Bagong "Kaibigan"

36 2 0
                                    

WARNING: sensitive topics, Implied Sa, and attempt murder
_______

Gumawa ng pananggalang si Cassiopeia upang maprotektahan niya ang sarili

"pagod ka na?" Pang aasar ng kalaban nito, na siyang kinainis ng bathaluman

"Shedda!" umirap ang bathaluman

"Mhmm, naasar ka ba?" Pangiinis pa nito lalo sa bathaluman, masamang tumingin naman ang bathaluman sa kanya...unti unti niyang tinanggal ang panaggalang na nakapalibot sa kanya at binato ang kanyang kabilan dito

Nailagan naman ito ng kanyang kalaban at saka siya inatake mabuti nalamang at agad niya itong nailagan,nagalit ang kanyang kalaban at sinamo ang kanyang mga alagad

"Pandaraya iyan!" Sigaw ng bathaluman habang iniiwasan ang mga ito, hindi niya rin magamit ang kanyang kapangyarihan dahil sa tuwing ginagawa niya ito ay tila mas lumalakas lang ang mga ito at nakakapagod.... tumawa naman ang kanyang kalaban nang biglang may nagpatama sa kanya ng palaso, napatingin naman ang bathaluman sa nilalang

"Avisala eshma" Saad ng bathaluman, nginitian lang siya ng nilalang at pinatamaan ng kanyang mga palaso ang mga alagad ng una habang nilabanan naman ito ni Cassiopeia at agad niyang nagapi
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nakabalik ka na pala Mata, at sino ang iyong kasama?" Tanong ni Haliya sa bathaluman

" Ahh si..." napatigil sa pagsasalita ang bathaluman nang mapagtantong hindi nga pala niya naitanong ang pangalan nito

"Vera, Vera ang aking ngalan" Ngiti nito

"Nagagalak akong makilala ka, Vera...ako si Haliya" Saad ni Haliya

"May bago pala kayong kaibigan?"

Napatingin naman ang tatlo sa bathala na biglaan nalamang sumulpot sa kanilang harapan

"Oo...si Vera" sagot ni Cassiopeia

tango lang ang tugon ng bathala

"Nagagalak ako na makilala kayo, Bathala" Saad ni Vera at ngumiti....ngunit may kakaiba sa kanyang ngiti na dahilan upang hindi maging komportable ang Bathala

"Nagagalak rin ako na makilala ka, at Emre ..tawagin mo nalang akong Emre" Pilit ngiti nitong saad

" Oo nga pala Mahal, kamusta naman ng Encantadia?" Tanong ni Emre sa bathaluman....iniba niya ang usapan upang mawala ang tunggal na katahimikan

" Maayos naman, sa ngayon ay wala pa namang masamang nangyari, bakit?"

" Wala naman,nag aalala lang ako" Saad ni Emre, tinaasan lang siya ng kilay ng bathaluman

"Maiwan ko muna kayo" patuloy pa nito at umalis
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa paglipas ng ilang linggo ay nag-iba ang pag uugali ni Vera, lalo na sa paligid ng bathala

habang pinapanood ni Emre ang encantadia sa balintataw ay lumapit sa kanya si Vera

"Emre" Saad nito at hinawakan ang balikat ng bathala dahilan upang maging hindi komportable ang bathala

"uh, may kailangan ka?" Inalis nito ang kamay ni Vera na nasakanyang balikat

Tumingin sa kanya si Vera, ngunit may kakaiba sa kanyang titig "Maari ba tayong mag usap?"

"Ng tayo lang?"

Hindi agad nakasagot ang bathala, sa kabutihang palad ay nakita niya agad si Cassiopeia

"Cassiopeia" Saad ni Emre at lumapit dito

Taka namang tumingin si Cassiopeia sa kanya

"May problema ba mahal?" Saad nito at hinawakan ang kamay ng Bathala

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon