PROLOGUE

354 8 0
                                    

GRAMMATICAL ERRORS
CHARMELA LIEY

Pagod akong kumapit sa balikat ko at inikot ikot pa ang ulo ko dahil sa subrang sakit nito, galing ako sa trabaho at subrang pagod ako dahil madami ang costumer isa akong waitress sa bar umaga nako nakaka uwi dahil minsan umaabot din ng umaga ang kasiyahan doon pero kahit gaano ako kapagod ay hindi parin ako sumosuko dahil ako lang din naman ang inaasahan sa bahay.

Ako lang kasi ang kumakayod dahil ang dalawa kong kapatid ay tambay lang, masakit man sa loob ko pero wala akong magawa dahil sino ba naman ako para mag reklamo.

Pag dating ko sa bahay ay usok agad ang bumungad sakin tumingin ako sa sala at naabutan doon si papa at ang kanyang mga kasama na naglalaro ng tong-its habang nag iinoman.

"Mag hain kana at hugasan mo ang pinag kainan namin doon" aniya nito sakin ng hindi ako binabalingan ng tingin, napa yuko na lamang ako dahil ganito lagi ang eksena sa tuwing uuwi ako.

"Opo papa magbibihis lang po ako" aniya ko, hindi naman siya sumagot at nag lakad na lamang ako rinig ko naman ang sinasabi ng mga kasama niya.

"Ganda ng anak mo pare"
"Mukhang virgin pa ah"
"Hahahaha sigurado masarap yan"

Yumoko na lamang ako at dali daling umakyak saka pumunta sa kwarto para mag bihis sinigurado ko naman muna na naka lock ang pinto bago ako pumasok sa cr.

Napa kapit naman ako sa kamay ko at dahan dahang inaalis ang foundation na naka takip sa katawan ko, humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili.

Andami kong pasa sa katawan, pati sa liig ko ay meron rin hinawakan ko naman ito ngunit napa daing lang ako dahil sumakit ito.

Kagagawan ito ni mama minsan naman ay kang papa saakin nababaling ang galit nila sa tuwing lasing o talo sila sa sugal pero mas palagi akong nakaka tanggap ng pananakit kay mama dahil subrang init ng ulo nito sa tuwing ako ang nakakaharap niya, iniisip ko nga kong ano bang naging kasalanan ko bakit subrang sama niya sakin.

Pero kahit ganon nasasanay narin ako, iniisip ko na lamang na doon niya pinapakita ang pagmamahal niya sakin.

Sa pananakit.

Bumalik naman ako sa ulirat at mabilis na tinapos ang pag ligo ko at lumabas na sa cr, pumunta naman ako sa cabinet at kumuha na lamang ng t-shirt at pajama.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili.

Ano bayan ang pangit ko.

Kinuha ko ang foundation na binigay sakin ni Audrey isa siya sa katrabaho ko sa bar naging close narin kami dahil sabay kami noong nag apply sa bar.

Pagkatapos kong lagyan ang buong katawan ko ay lumabas nako pagbaba ko naman naabutan ko doon sila mama at papa pati naman ang dalawa kong kapatid na masayang nanonood sa TV.

"Pagkatapos mong kumain hugasan mo agad" aniya sakin ng kapatid ko, tumango ako kahit hindi sila tumitingin sakin.

Nag tungo ako ng kosina at nadatnan ko doon ang ulam sa lamesa.

Napahinga naman ako ng malalim ng makitang sabaw na lamang ang natira at wala na ang laman nito.

"Ano kakain kaba o hindi? Akin na nga pala ang sahod mo dahil natalo ako sa madyong kanina potanginang caloy yon ayaw pakong pautangin" aniya nito, bumaling naman ako sakanya.

"Wala pa po akong sahod nay sa makalawa ko pa po yon matatanggap" aniya ko rito, nakita ko naman ang pag daan ng inis sa mata nito at pag salubong ng kilay niya.

"Eh anong eh mamadyong ko? Mangungutang ako? Alam mo namang hindi ako pinapautang ni caloy dahil may utang pa ako sakanya ng 6k" inis na aniya nito.

"Meron po ako ditong 3k nay sayo na" aniya ko saka binigay sakanya ang pera, tinanggap niya naman iyon.

"Magbibigay din naman pala, kulang to, yan na ngalang ambag mo sa bahay nato kumukulang kapa aba! Bakit hindi ka nalang kaya mag pokpok kagaya ng anak ni hermisa malaki naman ang sahod! Malay mo maka kuha kapa ng mayaman! Wala ka talagang kwenta" inis na aniya nito.

Napa yuko na lamang ako sa sinasabi niya.

"Hindi ho ako ganon nay" mahinang aniya ko pero narinig niya parin naman iyon at tinaasan ako ng kilay.

"Nay wag mong pilitin yan kahit siguro gawin mong pokpok yan eh walang bibili at pipili jan sa pangit niyang yan may kukuha pa? Bulag nalang ang magkaka gusto jan" sabat ng kapatid ko.

Mas lalo naman akong nan lumo sa sinasabi nila ang sakit nilang mag salita parang hindi ako kapamilya.

Hindi ko na hinintay na mag salita pa si nanay at umalis nako doon bahala na tatanggapin ko na lamang ang pananakit ni nanay mamaya pag uwi ko gusto ko muna mag pahangin at mag palamig dahil subrang bigat ng nararamdaman ko.

Palagi naman ganito ang nangyayari pero subrang sakit parin pag naririnig mo.

Soya: wawa naman charmela nayan, hindi karaw kapamilya dahil ka puso ka!😉

MAFIA ADDICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon