Requested by: Cassychibi, sorry na late
______"KUNG HINDI MO AKO KAYANG PANIWALAAN AY NARARAPAT LANG NA UMALIS NA LAMANG AKO!" sigaw ng bathaluman bago siya umalis ng devas, ang kanyang plano ay ilang linggo lamang siyang mawawala roon ngunit hindi lahat ay umaayon sa plano, hindi ba?
Dahil sa kalagitnaan ng kanyang pagmamasid ay bigla nalamang may nagbuga ng pampatulog sa bathaluman, at agad itong nawalan ng ulirat
Nagising nalamang siya sa isang malamig at hindi pamilyar na silid
"Gising ka na pala, edea" Napalingon siya sa nagsalita, kahit anong mangyari, kahit saang lugar ay kilala niya ang may ari ng tinig na iyon
"Mitena" tumingin siya ng malamig sa kanyang Kapatid "Pakawalan mo ako rito"
"At bakit ko naman gagawin yun?" pangaasar ni Mitena sa kanya, napairap naman ang bathaluman dahil doon
kahit kailan talaga ay mapang asar ang kanyang.... kapatid, alam na alam nito kung paano makuha ang inis ng bathaluman, alam nito kung hanggang saan ang pasensya ng bathaluman at tila nais niyang ubusin nga ito
"Ano bang kinakailangan mo sa akin?" Tanong ng bathaluman na halata ang pagtitimpi sa kanyang tinig
"Hmmm" Nagpanggap ito na nag iisip ng isasagot sa katanungan ni Cassiopeia "Wala naman, kundi ang iyong kamatayan"
Sinugod niya ang bathaluman ngunit sa kabutihang palad ay agad nitong nasangga ang pag atake ng una
"Mahal na bathala, nais po naming makausap si Lola Cassy" Pakiusap ni Lira sa bathala, tumingin naman sa kanya ang bathala ng puno ng pagtataka
"Hindi ba siya bumaba ng encantadia?"
napatingin naman si Lira at Mira sa isa't isa, nagtataka dahil hindi naman nila nakita ang bathaluman na bumisita sa lireo... maging sa kanyang isla ay hindi rin nila ito matagpuan, napalitan ng pag aalala ang ekpresyon ng bathala nang kanyang mapagtanto na tila wala nga sa encantandia ang bathaluman
"Magbalik na kayo ng lireo, bababa ako ng encantadia mamaya lamang, sabihan niyo ang inyong mga ashti na magkakaroon tayo ng pagpupulong" Habilin nito sa dalawa bago harapin ang isang ivtre "Amihan, sasama ka"
"A-ako po?" Nagtatakang tanong ni Amihan at tinuro ang kanyang sarili, tumango lang ang bathala sa kanyang tanong
Tumango na lamang din si Amihan at nagtungo upang maghanda
"Ilang buwan na rin simula ng mawala ang bathaluman, hanggang ngayon ay hindi parin siya natatagpuan" Saad ni Danaya, maging siya ay nag aalala na
Simula't sapul ay ang bathaluman na ang tumulong sa kanila, at ngayon ay tila ito naman ang may kailangan ng kanilang tulong
"May alam po ba kayong posibilidad kung nasaan siya?" Tanong ni Mira, napailing naman ang bathala dahil maging siya ay hindi rin alam kung gaano tunay na kalawak ang encantandia lalo pa't hindi naman sila ang lumikha rito
"Ngunit may iba pa tayong paraan upang mahanap siya". napalingon sila agad nang marinig ang bathala
"Imaw, kung maari ay hihiramin ko muna ang iyong balintataw"
Nagtataka namang inabot ng adamyan ang tungkod sa bathala, gamit ang kanyang kapangyarihan ay inutos ng bathala sa balintataw na ipakita ang kalawakan ng encantadia at maging ang kinaroroonan ng bathaluman
Napuno ng pag aalala ang kanilang mga mukha nang makita na naglalaban ang dalawa, ngunit tila may mali dahil ni isa sa kanila ay hindi pinapahiran ang isa't isa
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons
Fanfictionsince Encantadia chronicles; Sanggre is pushed to 2025 I decided to make a Collection of headcanons/Shorts Story of Encantadia prior to the second season. Request is open, Do Dm or Comment your Request if you must. some words may or may be similar t...