DEIA

42 2 1
                                    

In Collaboration with: Cassychibi
_______

Sa isang kaharian sa silangan ng Encantadia ay nagsasanay ang isang dalaga, katulad ng mga mamayan doon ay hindi niya rin alam ang tunay na pangyayari

mula noong Bata pa siya ay iisa lamang ang sinasabi sa kanya ng Ina niya

"ang mga diwata ay masama, sila ay ating kalaban"

At patuloy niya itong pinaniniwalaan.....

"Anak, maghanda ka" Saad ng kanyang ina, alam ni Deia na lulusubin nila nag Lireo dahil Yun ang napag usapan nila

tumango nalang siya at umalis upang magbihis ng kanyang kasuotang pandigmaan

sinuuot niya ang kanyang panaklob sa mukha at sumakay sa sasakyang pang himpapawid
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nagulat ang mga sanggre ng biglang may nagpasabog sa kanlurang bahagi ng Lireo

"TANAKRESHNA! sino ang mga warkang sumusugod sa atin!?"

"Kumalma ka Pirena" Saad ni Danaya

napabuntong hininga nalang si Pirena

nagpalit sila ng kasuotang pandigmaan at naglaho sa kanlurang bahagi ng Lireo

"Andito na pala kayo mga sanggre" Saad ni Olgana at inatake ang Hara, agad naman itong umilag at umaatake pabalik

nilalabanan naman ng ibang sanggre ang mga kawal

" Mga warkang 'to, hindi man lang mategi tegi" Reklamo ni Lira

Agad na sinugod ng dalaga si Lira ngunit nakaiwas agad ito at pinatamaan siya ng kapangyarihan

"PASHNEA!" Sigaw nito at inatake muli si Lira

"Yan lang ba ang kaya mo?" pang uuyam ni Lira habang iniiwasan ang kanyang atake

"Paggamit lang ba ng kapangyarihan ang kaya mo upang lumaban?"

" Warka! " inis na Saad ni Lira at sinipa ito.... napansin ng Dalaga na tila nadadaig na sila ng mga diwata

" Halika na, magbalik na tayo" Saad ni Olgana

"Hindi pa ito ang huli nating pagtatagpo" Patuloy pa nito bago maglaho

"MGA DUWAG!" sigaw ni Lira

"Lira, tama na" Saad ni Alena

" Sorry po ashti" Paghingi ng tawad ni Lira
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mahal na Kera" Nagbigay pugay si Olgana Kay Mitena

"Humihingi ako ng paumanhin dahil  hindi namin naga-"

Hindi na natuloy ang sinasabi niya dahil nagsalita ang Kera "Bayaan mo na, dahil ngayon ay alam na nila na may bago silang kalaban"

" Kalabang sasakop sa buong Encantadia"

Hindi nila alam na narinig ng Dalaga ang kanilang usapan, naglaho siya sa isang liblib na lugar at doon ay napaupo nalang siya

" N-naniwala ako sa isang kasinungalingan" hindi makapaniwalang saad nito

napuno ng pagsisi ang kanyang puso, hindi niya akalain na nagpagkabulag siya ng matagal na panahon sa sinabi ng kanyang ina at ngayon ay napaisip siya

ano pang mga kasinungalingan ang tinatago nila?

napabuntong hininga siya, napaisip kung mapapatawad ba siya ng mga ito
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kawal niyebe?" Tanong ng bathaluman, hindi siya makapaniwala sa sinabi nila....sana ay mali ang iniisip niya, dahil kung hindi ay....bakit pa siya nagbalik?

"Bakit bathaluman?" Tanong ni Alena, napansin niya ang balisang ekpresyon ng bathaluman

"May iniisip lang ako" Saad nito upang  hindi na magtanong pa ito

"Tila may ideya ako Yung sino ang may pakana ng paglusob sa inyo"

Napatingin nalang sila sa isa't isa nang magsalita ang bathaluman, ngunit bago pa man may makapagsasalita da kanila ay nakaramdaman sila ng isang presensya ng isang nilalang

"Sino ka!? magpakita ka sa amin!"

Kasabay nun ay naglaho sa kanilang harapan ang dalagang kasama sa mga lumusob sa kanila, tinutukan siya ng mga kawal ng sandata

Tinaas niya ang kanyang kamay na tila ba sumusuko siya "Wala akong armas"

"Bakit naririto ka?" Tanong ni Mira

napabuntong hininga ang dalaga "Nais kong humingi ng tawad sa paglusob namin, sa totoo lang ay Wala akong alam na....masama ang binabalak nila"

"Hayaan niyo, pagsisikapan ko na makuha ang inyong tiwala at pag papatawad"

Tinanggal niya ang talukbong na nakatakip sa kanyang mukha

"Ako si Deia, at asahan niyo na naririto ako bilang isang kapanalig na handang samahan kayo na lumaban sa aking lahi at protektahan ang Encantadia"

Nakatinginan naman sila sa sinabi ni Deia, hindi naman siya mukhang nagsisinungaling ngunit marami pa siyang kailangan na patunayan

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon