Part two of Ang Bathala at Hara durie, requested by Cassychibi
Sa devas, naghahanda ang bathala na muling makaharap ang mga dating kaibigan
"Ayos ka lang?" Tanong ni Haliya sa kanya, tila masyadong malalim ang kanyang iniisip na hindi niya namalayan ang pag dating ng kaibigan
Hindi siya sumagot, bagkus ay pinagmasdan niya lang ang kaibigan at tumango
"Sigurado ka ba?"
Napabuntong hininga naman si Emre "Poltre Haliya, hindi ko lang maisip na magagawa tayong kalabanin ng ating mga kaibigan"
" Nagawa na nila noon sa langit, hindi na ako dapat nasurpresa.... ngunit hindi ko inaasahan na pati tayo ay susugurin nila" Dismayadong Saad niya pa
napalunok si Haliya, at tumingin sa langit ng Devas
"Maging ako man, pero ano pa nga bang magagawa natin?"
" Wala, kundi ang labanan sila" Seryosong Saad ni Emre
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Laking pagtataka ng mga encantado dahil sa biglang pagdilim ng himpapawid, kakaiba ang pinaparamdam ng hangin
ang mga buwan ay namula, kulog at kidlat ay namayani sa Himpapawid
"Naganap na.." Saad nito ng malamig ang tinig, kahit pa ang kanyang ekpresyon ay nag aalala na siya
agad siyang naglaho
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."ANO BANG GINAWA NAMIN SA INYO!? NANAHIMIK KAMI RITO SA MUNDONG ITO!" Pasigaw na Tanong ni Haliya habang iniilagan niya ang pag atake ng mga dating kaibigan
nahihirapan na Ang Lima Lalo pa't napakarami ng kanilang kalaban, kaya gumawa ng kalasag si Emre
"PASHNEA!" Pabulong na Saad nito habang patuloy na sinusubukan ng mga Celestial na wasakin ang ginawa niyang panaggalang
Bago pa man nila ito magawa ay may naglaho sa kanilang harapan at mas nilakasan ang Panaggalang na ginawa ng bathala
"Cassiopeia? anong-?" Hindi makapaniwalang saad nito "Avisala eshma"
"Mamaya na kayo magpasalamat, marami pa tayong kalaban" Saad nito
Unti unting naglaho ang pananggalang na nakapalibot sa kanila
Pinahaba at ginawang sibat ni Cassiopeia ang kabilan, iniilagan niya ang bawat atake ng kalaban
"MATA!" Sigaw ng bathala at pinatamaan ng kapangyarihan ang kalaban na sana ay aatake na sa likuran nito, tumango naman si Cassiopeia at nilabanan ang mga ito
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Ang laban na ito ay tapos na kaya kung maari ay bumalik na kayo sa pinanggalingan ninyo" Matalim na Saad ng bathala habang nakatutok ang kanyang sandata sa kalaban
"Napakataas ng tingin mo sa sarili mo" Sabat nito, muli na sana siyang aatake ngunit agad siyang pinigilan ni Ether gamit ang kanyang kapangyarihan
Matalim na titig ang ginawad sa kanila ng mga ito bago tuluyang umalis
"Aalis rin naman pala sila" Irap ni Haliya at lumapit sa mga Kaibigan nito
"Ayos lang kayo?" Nagulat sila nang bigla nalamang naglaho si Cassiopeia sa kanilang likuran
"Oo" Tugon ni Emre bago lapitan ang hara durie "Ikaw ayos ka lamang?"
Tanong nito pabalik, habang tinitignan kung may natamo bang sugat ang una, napatawa nalang ng marahan ang hara durie "Ayos lang ako, wag kang masyadong mag alala bathala"
"Poltre" Ngiti nito ang hinawakan ang kamay ng hara durie, ngumiti naman si Cassiopeia at niyakap ang bathala
"Ehem, mamaya na yan pwede ba? andito pa kami oh" Nang aasar na Saad ni Ether, matalim naman na tumingin sa kanya si Emre habang umiwas naman ng tingin si Cassiopeia. namumula
"Warka!" Saad ng Hara durie, nagpipigil ng kanyang ngiti bago nag laho paalis
napakurap nalang ang bathala "Anong nangyari dun?"
Natawa nalang sina Haliya at Ether sa mga nangyari
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons
Fanfictionsince Encantadia chronicles; Sanggre is pushed to 2025 I decided to make a Collection of headcanons/Shorts Story of Encantadia prior to the second season. Request is open, Do Dm or Comment your Request if you must. some words may or may be similar t...