeng mahal ko.

★★★★★

A/N:SUPER DUPER LAME BA?

SORRY TALAGA DAHIL ANG TAGAL KONG MAG-UPDATE FAIRIES.THOUGH,HINDI NAMAN ITO 'YONG PINAKAMATAGAL,MERON PA NGA AKONG MINSAN NA BUWAN MUNA ANG BIBILANGIN BAGO ANG UPDATE😂BUT STILL,BARE WITH ME AT SANA HABAAN N'YO PA ANG PATIENCE N'YO,MEDYO WALA PA KASI AKO SA MOOD NGAYON NA MAGSULAT.HINDI KO BA ALAM KUNG TINATAMAD AKO OR WHAT,BUT STILL SANA AND'YAN PA DIN KAYO KAPAG MAY TIME NA AKO PARA MAG-UPDATE.

AYON LANG,BYE FAIRIES SEE YOU ON NEXT UPDATE!😘

Billionaire 7:Kye VillaLobos Where stories live. Discover now