Paliwanag at Katotohan

55 3 12
                                    

Part two of Mitena as requested by: Encafangirl
_____

Naalimpungatan ang bathaluman sa pagtama ng sinag ng Araw sa kanyang mata, taka siyang bumangon....buhay siya, ngunit ....papaano? Nakita niya na namatay si Mitena

naalala niya ang sumpa sa kanila noong mga paslit pa sila " kambal, magkaiba ang kapalaran ngunit ang Buhay ay magkarugtong at iisa..sa oras na mamatay ang isa ay mamatay kayong dalawa"

kaya laking gulat ng bathaluman nang malamang siya ay nabubuhay pa, nabali na ba ang sumpa... napaisip siya, marahil nga dahil namatay naman na siya noon

"Bathaluman? gising na pala kayo" Naputol ang kanyang pagiisip nang pumasok si Alena

"Kamusta ang inyong pakiramdam?" tanong ng hara

" Maayos naman ako Hara, anong nangyari?"

napabuntong hininga naman ang Hara sa kanyang tanong, napaisip ito kung hindi ba naalala ng bathaluman ang nangyari

"Ah, nawalan po kayo ng malay, bakit ho?"

"Hara....anong nangyari?" Paguulit nito,halata sa tinig niya na hindi ang sagot ng hara ang nais niyang marinig na sagot

Nagtaka naman ang Hara sa sinabi ng bathaluman, sinagot naman niya ang Tanong nito ah...

"Uulitin ko hara, ano ang nangyari?" madiin na ulit ng bathaluman sa kanyang tanong

hindi naman nakasagot ang hara





"Bathaluman, maari ba kaming magtanong?" Saad ni Danaya

Napatingin si Cassiopeia sa kanila at marahang tumango, kahit na gulong parin siya sa nangyari

"nais sana naming Malaman kung bakit nagkaganun kayo nang....paslangin ng bathala si Mitena"

Hindi naman nakapagsalita agad ang bathaluman,Hindi niya alam....Hindi siya Sigurado kung sasabihin ba niya ang katotohanan o hindi, kalaunan ay napagdesisyonan nalang niya na Sabihin ito

"ipatawag mo Sila"

Agad naman na sinunod ni Danaya ang utos ng bathaluman

Huminga ng malalim ang bathaluman

"May mga bagay kayong hindi alam....si& Mitena, siya ay aking kakambal" nag I was ito ng tingin

"Malapit kami noon sa isa't isa....halos Hindi mapaghiwalay kahit na alam ko na magkaiba ang aming tadhana.... ngunit ang pinaka tumatak sa isipan ko ay ang sinabi sa amin na iisa ang aming Buhay.....kaya Hindi ko siya nakayang paslangin...." paliwanag nito, nanggigilid ang kanyang luha

"dahil kung pinaslang ko siya....ay mawawala rin ako, Hindi ko kayo kanyang Iwan....Hindi ko kayang mawala sa inyo" malungkot na Saad nito

"Kaya nagtaka ako kung...kung bakit Buhay pa ako"

"Dahil isa ka ng bathaluman" Biglaang sulpot ng bathala dahilan upang magulat Sila

Agad namang nahimasmasan si Lira "K-kanina pa po kayo nandito?"

"Hindi, pero kanina ko pa kayo pinapanood"

"At ngayon ka lang nagpakita, Kasi?"

Nagkibit balikat lang ang bathala sa Tanong ng bathaluman

Napabuntong hininga naman ang bathaluman

"Emre....avisala eshma" pagpapasalamat nito

tumingin naman sa kanya ang bathala
" Para saan?"

"Para sa ginawa mo....sa pagligtas sa akin....sa pag paslang mo sa kanya"

" Hindi mo na kailangan pang magpasalamat, ginawa ko lang ang nararapat" Saad ni Emre at tumingin sa bathaluman

" Uhh, iiwan na po muna namin kayo" Saad ng Hara at saka hinila ang mga kapatid palabas ng silid, agad namang sumunod sina Mira at Lira

nginitian naman ni Cassiopeia si Emre,kung hindi dahil sa bathala ay tiyak na mawawala na siya sa encantandia at hindi niya ito kakayanin....hindi niya kayang iwan ito....ang Encantadia....ang Devas

May mga bagay pa siyang hindi sinasabi....at alam niya ang bagay na iyon, marami siyang sikretong hindi pa niya sinasabi.... napaisip siya bakit nga ba nagtitiwala pa sila sa kanya gayong napakarami ng mga bagay na tinatago niya....hindi niya kayang isipin kung bakit sa kabila ng lahat ng nalaman nila.....sa kanilang natuklasan ay—

"Cassiopeia?" Nabalik siya sa reyalidad at Naputol ang kanyang pagiisip nang tawagin siya ng bathala "Ayos ka lang? hindi ko masisid ang iyong iniisip"

Tumikhim ang bathaluman " May iniisip lang ako, poltre"

Nilapitan naman ito ng bathala  at hinawakan ang kanyang kamay "Hindi mo kinakailangan na humingi ng tawad, at kung ano mang nasa isip mo ay wag mo ng isipin ng masyado, Cassiopeia......pinagkakatiwalaan ka namin dahil sa iyong kontribusyon sa Encantandia, sa iyong mga sakripisyo at sa iyong talino"

"Sa tingin ko ay Wala naman silang pakialam sa mga natuklasan nila, at maging ako ay walang pakialam sa nalaman ko" Patuloy pa nito

Hindi naman nakapagsalita kaagad ang bathaluman, tama ang bathala....wala rin naman sa bokubalaryo ng mga  diwata ang tuklasin o halughugin ang nakaraan ng isang nilalang, bagay na nagbibigay payapa sa kaniya

ang mga diwata ang kanyang pamilya, matapos siyang itakwil ng Kapatid, matapos na......matapos ang pagkamatay ng kanyang mga magulang, kung paano siya pagtangkaan ng Kapatid....at kung paano siya napadpad sa Encantandia

"Avisala eshma"  Saad nito at niyakap ang bathala, na siya namang niyakap siya pabalik

kung may hihilingin lang siya ay sana.... sana hindi dumating ang araw na magkakaroon sila ng pagtatalo..... at kung dumating man ang araw na iyon ay sana.... maresolba agad nila ang problema..... sana lang ay Wala ng mga kalaban pa

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon