Pagbabalik

165 6 10
                                    

Isang makulimlim na Gabi ang bumabalot sa Encantadia, Oras pa lamang Ng Siyesta Ng Gisingin Sina Mira at Lira Ng kanilang mga dama

"Ano ba? Mamaya na nga...ang aga pa oh" Reklamo ni Lira at nagtalukbong Ng kumot

"Oo nga, Mamaya na Yan...Wala pang Oras para magsanay kami!" Pagsangayon ni Mira sa Pinsan at tumalikod sa Dama, Nagkatinginan ang dalawang Dama at napakibit balikat

"Mahal na Sanggre may mahalagang bisita ang Lireo Ngayon at nais Ng Hara na Makausap niyo Sila"

Napabalikwas Ng bangon ang dalawang Sanggre, nakakunot ang kanilang mga Noo, taas ang kilay at naiinis tumingin sa mga Dama

Bumangon na rin Sila kalaunan at nagbihis Saka Sila nagtungo agad sa bukwagan at Doon nila Nakita si Paopao na gaya nila ay inaantok

"Ang aga Naman" Reklamo nito, sa dalawang Sanggre, nagpapalinga linga siya upang hanapin ang Sinasabing Bisita

Laking dismaya niya Ng Wala siyang Nakita ni anino

"Pinaglalaruan lang ata tayo Ng mga iyon" Laking inis ni Paopao at pinagkrus ang kanyang mga braso "Wala namang kahit sino dito"

Tumingin nalang ang Dalawa sa Azotea Ng Lireo at pinagmasdan ang dalawang buwan ni Hindi man lang nila naramdaman ang presensya Ng Isang nilalang

"Ano at naririto kayo? Nasa hapag kainan silang lahat, magagalit talaga si Hara Pirena gayong nahuli nanaman kayo" Saad ni Lilasari na kanina pa sila hinahanap. Napatingin Naman Sila sa kanya at sa Isa't isa

Nauna ng lumakad si Lilasari at sumunod na Ang tatlo sa kanya
__

"Mabuti Naman at nakaabot pa kayo" Sarkastikong Saad ni Pirena na halata ang inis sa tatlo, agad Naman silang humingi Ng dispensa

Nagbigay pugay sila sa mga bathaluman at sa Bathala na naroroon 'Sila kaya yung tinutukoy nila na Mahalagang Bisita?'  Tanong ni Lira sa isipan niya, mahina Namang natawa si Cassiopea

"Hindi Lira, Hindi kami... pero maari Naman, wag kang mag alala parAting na Sila, may pinatunguhan lang" Laking ngiti Ng Bathaluman na ikinataka Ng tatlo, bumaling Sila sa Bathala, Umasa na sasabihin nito pero Wala silang nakuhang sagot bagay na ikinadismaya nila

"napaghintay ba namin kayo?"

Agad na bumaling ang tingin Ng tatlo sa nagsalita sa kanilang likuran, galak, gulat at pangungulila ang naramdaman nila Ng Makita kung sino ito

"INAY"

"Ashti Ada"

"Ate Amihan!"

Sigaw Ng tatlo at agad na umakap Ng mahigpit sa dating Hara Ng Lireo, Hindi man nila napansin ang Kasama nito

"Ako ba, Hindi kayo nagagalak na nakabalik Ako?" Tanong ni Khalil na umaktong nagtatampo

Agad naman silang napatingin sa may ari Ng boses, tumakbo si Lira sa kanyang kinaroroonan at agad Siyang niyakap

"maligayang pagbabalik Cutie Curly Boy" agad naman niyang napagtanto ang sinabi niya at napakagat sa ibabang Labi, halata ang lungkot sa wangis Ng sanggre habang nagsasalita "Sana nga"

"Pagbabalik Naman talaga nila ito Sanggre" Nagitla Sila nang marinig nila ang malamig na tinig Ng bathala, na kahit nakangiti Ng bahagya ay malamig na mga mata parin ang nakatingin sa kanila

"Pagbabalik na Buhay, bilang mga encantada't encantadong humihinga" Pagpapatuloy Ng Bathaluman, na nagbigay saya sa lahat Ng naroroon, mapa kawal man, Dama, o Sanggre

"Kung gayon isa itong tunay na dahilan para sa pagdiriwang" Saad Ng Hara Ng Lireo, Si Alena at tinaas ang kanyang hawak na baso

"Para sa pagbabalik Ng dalawang mahalagang nilalang sa ating Buhay" sigaw pa nito

Nang araw din na iyon ay nagkaroon Ng pagdiriwang sa Lireo,napuno Ng saya at ligaya ang kaharian Buhat Ng pagbabalik Ng dati nitong hara at ni Khalil. ngunit lingid sa kaalaman nila ang nagmamasid sa kanilang mala yelong kuwago na nasa Hindi kalayuan

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon