Bathaluman

71 3 11
                                    

"Mitena?" Saad ni Amihan at hinigpitan ang kapit sa kanyang sandata, ramdam Niya ang pagbaon Ng sandata Ng Hara Ng Nieve sa kanyang leeg

"Amihan, ang magiting na Hara Ng Lireo, ngunit napakadali ring utuin..Ako nga, Mahal na Reyna" pakilala Ng una sa kanya, ngumiti ito Ng nakakalokong Ngiti na siyang ikinagalit ni Amihan

"Ang Bathaluman? Nasaan si Cassiopea? Ano'ng ginawa mo sa kanya!?" Bahagyang umatras si Amihan at hinanda ang kanyang sandata para labanan ang Hara Ng Nieve

Ngunit tumawa lang ang una at agad siyang sinugod, agad na naharang Ng Sanggre ang atake ni Mitena gamit ang kanyang sandata

Sinipa Niya ito dahilan upang mapaatras si Mitena, ginamit ni Mitena ang kanyang kapangyarihan ngunit gumawa Ng pananggalang si Amihan,Ngayon si Amihan Naman ang sumugod ngunit agad na nasalo Ni Mitena ang kanyang palapulsuhan, pinaikot ito ni Mitena dahilan upang mabitawan Niya ang kanyang sandata, tinulak Siya ni Mitena dahilan upang mapatama ang likod niya sa puno, umupo si Amihan na tila nanghihina na, Lalo pa't napakalakas Ng kanyang pagkakatama na tila nabali ang kanyang Buto

"Ito na Ang iyong katapusan, Hara" Saad ni Mitena na naglaho bigla sa kanyang harapan, itinaas Ng una ang kanyang sandata at akmang papaslangin na niya si Amihan Ng may naglahong nilalang na sinalag ang atake ni Mitena

"Wag mong sasaktan ang mga nilalang na aking nasasakupan" Malamig na Saad ni Cassiopea at nilabanan si Mitena

Sa gitna Ng kanilang paglalaban ay sumulpot si Ether at pinatamaan Ng kapangyarihan ang Sinaunang Reyna

"PASHNEA!" sigaw Ng Bathaluman at pinahaba ang kabilan

Nilabanan Ng Bathaluman ang Dalawang Vedalje, Sa panahong dapat sasaksakin na ni Ether ang Bathaluman ay may naglaho sa kanyang likuran ay pinatamaan Siya Ng Kapangyarihan

Napaatras Ng kaunti si Ether, ngunit nabalanse parin Niya ang kanyang sarili

"Patas na Tayo" Saad Ng nilalang dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat

"Mabuti't nandito ka narin Emre, tila nais mong samahan ang iyong Bathaluman sa kamatayan" Pang aasar ni Ether na ikinainis Ng dalawa

"Pakiusap, Mauna ka na"  Saad Ng Bathaluman habang sinasangga ang pag atake Ng kakambal

Sa kabilang dako ay naglalaban ang Dalawang Bathala

Napatumba agad ni Cassiopea si Mitena, sinipa Niya ang likod Ng una, hinawakan ang kanyang braso at tinutok ang kabilan sa Leeg Ng Kapatid

"PASHNEA! Pakawalan mo Ako!" sigaw ni Mitena ngunit mas hinigpitan lang Ng Bathaluman ang pagkakahawak sa kanya

"Hindi ka pa ba nadala Ether!?" sigaw Ng Bathala habang sinasangga ang atake Ng kalaban. Tinawanan lang Siya nito

Nainis Doon ang Bathala at sinugod si Ether na napaluhod sa lupa gamit ang isang tuhod, Patuloy parin ang kanyang pagtawa

"Wag kang mag alala, tapos na ang laban" Kasabay non ay naglaho ang Bathaluman

Pinakawalan naman ni Cassiopea ang kakambal at matalim na tumingin rito

"Umalis ka na rin!" Madiin na Saad Ng Bathaluman, tumingin lang sakanya si Mitena at naglaho

Kasabay Ng paglisan Ng Dalawa ay ang pagbaksak Ng Bathaluman sa lupa at pagpikit Ng kanyang mata, dahil sa saksak na natamo Niya Kay Ether na Hindi namalayan

"BATHALUMAN"

"CASSIOPEA" Kapwa sigaw Nina Amihan at Emre na parehas na dinaluhan ang Bathaluman, niyugyog ni Amihan ang Bathaluman, agad Naman siyang pinalayo Ng Bathala

Sinubukan Ng Bathala na gamutin ang Bathaluman ngunit Wala siyang nagawa, tuluyan Ng nawalan Ng buhay ang kanyang pinakamamahal, napaiyak si Amihan, pagsisi ang kanyang naramdaman

"Mata" Nagbigay pugay si Amihan na Patuloy parin sa pag tangis

"Cassiopea...Mahal ko" Bulong ni Emre, na walng emotion na lumuluha, nakatingin sa walang buhay na katawan Ng Bathaluman
_____

A/N: Tinuloy ko lang yung tagu taguan Celestia_Encantadia

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon