Ang Bathala at Hara durie

65 3 19
                                    

Requested ni Cassychibi, ok ah teh Wala akong naintindihan sa storyline.... anyway so
______

"Napakapayapa, sana laging ganito" Nakangiting Saad ni Cassiopeia habang pinagmamasdan niya ang Encantadia mula sa Devas

Bumisita roon ang Hara durie dahil may naganap na pagpupulong upang mapanatili ang kapayapaan ngunit naiba ata ang nangyari

"Ano ba Ether!" Reklamo ni Haliya habang iniilagan ang pagpapatama sa kanya ng kapangyarihan ni Ether

"PASHNEA ka pag ako talagang natamaan mo ah"

Tumawa nalang si Ether sa sinabi ng kanyang kaibigan at umupo sa batuhan habang nagtatalo naman sina Keros at Arde dahil laging winawasak ni Keros ang ginagawa nito
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

" Bakit ganyan ka makatingin sa kanila Cassiopeia? " Tanong ni Emre na kinagitla ng Hara durie, umiling lang ito bilang tugon sa tanong ng bathala

walang gana ang Hara durie upang  makipag usap sa kanino man at agad namang napansin iyon ng bathala, umalis ito sa kanyang tabi....ginawa nalang nito ang sariling gawain

Naglakad naman si Cassiopeia patungo sa likuran ng bathala

"Bathala, mag papaalam na sana ako, Kinakailangan ko ng magbalik ng encantadia lalo pa't kailangan parin nila ang aking tulong"

"mhmm"

Nainis at hindi naman ang sinaunang diwata sa naging tugon nito, sa dami ba naman ng kanyang sinabi ay “Mhmm„ lamang ang tinugon sa kanya ng bathala, naglaho siya na naiinis

Bumalot ang pagtataka sa wangis ng bathala, iniisip niya kung may nasabi ba silang mali at ganun nalang ang naging reaksyon ni Cassiopeia

"tumigil na nga kayo, para kayong mga Bata" Malamig na Saad nito nang mapansin ang apat na nagbabangayan

inirolyo naman ni Ether ang kanyang mata "Wala ba sa bokubalaryo mo ang salitang saya?"

" Kaya wala kang katipan eh"

(Asar si Ether kahit anong version)

Nainis naman si Emre sa pang aasar ng kaibigan.... ngunit kahit pa ay may katotohanan naman ang sinaad ng bathaluman

" Wala akong paraan para sa ganyan Ether, tigilan mo ako" Malamig na saad nito, nagkibit balikat lang si Ether sa sinabi nito

"Ngunit alam mo, bagay kayo" Nangaasar na Saad nito bago bumalik sa kinaroroonan ni Haliya at nakipagkuwentuhan nalang dito

"Emre, imbitahan mo kaya si Cassiopeia bukas upang makisalo siya sa atin" Saad ni Haliya na ikinataka nito, Wala namang may Kaarawan bukas...at lalong Lalo Wala namang piging

"Bakit? Wala namang okasyon bukas"

Napairap naman si Haliya "Ah Basta ako nang bahala dun"

"Sige na" Tila wala namang nagawa si Emre kundi ang pag bigyan ang hiling ng kaibigan, dahil tiyak na hindi siya titigilan nito kung sakali man
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Pinapatawag niyo raw ako?" Saad ni Cassiopeia na agad namang nagbigay pugay sa mga bathala na naroroon

"Oo....nais namin na imbitahan ka sa pagsasalo mamaya"

"May kaganapan ba?" Tanong ng Hara durie

" Wala naman"  Tugon ng bathala at lumihis ng tingin 'pinilit lang ako ni Haliya'

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon