anak

99 3 0
                                    

A/N: Actually sinulat ko ito as a part of an independent story, pero yk, nawalan Ako Ng motiv so nawala rin, kung tatanungin niyo kung sino si Aliyah, si Lilasari Yun(At least Yun yung birthname niya sa story na ito)
___
sa kanyang pagkalibang sa mumuni Muni sa Hardin Ng Lireo, Hindi napansin Ng Encantada ang presensya Ng Isang Nilalang

"Lilasari" Agad siyang napalingon sa nagsalita, hinanda Niya ang sarili na lumaban pero agad din siyang umayos Nang Makita kung sino ito

"Ada"  Nagpugay si Lilasari bilang pagbibigay galang sa Ina inahan, bilang Isang Bathaluman

"Napadalaw Po kayo, Hindi Naman siguro Sila sakit sa ulo, 'noh?" biro nito, Natawa Naman ang Bathaluman sa kanyang Tinuran

"Lilasari, mas sakit pa kayong Dalawa ni Lira sa Ulo" Saad ng Bathaluman at ngumiti Ng kaunti

Napangiti Naman si Lilasari dahil doom

"Hindi Ako nagbibiro Lilasari" Sumeryoso agad ang wangis Ng Bathaluman

"Alam ko Naman Yun Ada, lalo pa't Wala sa bukobolaryo ninyo ang  magbiro, may pagpupulong ba na magaganap?" Tanong ni Lilasari

"Wala naman, nais ko lang bumisita ngunit may mga Kasama Ako na nais kang makilala" Saad Ng Bathaluman at sumenyas sa Dalawang ivtre na kanina pa nakatayo sa gilid

"Ina sino Sila?" Tanong ni Lilasari at hinilig ang Ulo sa kaliwa, Isang Ngiti ang ginawad Ni Cassiopea at huminga Ng Malalim

"Sila ang iyong tunay na mga magulang" Saad ni Cassiopea

Napatingin lang Naman si Lilasari sa kanyang mga magulang at Hindi nagsalita ang una

"Anak...... Aliyah" Saad ni Jamir at sinubukan na yakapin ang anak pero umatras ito

"Lilasari, ang aking ngalan at Kayo?" Pakilala ni Lilasari at nilahad ang kanyang kamay

"J-Jamir.... Jamir ang aking ngalan" Saad ni Jamir

"Nagagalak akong makilala ka Jamir" Saad ni Lilasari

Napangiti nalang Ng mapait si Jamir sa tinawag Ng Anak, pero Wala rin siyang nagawa Lalo pa't alam niyang kasalanan Niya ito

Samantalang pinagmasdan lang ito Ng Bathaluman

"Maiwan ko na kayo, mag ayos kayo Ng pag uusap " Saad nito at niyakap ang anak anakan na siyang niyakap Siya pabalik

"Masusunod ada" Saad ni Lilasari Bago ito humiwalay sa yakap Ng Kanyang Ina Inahan

Tumingin lang si Cassiopea sa Dalawang ivtre at tumango Bago ito naglaho
____

Sa pagdating Ng Bathaluman sa Devas ay agad siyang sinalubong Ng Isang Ivtre, Isang Ivtre na Hindi niya kayang tignan sa mata

"Nagbalik ka na pala, kamusta ang pag uusap nila?" Saad nito pero Hindi ito pinansin Ng Bathaluman na Patuloy lang sa paglalakad

Alalang alala parin Niya ang pagtatalo nila Ng Ivtre ilang araw na ang nakaraan at Hanggang Ngayon ay may Galit parin Siya rito

"Anak... Cassiopea" Saad nito, sandaling lumingon ang Bathaluman pero agad din siyang naglakad papalayo

Tumulo ang kanina pang bagbabadyang luha sa mata Ng Bathaluman,

"Bathaluman, naka balik na Po Pala kayo" Saad ni Amihan na Masaya ngunit agad rin itong napawi Ng Makita ang ekspresyon Ng Bathaluman "ayos lang ba kayo mahal na Bathaluman?"

"Ayos lang Ako Amihan" agarang pinunasan Ng Bathaluman ang kanyang luha at ngumiti Ng kaunti

"Kanina ka pa ba rito?" Tanong ni Cassiopea sa Dating Hara Ng Lireo

"Opo, pinagmamasdan ko ang aking anak" Sagot ni Amihan, kasabay Ng pagtulo Ng kanyang luha. Ngumiti Siya Ng mapait

"Nangungulila na Ako sa kanya....sa kanila"   Muling tumingin si Amihan sa Encantadia kung saan pinapanood niya si Lira maging si Mira ang kanyang mga Anak na Hindi man lang niya nakasama Ng matagal

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon