Plano

60 3 24
                                    

Continuation of "Imibistiga" and "Lihim" of Cassychibi and _CydneyFrancisco
________

"Ngunit, natitiyak ko na magtatagumpay silang dalawa" Saad ni Arde habang pinagmamasdan ang dalawa mula sa balintataw

"Sila pa" Pagpapalubag loob nito

"Alam naman namin ito Mahal ko, ngunit hindi parin namin mag alala para sa kanila lalo na at napaka mapanganib ng Plano ni Emre"

"Nagsalita ka para-" hindi na natuloy pa ni Haliya ang sinasabi dahil binatukan ito ni Ether

" SHEDDA"

" Bakit? totoo naman eh!" Dipensa niya sa sarili niya

Napailing lang sina Keros at Arde sa kanila
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Minamasdan ng bathaluman ang kanyang wangis sa salamin....hindi niya alam ang nararamdaman dahil sa kabila ng lahat ay siya parin ito....si Mitena, si Cassiopeia.... sila ay iisa parin

"Cassiopeia" Natigil siya sa pag iisip ng marinig ang tinig ni Azarra. Napairap siya ng palihim

Pilit na ngumiti si Cassiopeia kahit na nais na niyang tanggalan ng hininga ito "May kailangan ka?"

"May nais lang akong sabihin sa iyo" Saad nito na halatang nang iinis "Tungkol sa relasyon namin ni Emre"

(Ako nagsulat pero dugo ko pa unang dumugo)

Napatingin naman sakanya ng matalim ang bathaluman, halata sa mga mata nito ang pagseselos at poot ngunit binaniwala nalang niya ito

"Ano iyon?"

"Minsan na kaming nagkasama ni Emre sa iisang tahanan, at Meron nga na isang Araw na may muntikan ng mangyari sa amin"

Gumuhit naman ang pag seselos sa wangis ng bathaluman, na napansin agad ng kausap

"Muntik lang kaming mahulog sa bangin, wag kang magselos diyan" Tawa nito kahit na hindi ito ang totoo.... dahil ang totoo ay mas malala pa

Napabuntong hininga si Cassiopeia, hindi niya pinaniniwalaan ang sinasabi nito ngunit nagpanggap nalang siya, nang mapansin na hindi na interasado sa pakikipag usap ang bathaluman ay tumayo na ito

"Ah kung ganun ay maiwan na kita, sumunod ka nalang sa hapag kainan dahil nakahanda na ang pagkain"

Saka ito lumabas, agad namang nagtungo sa hapag ang bathaluman hindi parin mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Azarra

'Ayos ka lamang,?' Tanong ni Emre sa isipan niya.. tumango lang ang bathaluman

(Weh)

"Ano ba? hindi pa ba kayo kakain? magtitigan lang? may gusto ba kayo sa isa't isa?"

Nasamid si Cassiopeia at Emre sa sinabi ni Azarra, agad namang namula ang dalawa

"Wala" Dipensa ni Emre habang tahimik naman si Cassiopeia

nagkibit balikat lang si Azarra at patuloy na silang kumain at hinayaan ang nakakabinging katahimikan na bumalot sa kanila

"Maari ba tayong mag usap?" Tanong ng bathaluman sa bathala at hinila ito sa malayo....nais niyang itanong ang tungkol kay Azarra kahit may ideya na siya ..nais niya na Kay Emre na ito magmula

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon