LUNTAIE

100 5 6
                                    

_CydneyFranciscoCelestia_Encantadia here's your request , Quesha ang name ni Lira dito since may iba nang kinikikilalang Lira(Mira)
_________
"QUESHA! Saan ka ba nagtungo?" Tanong ni Cassiopea sa Luntaie, sa kanyang tinuturing na apo

"Namasyal lang Po Ako Ila Cassiopea" Sagot nito, Napangiti nalang si Cassiopea

Naalala Niya nang Makita Niya ang sanggol na si Lira sa Isang batuhan, tumatangis, Napagpasyahan Niya na kunin at Alagaan ito

Bumalik lang Siya sa wisyo Nang magsalita si Quesha(Lira)

"Ila may nakilala akong Isang paslit, malapit sa dalampasiga.. Lira Po ang kanyang ngalan at naging magkaibigan Po kami!" Saad nito, napangiti Naman si Cassiopea sa kanyang sinabi

"Ngunit Ila, kung Wala kang anak...sino ang aking Ina?" Tanong nito, dahilan upang mawala ang Ngiti sa labi ni Cassiopea

"Mapanganib pagnakilala mo Ang iyong tunay na Ina, Quesha ....kaya't wag mo nang, usisain pa" sagot nito, kumunot Naman ang Noo Ng Luntaie at pinahaba ang kanyang nguso

"Pero bakit Po?" Tanong nito, Hindi Naman nakapagsalita si Cassiopea, ayaw niyang masaktan ang Luntaie...lalong ayaw Niya na magkagalit Sila Ng Tinuturing na anak ni Amihan...ang kanyang Pinsan

"Basta...malalaman mo rin sa tamang panahon, ngunit sa Ngayon ay kinakailangan na nating magsanay" Saad ni Cassiopea at sinamo ang kabilan, napangiwi nalang ang paslit at Pumunta sa Kuta nila at nagpalit Ng kanyang Kasuotan at tsaka kinuha ang Isang kahoy na sandata (Arnis)

Lumabas Siya Ng Kuta at Nakita si Cassiopea na nakahanda, na yumukod Siya dito bilang pagbibigay galang at hinanda ang kanyang sarili, sinundan Niya ang bawat galaw na ginagawa ni Cassiopea, Hanggang sa mag isa nalang Siya at Hindi na Siya sinasabayan nito

"Magaling Quesha" Saad ni Cassiopea at pumalakpak

Napangiti Naman ang si Quesha(Lira) sa sinabi Ng Hara durye, tumigil na Siya sa pagsasanay at nagbigay pugay sa Bathaluman Bago Siya tumakbo sa kainan at kumuha Ng Paneya at Kumain, napailing nalang si Cassiopea sa ugali Ng kanyang alaga

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon