Pagseselos

87 2 6
                                    

Requested by: Celestia_Encantadia
A/N: Magkakaibigan Po silang lahat( Keros,Arde and Ether's redemption arc).
______

Matagal na rin simula nang huling Magbalik sa Devas ang Bathaluman, masyado siyang Abala sa Encantadia ang lagi niyang dahilan ngunit Hindi niya din kinakaya ang pagiging malapit Ng Isang Ivtre sa kanyang Bathala

"Bathaluman nakabalik na Pala kayo" Bati Ng isang Ivtre ngunit nilampasan lang Siya ni Cassiopea, imbis ay nag tungo ang Bathaluman sa Azotea Ng Devas, inaasahan na naroon ang isang nilalang na nais niyang makita

Magsasalita na sana Siya ngunit agad siyang napatigil nang Makita na may kausap na Isang Ivtre ang Bathala, Hindi niya mapigilan ang magselos

"Bathaluman..."

"Cassiopea"  Laking gulat Ng Dalawa, ngunit Hindi na nagsalita pa si Cassiopea

"Mabuti't umuwi ka na, Mahal" Tanging nasabi Ng Bathala Ng mahimasmasan Siya sa gulat na nadama at Saka Niya niyakap ang Bathaluman na Siya namang agad yumakap sakanya pabalik

"Ikaw ba ay Kumain na? Magpapahanda Ako Ng makakain kung sakali man"

"Kumain na ako Bago pa man Ako umuwi Emre" pagputol Ng Bathaluman sa Bathala, magsasalita pa sana Siya nang magsalita ang ivtreng kaharap Ng Bathala kanina

"Bathala! Nais ko lamang malaman kung maganda ba ang aking ginawa?" Tanong nito sa Bathala dahilan upang mabaling ang atensyon nito sakanya; pinakita Niya ang kanyang ginawa sa Bathala

"Napakaganda Eira" Nakangiting Saad Ng Bathala, Ngumiti Naman pabalik ang Ivtre sa kanya

"Avisala Eshma" Pagpapasalamat nito at may sinasabi dito na dahilan upang mapatawa Ng bahagya ang Bathala

Napairap nalang sa inis ang Bathaluman at Napagpasyahan na Umalis na Muna, Hindi niya kinakaya ang pagiging malapit ng Ivtre sa kanyang Bathala. Kaya sa tuwing Kasama Niya ang mga ito ay Hindi na Siya nagsasalita pa o Hindi pinapansin ang mga ito
_______

"Wag mong Sabihin na nagseselos ka sa Isang Ivtre Kaibigan" natatawang sambit ni Haliya nang Makita ang kaibigan na nakaupo sa batuhan malapit sa batis Ng Katotohanan

"Shedda Haliya, Hindi ka nakakatulong" Madiin na sambit nito ngunit mas natawa lang ang Bathaluman Ng mga Buwan

Inirolyo lang Ng Bathaluman ang kanyang mata.

"maari mo rin namang ibalik sa kanya ang pabor" Pinatamaan ni Cassiopea Ng kanyang kapangyarihan ang nagsalita, laking gulat nalang Niya nang Makita kung sino ito

"ETHER! WAG KA NGANG SUSULPOT NALANG BIGLA" Sumbat Ni Haliya, napailing nalang ang Bathaluman at bumalik sa orihinal na anyo nito

"Nagbalik loob nga Hindi Naman nagbago, biglaan nalang susulpot" Bulong ni Cassiopea sa kanyang sarili

"Naririnig kita alam mo ba Yun!?" Inis na Saad Ng Bathaluman ngunit natawa lang ang una

"Alam mo Ether, Wala kayong maitutulong na dalawa"

"Bakit? Maganda Naman ang Suhestiyon ko ah?" pagtatanggol ni Ether sa kanyang sarili

"Wag mo ngang impluwensyahan si Cassiopea! At nasaan ba Ang iyong Katipan at inaabala mo nanaman kami!?" Sumbat Ng Bathaluman Ng mga Buwan

"Nasa balaak, saan pa ba Siya dapat nandoroon?" Tugon nito na namimilosopo, bahagya namang natawa ang Bathaluman sa inugali Ng Dalawa, tumingin si Ether Kay Cassiopea at muling nagtanong "Ano Cassiopea?"

"Sige na nga"

Nangaasar na ngumiti si Ether Kay Haliya dahil sa tugon ni Cassiopea
______

Kinabukasan ay Napagpasyahan ni Emre na Bumaba Muna Ng Encantadia upang bisitahin ang Bathaluman ngunit Hindi niya inaasahan na may Kausap ito, tila malapit Sila sa Isa't isa— napakalapit.. nakaramdam Ng pagseselos ang Bathala pero nanatili Siya doon

Hindi na Siya lumapit dito at Agad ding bumalik Ng Devas

"Bathala? Nakabalik na Pala kayo, kamusta ang pagbisita niyo?" Pagsalubong sa kanya ni Eira, Ngiti lang ang tinugon nito at Hindi sumagot sa Tanong Ng Ivtre, Hindi nila napansin si Cassiopea na pumasok ngunit agad ding umalis dahil Hindi na Niya kinakaya ang nakikita niya

"nandito ang Bathalang Arde mahal na Emre, naroon Siya sa punong bulwagan" Saad pa nito, tumingin sa kanya ang Bathala at tumango, Wala itong sinabi at nagtungo na sa Punong Bulwagan
______

"Bakit ganyan Ang iyong wangis? Tila Nakakita ka Ng Hindi kaaya Aya"

"Nakakita nga Ng Hindi kaaya aya!?"  Agad na napagtanto Niya ito

Tango lang ang naisagot ni Emre at umupo ito sa Bangko, na nasisilungan Ng puno Ng Buhay sa Devas

"Ano bang nangyari?" Napabuntong hininga Naman si Emre sa tinanong Ng Kapatid Bago nito Sinabi ang nangyayari,natawa Naman si Arde sa kanya

"May kasalanan ka rin Kasi, gumaganti lang yun. humingi ka kaya Ng tawad sa  kanya" Suhestiyon nito

"Alam ko Naman Yun"

"Bakit ka nga ba nandito?"

"Dahil Wala Ako sa balaak?" Pamimilosopo nito dahilan upang mainis ang Bathala sa kanyang tugon

"Haha..Bumalik ka na nga sa Iyong tahanan" Saad nito at tinulak Siya papalayo

"Tinutulungan ka na nga lang! Gawin mo ang payo ko Emre" Saad nito at naglaho paalis, napailing nalang ang Bathala at napaisip sa sinabi Ng Kapatid

Gagawin Niya ang bagay na ito
____

"Bakit? Ano't dinala mo Ako rito?" Tanong Ng Bathaluman sa Bathala nang dalhin Siya nito sa Lugar kung saan Sila unang nagkita

Ngunit imbis na sumagot ay niyakap lang Siya Ng Bathala Ng mahigpit,nagtataka man ay niyakap rin Niya ito pabalik

"Bakit?"

"Poltre...E corrie, Patawad kung nasaktan ko ang iyong damdamin" Paghingi nito Ng tawad, agad Namang nakuha Ng Bathaluman ang nais ipahatid Ng Bathala, humiwalay Siya sa kanilang Yakapan at Hinawakan ang Kamay Ng Bathala

"Emre, salamat sa paghingi mo Ng Tawad, may kasalanan din Ako....Hindi ko man lang inalam kung Anong nangyayari, na nagpadala Ako sa Selos kaya patawad din." tumango lang ang Bathala sa sinabi Ng Bathaluman at Hindi nagsalita "Patawad dahil naisipan Kong gumanti"

"Pakiusap ay wag na nating ulitin ang lahat Ng ito, at alam Kong si Ether ang nag Plano Ng lahat Ng iyon" Saad Ng Bathala na nakangiti

"Pa'no!?"

"May paraan Ako para malaman ang mga Bagay mahal Ko" Saad nito at Saka hinalikan Ang labi Ng Bathaluman, na Siya namang agad tumugon sa halik nito, nang putulin Ng Bathaluman ang kanilang halikan ay pinalupot Ng Bathala ang kanyang braso sa Bewang Ng Bathaluman at ngumiti

"E corrie diu,E corrie Bathaluman"

"E corrie diu, E corrie" tugon nito sa Bathala at diniin ang kanyang Ulo sa Balikat Ng Bathala, nakangiti niyang pinagmasdan ang buwan habang nakatitig lang sakanya ang bathala

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon